Ai-Ai delas Alas is sure to run in 2016; but still undecided on the elective position she wants

Ai-Ai delas Alas says she really wants to run for a government position: "Ang tagal ko nang plano, six years ago pa. Hindi natuloy kasi nga, ’di ba, busy pa ako.”


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na tatakbo siya sa 2016 elections.

“Hindi, maglalakad ako ’tsaka ako tatakbo,” pabiro munang sinabi ni Ai-Ai nang matanong tungkol sa kanyang political plans sa presscon ng Belo Clinic sa kanya sa Annabel’s Restaurant kahapon, May 13.

Sa tanong naman kung anong posisyon ang tatakbuhin niya, “Isip-isip pa.”

“Tingnan natin. Walang clue," dagdag pa niya.

Inamin ni Ai-Ai na gusto niya talagang tumakbo. “Oo, gusto ko, gusto ko.”

“Idol ko si Ate Vi,” pagtukoy niya sa aktres at Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto.

“Ang tagal ko nang plano, six years ago pa. Hindi natuloy kasi nga, ’di ba, busy pa ako.”

Ngayon daw kahit busy siya ay itutuloy na niya ang pagtakbo sa 2016 elections.

Kung may isang tao nga na nais niya na manguna sa kampanya niya, iyon ay si Governor Vi.

Pero natapos ang usaping ito na hindi pa rin nilinaw ng aktres kung saang position ang gusto niyang ma-elect siya ng mga botante.

WOMEN ISSUES. Samatala, dahil anak-anakan ni Ai-Ai si Anne Curtis bilang magkasama sila sa Dyesebel ng ABS-CBN, tinanong namin kung ano ang naging payo niya sa bidang serena sa mga pinagdaanan nitong kontrobersiya.

"Sabi ko, huwag na siyang iiyak!

"Sabi ko sa kanya, ‘Iyan yung kapalit nga ng pagiging sobrang sikat mo.

"’So better ’pag may mga ganyang balita, huwag ka nang lumabas ng bahay, doon ka na lang,’" payo pa raw niya.

Sa pagpapatuloy pa rin ng panayam ng PEP kay Ai-Ai, sinabi nito na magtatayo siya ng grupo, ang Pussykip Dolls.

Siya kasi ang celebrity endorser ng Femilift ng Belo Clinic, isang painless at non-surgical procedure na pampasikip ng pagkababae.

Naitanong tuloy sa kanya kung sino sa mga celebrity friends niya ang yayayain niyang maging miyembro rin ng kanyang grupo.

"Si Miss Zsazsing [Zsa Zsa Padilla], si Eula [Valdes], sino pa ba kasama ko dun? Si Dawn Zulueta,” pag-e-enumerate ni Ai-Ai sa co-stars niya sa Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, di ba, bongga? Members of the Pussykip Dolls!

“Pero siyempre ako yung leader!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN