Vice Ganda confirms breakup with basketball player boyfriend

Vice Ganda on breakup with boyfriend: “Single pero hindi ako malungkot, kasi maayos kaming naghiwalay. It’s a mutual decision. Nakaka-sad lang... Siguro na-sad, kasi siyempre nakakalungkot naman na may matatapos na relasyon. Pero hindi talaga ako brokenhearted, pareho kami. Kumbaga, sabi nga namin, ‘We’re separated but we’re not apart.’”


Kinumpirma ni Vice Ganda na break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend—isang basketball player mula sa kilalang unibersidad sa Manila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice sa hallway ng ABS-CBN kahapon, May 14, ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa estado ng lovelife niya ngayon.

Saad niya, “Hindi naman malungkot, pero walang lovelife.

“Single, pero hindi ako malungkot, kasi maayos kaming naghiwalay. It’s a mutual decision.

“Nakaka-sad lang... Siguro na-sad, kasi siyempre nakakalungkot naman na may matatapos na relasyon.

“Pero hindi talaga ako brokenhearted, pareho kami.

“Kumbaga, sabi nga namin, ‘We’re separated but we’re not apart.’”

May third party involved ba sa kanilang paghihiwalay?

“Wala, wala. Pinu-push ko nga siya, ‘Mag-girlfriend ka!’

“Gusto ko happy siya at gusto ko na ring magka-boyfriend!” tawa ni Vice.

Pero seryoso niyang dagdag, “Hindi, magkaibigan kami, may communication kami.

“Hindi lang ako nakikipagkita, ayoko lang makipagkita.

“Dapat nung Sunday, magkikita kami, sabi ko hindi na.

“’Pag plinanong magkita, hindi naman natutuloy, e. Mas gusto ko yung ganitong estado.”

May pag-asa pa kayang magkabalikan silang dalawa?

Tugon ng Kapamilya comedian-TV host, “Okay na kami nang ganito.

“Kung nagsasara ba ako ng pinto? Hindi siguro.

“Bahala na, pero sa ngayon, ini-enjoy ko ito.

“Kaming dalawa, ini-enjoy namin yung freedom namin and everything, masaya kami.

“Sabi ko nga, bukod sa label, parang wala naman masyadong nagbago.”

Bukas na ba siya sa panibagong relasyon?

Sabi ni Vice, “Why not? We all have to enjoy life hangga’t mayroon pa.

“Hangga’t may hininga, i-enjoy natin ang life, dapat masaya.”



MMFF MOVIE. Samantala, inusisa rin namin si Vice tungkol sa balitang si Daniel Padilla ang makakasama niya sa kanyang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong 2014.

Sabi niya tungkol dito, “May nakarating sa akin.

“Ako naman, I want to work with him. Masayang-masaya ako for Daniel and Karla [Estrada, Daniel’s mom].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kami ni Karla, magbarkada kami ni Karla, magkaibigan kami noon pa man.

“Masaya kami na maayos ang buhay ng isa’t isa, kaya masaya ako na nakikita si Daniel na naabot ang mga pangarap niya.

“Kasi sa mga nangyayaring yun, masayang-masaya ang kaibigan ko na si Karla.

“At siya din, sobrang happy for me.”

Dagdag niya, “Miyembro ako ng KathNiel [fans], ako ang president nila kaya suportahan lang.

“Sobrang suporta ko kay Daniel, saka sobrang suporta din sa akin ni Daniel kasi para kaming pamilya.”

Sa ngayon ay hindi gaanong hectic ang schedule ni Vice, pero may mga out-of-the-country shows daw siya.

Pagkatapos naman nito ay ang kanyang third major concert.

“Itong June pupunta, ako ng Canada. ‘Tapos mayroon din akong US tour, tapos mayroon din akong Europe tour ng September.

“Mayroon din akong concert sa Pilipinas.

“After ng Europe tour ko, se-segue ako ng concert dito sa Pilipinas.

“Excited, kasi ngayon nga, wala akong masyadong ginagawa, sabi nila relax daw muna ako, pero bubugbugin ako sa trabaho!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN