Chito Miranda engaged to Neri Naig

Chito Miranda shared a Youtube video of his romantic marriage proposal to Neri Naig, with the complete details of how he planned the whole thing.

Neri was supposedly shooting a music video for a director-friend of Chito. To her surprise, she got a marriage proposal in the middle of what she thought was just another acting stint.

"Ako na siguro ang pinaka swerteng lalake sa buong cavite. Dahil mapapangasawa ko yung pinakamagandang babae sa Ea


Naging emosyunal si Chito Miranda, 38, nang mag-propose siya ng kasal sa girlfriend niyang si Neri Naig, 28.

Matatandaang nag-umpisang magkamabutihan ang dalawa noong December 2011.

READ: Chito Miranda admits he has a new girlfriend

THE PREPARATION. Kagabi, May 14, ibinahagi ng Parokya Ni Edgar lead vocalist ang isang YouTube video, kung saan mapapanood ang romantic proposal na inihanda niya para kay Neri.

Dito ay inilahad ni Chito na kinuntsaba niya ang isang kaibigan na kunwari ay kuning artista si Neri para sa isang music video shoot.

Upang hindi makahalata si Neri, pinaghandaan din ni Chito ang concept para sa “music video shoot” na ginanap sa isang venue na may malawak na garden.

“It’s a front, kasi gusto ko i-document yung proposal.

“Ito yung best way na naisip ko—music video.

“Para hindi siya magtataka kung bakit may camera crew, may set-up, may camera, may sounds, may projector.

“I came out with a concept na kunwari may lakad-lakad sa field ’tapos may makikita siyang projector,” lahad ni Chito.

Habang maghapong-abala sa shooting ang aktres, nagtungo naman si Chito sa isang flower shop upang bumili ng bouquet na ibibigay niya rito.

THE PROPOSAL. Pagsapit ng gabi, nagbigay ng instruction ang director na kukunan na ang final scene ni Neri para sa “music video.”

Sa katunayan, makikitang in-character ang aktres habang seryoso itong naglakad sa gitna ng garden.

Bahagya pang nagtaka ang aktres nang lumitaw sa wide screen ang mga katagang ito: “Ako na siguro ang pinaka swerteng lalake sa buong Cavite.”

Maya-maya pa ay laking-gulat ng dalaga nang biglang sumali sa eksena si Chito, lumapit papunta sa kanya, at inabutan siya ng bulaklak.

Pagkatapos ay mahigpit silang nagyakapan at parehong napaiyak dala ng halu-halong emosyun.

Halatang nasurpresa nang husto si Neri dahil makikitang hinampas pa niya sa balikat si Chito.

“I want you to watch this, baby. I prepared everything for you,” maluha-luhang pahayag ni Chito, sabay turo sa wide screen kung saan ipinalabas ang video presentation ng couple photos nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dulo ng video presentation, lumabas sa widescreen ang mga katagang: “Dahil mapapangasawa ko yung pinakamagandang babae sa Eastwoood... Kung papayag siya?”

Sa puntong ito, lumuhod si Chito sa harap ni Neri at madamdaming nag-propose ng kasal sa dalaga.

Sabi ni Chito, “I love you very much, baby… Will you marry me, baby?”

Masayang tugon ni Neri, “Of course, yes.”

Pagkatapos isuot ni Chito ang engagement ring kay Neri, hinalikan nila ang isa’t isa at saka muling nagyakapan.

Kasabay nito ay isang fireworks display, kaya’t mas lalong naging romantic at unforgettable ang proposal ni Chito kay Neri.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN