Chloe Dauden explains why she asked GMA Artist Center to release her

Naglabas ng kanyang hinaing si Chloe Dauden kaugnay ng pananatili niya sa GMA Artist Center sa loob ng tatlong taon. Saad niya, "Guaranteed contract yun and Miss Kapuso ka, I was expecting na magka-soap man lamang ako... You know, to have a regular soap, kaya lang wala, e. Yung iba ko, ipinapasok ako sa gitna or towards the end [of the show], wala akong nabuo."


Naniniwala si Chloe Dauden na mas pasok siya sa Viva Artists Agency (VAA) kaysa sa dati niyang talent management—ang GMA Artist Center ng Kapuso Network.

Kusa raw siyang kumalas sa Artist Center matapos ang three-year contract niya sa Kapuso network, na bahagi ng premyo sa pagkakapili sa kanya bilang Miss Kapuso sa Miss World Philippines 2011.

Si Chloe ang itinanghal na 2nd Princess sa nasabing pageant, kung saan si Gwendoline Ruais ang nahirang na Miss World Philippines at kumatawan sa Miss World 2011.

Pahayag niya, “Tinapos ko naman yung contract ko kasi guaranteed yung contract ko, e.

"Nakita ko kasi yung market ng Artist Center, more on bagets.

"Yung mga big stars nila, nag-start sa kanila nung bagets pa.

"’Tapos ako, medyo pa-sexy, so nakita ko na parang mas fit ako sa Viva.

"Kung merong magpu-push sa akin as sexy-dramatic actress, e, Viva yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chloe sa presscon na ipinatawag ng VAA para sa kanilang dalawa ni Ashley Rivera (a.k.a. Petra Humalimuyak), noong May 8, kaugnay ng pagpu-pose nila sa men’s magazine na FHM.

Si Ashley ang cover girl ng April 2014 issue, habang si Chloe naman ang nasa cover ngayong May 2014.



CAREER PATH. Isa raw sa mga nagawang projects ni Chloe sa GMA ay ang defunct musical-variety show ng GMA na Party Pilipinas.

Lumabas din siya sa With A Smile at nagkaroon siya ng breif appearance sa pelikulang My Lady Boss.

Binigyan din siya ng hosting stints sa out-of-town shows ng network.

Ano ba ang inaasahan niyang career path noon sa GMA?

Sabi ni Chloe, “Guaranteed contract yun and Miss Kapuso ka, I was expecting na magka-soap man lamang ako...

"You know, to have a regular soap, kaya lang wala, e.

’’Yung iba ko, ipinapasok ako sa gitna or towards the end [of the show], wala akong nabuo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nag-meeting kami, nag-sit down kami noon, ’What are your plans?’ Ganyan-ganyan.

“Nagpalit-palit rin kasi ng head ang Artist Center for a time.

"So, every time na nagpapalit, I had to go there and introduce myself again, tell them what I’m doing.”

Himutok pa ni Chloe, hindi raw nasunod ng network ang pinag-usapan sa contract.

“Oo, hindi talaga siya nasunod.

"Alam naman din ng Artist Center kung bakit ako umalis.

"What are my plans? Ngayon kasi nagma-Masters din ako ng Business Management sa Asia Pacific College.

"So, hindi naman ako nagmamadali.”

Nanghinayang ba siya sa three years niya sa GMA?

Saad nito, “Nanghinayang, at the same time, nung wala akong ginagawa on television, sunud-sunod din ang mga regional shows ko sa GMA, lipad ako nang lipad nun.

"Ako yung naghu-host ng pageant, so siksik din naman ako sa work outside.

"Hindi rin naman nagkulang ang Artist Center sa part nila that time.”



TIME TO QUIT. Hindi ba nag-counteroffer ang Artist Center na i-renew ang kontrata niya para makabawi sila?

Sabi ni Chloe, “Actually, hindi ko na nga tinapos yung contract ko.

"Nagpa-release ako a few months na lang before mag-expire yung contract.

"Hindi pa nga nila napu-fulfill yung buong guarantee ko, nagpa-release na ako.”

May impression sa beauty queens na gustong mag-artista na kailangan pang hasain sa acting ang mga ito.

Naramdaman ba ito ni Chloe noong nasa Artist Center siya?

Sagot niya, “Nakita ko naman yun.

"Pero nung nandun naman ako, nag-workshop naman ako kay Direk Joey Reyes.

"And before naman akong nag-pageant, nag-start naman ako sa ABS-CBN nung 2006 hanggang 2009."

Isa raw siya sa briefcase girls sa Kapamilya Deal Or No Deal.

"Pero at the same time, nagsu-soap na ako doon, e.”

Ano ba ang gusto niyang gawin ngayong parang nagsisimula na naman ang career niya sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Chloe, “Gusto ko talagang umarte.

"Kasi every time na tinatanong ako kung ano ang yung talent ko, acting talaga, sa drama."

Lola ni Chloe ang dramatic actress noong ’60s na si Marlene Dauden.

Patuloy niya, “Kunwari ’pag acting scene, I don’t need to emote anymore. I act on cue, I cry on cue.”



HEIGHT ISSUE. May taas na 5’8” si Chloe. Naisip ba niyang baka problema ito kaya hindi siya nabibigyan ng break?

Sabi niya, “Oo, actually, ang hirap kong hanapan ng partner kasi ganito ako katangkad.

"Kaya siguro nahihirapan sila [GMA] na i-cast ako. Kasi ’pag ang bida maliit sa iyo, parang masasapawan ko lagi.

“Pero nag-iba naman, e, tingnan natin kung ano ang mangyayari.

"Puwede naman akong mag-flats ’tapos naka-heels silang lahat,” sabi niya na nasa himig ng pagbibiro.

Paano kapag hindi natupad ang pangarap niyang maging isang drama actress?

Sabi ni Chloe, “Mapu-frustrate ako kasi yun ang passion ko.

"Pero kung hindi talaga para sa akin, puwede naman ako sa supporting [roles] or sa hosting.

"Hindi naman ako choosy."

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng GMA Artist Center kaugnay ng mga naging pahayag ni Chloe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN