Ai-Ai delas Alas still open to May-December affair: "Doon na ako sa bata kaysa sa matanda. Pareho rin naman silang nangtu-trauma!"

Ai-Ai delas Alas joins Anne Curtis and Marian Rivera as Belo endorsers. Ai-Ai says, “Siyempre happy ako kasi love ko iyang mga iyan. Love ko si Yan [Marian], love ko si Anne—pareho pang Dyesebel iyan, ha! O, ‘di ba, magkaka-level kami sa ganda. O, ‘di ba, Anne, ‘tapos Marian, ‘tapos ako. Ikaw na!”


Noong una’y hindi sinagot ni Ai-Ai delas Alas ang katuwaang tanong sa kanya ng press, sa formal question and answer portion, kung kaninong lalaking celebrity niya gustong ipasubok ang bagong sikip niyang pagkababae matapos niyang sumailalim sa Femilift procedure ng Belo Medical Group.

Pero nang makausap na siya nang personal ng press ay naging game na siya sa pagsagot, lalo na nang mabanggit ang pangalan ng crush niyang si Dennis Trillo.

Bulalas ni Ai-Ai, “Ay, oo, puwede!

“Dapat nga, e, [si Dennis ang isasagot ko kanina]. Kaya lang, baka mapagalitan ako ng ABS.

“Baka sabihin, ‘Ano ba iyang Dennis Trillo na iyan, hindi matapus-tapos?’ E, kasi taga-GMA siya, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ai-Ai sa presscon na ibinigay sa kanya ng Belo Medical Group para sa iniendorso niyang 10-minute, non-surgical, painless procedure na tinatawag na Femilift.

Kasama ni Ai-Ai si Dra. Vicki Belo at anak nitong si Cristalle Henares sa presscon na ginanap kahapon, Mayo 13, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Ai-Ai, huli silang nagkita ni Dennis sa presscon para sa announcement ng winners sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013 noong Marso 27 sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.

“Hindi pa nga kami nagkikita after nun, e. Pero I think magkikita ulit kami sa PEP [List] sa May 20, I think nandun siya.”

Kung si Dennis ang napili niya sa GMA, sino namang male celebrity ang pipiliin niya sa ABS-CBN?

“Sa ABS? Ay, si Enrique Gil, guwapo, e, lalo na nung pumayat siya,” sagot ni Ai-Ai.

Between Sam Milby and Gerald Anderson na kasama niya sa Dyesebel?

Tugon ng comedienne, “Gerald ako. Kaya lang kay Maja [Salvador] yun, e, anak-anakan ko si Maja.

“Baka sabihin ni Maja, ‘Ma, kinumpitensiya mo pa ako.’

"So, si Enrique Gil na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino pa ba? Si Aljur [Abrenica].”



YOUNGER BOYFRIEND. Kung halimbawa bang magkakaroon siya ng bagong boyfriend, okay ba sa kanya yung mga kasing-bata ng mga artistang lalaking sinabi niya?

Sabi ni Ai-Ai, “Yung mga twenties? Oo naman! Kaya ko naman, e.”

Wala pa ba siyang trauma sa mga lalaking mas bata sa kanya? Ang huli kasi niyang nakarelasyon at naging asawang si Jed Salang ay mas bata sa kanya.

“E, pare-pareho lang naman sila, e. E, di doon na ako sa bata kaysa sa matanda.

“Pareho rin naman silang nangtu-trauma!” tawa niya.

Sino kaya ang unang lalaking makaka-experience sa pinasikip niyang pagkababae?

“Well, the search is on!” biro ni Ai-Ai.



RECOMMENDATION. Dahil nga effective kay Ai-Ai ang Femilift, sigurado raw na irerekomenda niya ito sa mga kaibigan niya.

“Ay, oo, lahat ng mga showbiz friends ko na babae papa-share ko sa kanila na subukan nila itong Femilift.

“Yung mga kasama ko sa Dyesebel, sasabihin ko sa kanila...

"Para iyan sa mga may anak na… Kasi mas advisable ito sa mga nanganak nang normal.

“Sabi ni Doktora [Vicki], hindi kailangan yung mga nag-ceasarean. Kailangan yung mga normal.”

Sa ngayon daw, wala pa siyang nae-encourage na mga artistang babae para sumailalim sa Femilift.

“Mga artista? Wala pa kasi bago pa lang, e.”



ANNE & MARIAN. Samantala, natutuwa si Ai-Ai na kasama niya rin bilang Belo endorsers ang mga anak-anakan niyang sina Anne Curtis at Marian Rivera.

“Siyempre happy ako kasi love ko iyang mga iyan.

“Love ko si Yan [Marian], love ko si Anne—pareho pang Dyesebel iyan, ha!

“O, ‘di ba, magkaka-level kami sa ganda. O, ‘di ba, Anne, ‘tapos Marian, ‘tapos ako. Ikaw na!”

Magkakaroon din ba siya ng billboards ng Belo, ‘tulad nina Anne at Marian?

“Of course, pero hindi pa ako nagpi-pictorial. Basta pasabog ulit ang billboard ko,” sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN