Ian de Leon jittery about showbiz comeback: "Nakakapanibago talaga."

Ian de Leon admits to being nervous about going back to showbiz: “Dumating din dati pa na nabakante ako nang matagal kaya siguro hindi ko masyadong nagagamit yung pag-arte. Kaya nung isinalang ako ulit, kinabahan talaga ako.


Hindi na raw maalala ni Ian de Leon kung kailan sila huling nagkita ng kanyang ina na si Nora Aunor.

“Medyo matagal na rin kaming hindi nagkikita," saad nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-guest ito last Saturday, May 10, sa Walang Tulugan with the Master Showman.

"Matagal-tagal na talaga."

Sabi ni Ian, masyado lang sigurong busy ang Superstar sa film projects at siya naman ay may ginagawa rin kaya hindi sila nagkikita.

“Kapag ’di kasi ako busy sa showbiz, nakatutok ako sa business ko.

“Bale bago lang ito. Hopefully soon, pumik-up na rin siya."

Sa advertising daw ang bagong negosyo ni Ian.

"Pinag-aaralan ko pa as I go on."

Patuloy pa ng aktor tungkol sa ina, “Hopefully, ’pag nagkaroon kami ng mga bakanteng oras, baka magkita-kita rin kami."

JITTERY ON COMEBACK. Samantala, aminado si Ian na nangangapa siya sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

“Actually, kinakabahan na nga ako ngayon sa tuwing may bago akong proyekto."

Matagal daw kasi siyang nabakante sa pagkakaroon ng regular show, bukod sa mangilan-ngilan din at mabibilang lang ang kanyang guestings sa iba`t ibang TV shows.

Pahayag ni Ian, “Dumating din dati pa na nabakante ako nang matagal kaya siguro hindi ko masyadong nagagamit yung pag-arte.

"Kaya nung isinalang ako ulit, kinabahan talaga ako.

“Ganun siguro talaga kapag medyo matagal kang nabakante.

"Nakakapanibago talaga.

“Pero ngayon na nagkasunud-sunod naman, medyo umookey na."

Nakasama raw siya sa pilot episode ng Rhodora X sa GMA-7 at may ginagawa siya ngayong indie film.

“May ginagawa kaming indie film ni Tito Jerry O’Hara, yung Sundalong Kanin.

"Back to acting na naman talaga ako.

“Sana lang magkasunud-sunod at mas dumami pa yung mga proyektong darating sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN