Manila Mayor Erap Estrada has yet to see grandson with daughter Jerika Ejercito and actor Bernard Palanca

Mayor Erap Estrada on his children’s lovelife: “I don’t interfere with the love affair of my children. When I was a teenager, my parents never interfered with my love affair. The same thing, I won’t interfere with their love affair as long as they ask.”


Tipid ang mga salita ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada nang tanungin ng media tungkol sa panganganak ng anak niyang si Jerika Ejercito.

Isinilang ni Jerika ang anak nila ng kasintahang aktor na si Bernard Palanca noong May 7. Pinangalanan nila ang kanilang supling na lalaki bilang Isaiah Joseph.

Si Jerika ay anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Read: Bernard Palanca and Jerika Estrada now proud parents to a baby boy

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Erap sa contract signing para sa Search For Miss Manila 2014 kahapon, May 12, sa Manila Hotel.

Dito ay tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa bagong dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.

Sabi ni Erap, “Okay lang, welcome.

“Kamukha ko? Hindi ko pa nakikita.

“Everybody’s happy when anybody’s born.”

Sa isang interview ni Bernard ay sinabi nitong gagawin niya ang lahat para makuha ang loob ng pamilya ni Jerika, partikular na si Mayor Erap.

Read: Bernard Palanca wants to get blessing of girlfriend Jerika Ejercito’s family before marrying her

May ginawa na bang effort ang aktor para makapag-usap sila at bukas kaya ang loob niya tungkol dito?

Sagot ng dating Pangulo, “I never know about it,

“Effort? No.”

Tanggap ba niya si Bernard para sa anak?

“Nag-e-enroll ba? May sariling pamilya yun, bahala siya,” pabirong sagot ni Erap.

Dadalo ba siya sa binyag ng apo?

“Binyag? Let’s not talk about it,” matipid nitong sagot.

Nang hingan ng mensahe para kay Bernard, isang salita lang ang binitawan para dito ng mayor ng Maynila: “Good luck.”

Tinanong din si Erap tungkol sa balitang nagkabalikan na ang isa pa niyang anak kay Laarni na si Jake Ejercito at ang girlfriend nitong si Andi Eigenmann.

Ngunit saad niya, “I don’t interfere with the love affair of my children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I was a teenager, my parents never interfered with my love affair.

“The same thing, I won’t interfere with their love affair as long as they ask.”



SENATOR JINGGOY AND PDAF. Tungkol naman sa pagkakasangkot ng anak niyang si Senator Jinggoy Estrada—anak ng dating Pangulo sa asawa nitong si dating Senator Loi Ejercito—sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam o mas kilala sa pork barrel scam, kampante si Erap na walang itinatago ang anak.

“They are welcome kagaya din ng pag-lifestyle check ko. Were they able to prove anything, mayroon ba silang nailabas?

“Siguro kung may nakita sila araw-araw headline, kaya nag-a-apologize lahat ng mga tao.

“Noong araw, guilty by publicity.

“This time, ni hindi pa nailalabas sa korte, ni hindi pa nadidinig sa korte, guilty na agad.

“Any man is presumed innocent unless proven guilty.

“Was I proven guilty before? The juidiciary even created a special court, they even created a task force.

“All the evidences, wala silang maipakita.

"Do you think I’m guilty? Do you think I will still win as Mayor of Manila?"

Napatalsik sa puwesto si Erap bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2001 pagkatapos ng naunsiyaming impeachment trial dahil sa kasong plunder at perjury na isinampa laban sa kanya.

Ayon pa kay Erap, kayang depensahan ni Senator Jinggoy ang kanyang sarili.

“He can defend himself. I know he can defend himself.

“I went to that experience already, they ganged up on me, what they’ve proven?

“They apologized, even the church apologized through Bishop Tobias. He apologized in front of the church.

“They came up to me, even the so-called mga elitista.”



MISS MANILA 2014. Ideya raw ni Mayor Erap ang pagre-revive ng Miss Manila, kung saan kabilang sa mga nanalo rito noon ay ang dating First Lady na si Imelda Marcos at ang yumaong ina ni Erap na si Mrs. Mary Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mayor Erap, ito ang nakita niyang paraan upang makapagpatayo ng dialysis hospital sa Manila sa ilalim ng kanyang termino.

“Ako rin kasi, naghahanap ako kung paano maitatayo yung dialysis hospital.

“Naisip ko yung Miss Manila na dating nakalimutan, i-revive yung dating Miss Manila pageant.

“Ang ultimate objective is to help the poor by putting up a dialysis hospital for the poor.

“Kasi masyadong mahal, too expensive for the poor. The cheapest is P1,600 per session, twice or thrice session per week.

“If you’re just an ordinary employee, you can’t afford it.

“Kaya marami ang namamatay dahil hindi maka-afford na magbayad.”

Para kay Mayor Erap, hindi lang kagandahang panlabas ang dapat taglayin ng sinumang mananalo bilang Miss Manila 2014.

“Matulungin din sa mahirap saka siyempre she should also be intelligent to understand the problem of our people.

“Yung heritage ng Manila, kailangang malaman din niya kung saan nangggaling ang Manila.

“Kung dating Pearl of the Orient... kung Pearl of the Orient ba.

“Parang incentive yung one million cash prize nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN