YouTube sensation and real-life couple Jamich is now engaged

“Yung feeling na parang gusto ko siyang i-surprise, natural na lumalabas sa akin. Kasi, parang kapag nakikita ko siyang happy, siyempre, happy na rin ako,” explains Michelle Liggayu about her proposal to boyfriend Jam Sebastian.


Engaged na ang YouTube sensation at real-life couple na sina Jam Sebastian at Paolinne Michelle Liggayu, na mas kilala bilang Jamich.

Sa kanilang social media accounts, masayang ibinalita ng dalawa ang engagement nila na nangyari habang nasa gitna ng isang church service ng Feast PICC noong Linggo, May 11.

Una nila itong ibinahagi sa kanilang Twitter account (@ilovejamich).

Dahil dito, ang #JamichGotEngaged ay agad na nag-trending dahil sa mga pagbati mula sa kanilang followers.

Samantala, sa Facebook account naman ni Jam (Jam Fernando Sebastian), ikinuwento ng binata kung paano nag-propose sa kanya ang girlfriend na si Mich.

(Published as is) “Biglang dahan dahan lumalapit si Mich, di ko na naiintindihan sinasabi niya kasi iba na ung pakiramdam… Nung malapit na siya sa akin bigla ba namang sinabi ‘Will you be my happily ever after?’

“…Syempre sinagot ko siya ng "SYEMPRE YES!" Biglang inabot sa akin ung ring, di ko alam kung ako ba susuotan niya ng ring hahaha! Eh nakita ko pambabae ung ring, sabi ko "ahhhh ako magsusuot sa kanya" tapos sinabi ko ‘Will you marry me?’ Sabi niya ‘OFCOURSE YES’”

LONG PREPARATION. Sa panayam ni Cata Tibayan ng GMA News, sinabi ni Mich na noong nakaraang taon pa niya binabalak ang proposal sa kanyang nobyo.

“Yung feeling na parang gusto ko siyang i-surprise, natural na lumalabas sa akin. Kasi, parang kapag nakikita ko siyang happy, siyempre, happy na rin ako,” sabi ni Mich.

Nilinaw rin niya na hindi niya ito ginawa dahil sa kalagayan ni Jam, na kasalukuyang nagpapagamot dahil sa sakit na lung cancer.

“Yun nga rin ang concern ng parents ko. Sabi nila baka maisip daw ng mga tao na naawa lang ako. Pero hindi, kasi six years na kami. Ano pa ba ang hinihintay namin?”

Ayon kay Mich, hihintayin muna nilang magpagaling si Jam bago nila sisimulan ang wedding preparation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw sana niya ang beach wedding at sana ay sa Paris ang honeymoon.

Narito ang Instagram video ng proposal ni Mich kay Jam noong Linggo:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN