Sunshine Cruz not ready to date despite go-signal from three daughters

Sunshine Cruz on dating again: "Napakahirap pumasok sa isang relasyon na hindi pa nakasara totally itong past ko. So, gusto ko munang masara ‘yan, ayusin muna. Kasi, sa totoo lang, sa ngayon, kung meron man manliligaw diyan, baka they will take advantage of you knowing you’re vulnerable, weak ka ngayon."


Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang magdesisyon ang aktres na si Sunshine Cruz na hiwalayan ang asawang si Cesar Montano.

Sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 11, tinanong si Sunshine kung ano ang mga nabago at ano ang mga nanatili sa kanya pagkalipas ng isang taon.

Tugon niya, “Ang mga anak ko po ay nananatili sa akin.

“Meron na po akong naipundar kahit papaano, although, unti-unti, binabayaran ko ang pagkakautang ko sa mom ko.

“Pero nakabili na po ako ng sarili kong bahay.

“And so far, so good pagdating naman po sa trabaho.

“After ng Dugong Buhay, nagkaroon ng Galema. At ngayon naman po, sinisimulan namin ang Pure Love.

“So, God is good. Mabait po talaga si God.”



SINGLE MOM. Ginawaran ng Quezon City court si Sunshine ng full custody sa tatlong anak na babae nila nila ni Cesar, habang binigyan naman ng visitation rights ang aktor.

Ano ang masarap sa pagiging isang ina?

Sagot ni Sunshine, “Ang sarap ng feeling na kahit maliliit na bagay na ginagawa mo sa mga anak mo, naa-appreciate nila.”

Sa kabila ng pagiging abala niya ngayon sa trabaho, nagagawa pa rin ba ni Sunshine ang mga dati niyang ginagawa para kanyang mga anak, gaya ng pagluluto para sa kanila at paghahatid sa kanila sa eskuwelahan?

“Yes, although sa ngayon, nagbabawi ako.

“Kasi there was a time na sobrang dire-diretso ang work. But they understand.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘Kapag may trabaho ang mommy, you should be thankful kasi ‘eto ang nagbibigay ng food sa atin sa lamesa. ‘Eto ang nagbibigay sa atin ng mga damit, sapatos na mga bago.’

“And they appreciate it and they are very thankful for the work naman.”

Dagdag ni Sunshine, “Ano lang, mahirap, kasi sa totoo lang naman, to be honest with you, hindi madaling maging single mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi madaling maging single mom kasi hindi naranasan ‘yan ng mom ko.

“Ang mom ko, since nawala ang papa ko—he passed away eleven years ago—talagang buo ang family.

“Pero ang naa-appreciate ko, pagdating sa mom ko, sobrang asikaso.

“Idolo ko ‘yan, e. Idolo ko talaga.

“At siyempre, kapag hindi masyadong busy, babawi tayo sa anak at gagawin natin ang mga bagay na hindi natin ginagawa kapag may trabaho tayo.

“Ang masarap, naa-appreciate ako ng mga anak ko.”

Paano naipapakita ng mga anak niya ito?

“Sila pa nga ang nagsasabi na, ‘Ma, I think you should date. We want you to be happy. It’s about time for you to date.’

“Yun ang sinasabi nila.”

DATING GAME. Kapag sinasabi ng mga anak niya na, ‘Mom, you should date,’ ano ang reaksiyon niya?

Sagot ng aktres, “Well, sinasabi ko, ‘Anak, hindi pa ako annulled.

“’Pangalawa, anak, kakalipat lang natin ng bagong lugar, nasa South na tayo ngayon.’

“Pati sila, nilipat ko ng ibang eskuwela. So, parang uunahin ko muna ang mga bagay na yun.

“Trabaho, makaipon… mga bata muna bago muna ang sarili ko.

“And, at the same time, napakahirap pumasok sa isang relasyon na hindi pa nakasara totally itong past ko.

“So, gusto ko munang masara ‘yan, ayusin muna.

“Kasi, sa totoo lang, sa ngayon, kung meron man manliligaw diyan, baka they will take advantage of you knowing you’re vulnerable, weak ka ngayon.

“So, yun ang isa sa pinagpi-pray ko.”

Pero paano niya iniiwasan ang mga nagpaparamdam?

Natatawang sagot ni Sunshine, “Naku, hindi ko naman pinag-iintindi!

“Hindi naman masyadong ano… dapat iniintindi.

“And at the same time, I need someone who will love, not only me, but my three children.

“I need someone na may courage talaga sa papasukin niya dahil kapag pinasok at niligawan ako, e, package deal ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang isang ipinagdarasal natin na irerespeto at mamahalin ako kung sino ako at mamahalin din ang mga anak ko.”



ESTRANGED HUSBAND. Kumusta naman sila ni Cesar?

“Hindi kami nag-uusap,” pag-amin ni Sunshine.

Pero umaasa ba siyang maaayos din ang lahat sa pagitan nila?

Tugon niya, “Every night, my kids and I pray na sana, kung hindi man friends, maging civil kami.

“Kasi, may tatlo kaming anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN