Cristine Reyes speaks up about real score with cager Kevin Alas

by Bernie V. Franco
May 14, 2014
Kapamilya star Cristine Reyes on issue that Gilas Pilipinas player Kevin Alas is courting her: “Hindi ko sigurado kung nanliligaw siya sa akin. Kung nanliligaw ang isang tao, 'di ba, may effort, may flowers? Wala namang gano’n. So feeling ko, we’re really friends.”

Nali-link ngayon si Cristine Reyes sa Gilas Pilipinas cager na si Kevin Alas, pero nilinaw ng aktres na hindi pa sila magkasintahan.

Una silang nagkakilala sa isang party, ani Cristine.

Direktang tinanong ang aktres kung nililigawan na ba siya ni Kevin.

“Medyo ina-avoid ko yung tanong na nanligaw ba siya or what, kasi hindi ko alam,” tugon ni Cristine sa press launch niya bilang bagong endorser ng EB Advance Beauty products kaninang tanghali, sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

“Hindi ko sigurado kung nanliligaw siya sa akin. Kung nanliligaw ang isang tao, di ba, may effort, may flowers? Wala namang gano’n. So feeling ko, we’re really friends.”

Hindi naman isinasarado ni Cristine ang posibilidad na magkatuluyan sila ng basketbolista.

“Hindi ko sinasabing walang pag-asa, pero right now, pelikula muna ang inaasikaso ko ngayon.”

Dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ni Cristine, ito ay ang Trophy Wife at The Gifted.

Continue reading below ↓

Nang matanong si Cristine tungkol sa katangian ni Kevin na hinangaan niya, sabi niya, “Napakalakas ng loob niya, wala nang gagawa ng gano’n.”

Ano ang ibig niyang sabihin?

“Wala naman. Malakas lang ang loob niya.

“Hindi naman lahat nag-a-attempt na makilala ang isang tao.”

NO TO SHOWBIZ GUYS. Nang matanong si Cristine kung wala ba siyang taga-showbiz na idini-date, sagot niya: “Right now siguro avoid-avoid na lang muna para less stress.”

Si Derek Ramsay ang pinakahuling kilalang nakarelasyon ni Cristine mula sa showbiz at nagtagal lamang ng isang buwan ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ng dalaga, walang masama kung nakikita man siyang lumalabas na may kasamang lalaki.

“Wala po akong date na exclusively dating. Kung may nakikita kayong kasama ko, hindi naman po siguro masaya ‘yon, kasi wala naman akong relasyon.”

Pagdating naman sa pakikipagrelasyon, ani Cristine, “Open ako, pero right now, hindi open ang schedule ko.”

Nagkaroon ba siya ng hindi magandang karanasan sa huling nakarelasyon kaya ba mas pinipili niyang maging single ngayon?

“Hindi ko po sinasabi na ayaw ko.

“Mas maganda kung darating na lang siya. Mapi-feel mo.

“Hindi ko naman pinagbabawalan ang sarili ko na ma-in love ulit. Part ng life ‘yon, pero right now, trabaho muna tayo.”

Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Cristine Reyes on issue that Gilas Pilipinas player Kevin Alas is courting her: “Hindi ko sigurado kung nanliligaw siya sa akin. Kung nanliligaw ang isang tao, 'di ba, may effort, may flowers? Wala namang gano’n. So feeling ko, we’re really friends.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results