Solenn Heussaff dismisses rumored breakup of brother Erwan and Anne Curtis

Bagamat nag-enjoy si Solenn Heussaff sa pakikipagtrabaho niya sa Star Cinema, sa pamamagitan ng pelikulang Da Possessed, malabong lumipat siya sa ABS-CBN. Aniya, “I’m with GMA for three more years, we signed a contract.”


Pagkatapos pabulaanan ng restaurateur at food blogger na si Erwan Heussaff ang napabalitang breakup diumano nila ng kasintahang si Anne Curtis, ang kapatid naman nitong si Solenn Heussaff ang nagsalita tungkol sa isyu.

Read: Erwan Heussaff denies rumored breakup with Anne Curtis

Sabi ni Solenn, “Hindi totoo ‘yan… not everything you read is real.”

Kinausap niya ba si Erwan tungkol dito?

“Hindi, kasi alam ko na hindi totoo. Hindi ko pinapansin ang mga tsismoso,” sagot niya.

Nakasama pa nga ni Solenn at ng boyfriend niyang si Nico Bolzico sina Erwan at Anne sa kanilang bakasyon sa Myanmar noong Holy Week.

Kaila sila huling nagkita ni Anne?

“I think last week, pero sa ngayon, super busy siya sa concert niya.”

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang Annekapal concert ni Anne na gaganapin bukas, May 16, sa Smart Araneta Coliseum.

Pupunta ba siya rito?

“Yes, I’ll be there,” sagot ni Solenn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Solenn sa launching niya bilang ambassadress ng Axe deo-cologne kagabi, May 14, sa Cabana Club, Resorts World Manila.



BOX-OFFICE MOVIE. Samantala, nagpasalamat si Solenn sa lahat ng mga sumuporta ng pelikula nila ni Vhong Navarro na Da Possessed, na kumita nang husto sa takilya.

“Siyempre super happy ako and so thankful to everyone who supported Vhong.

“Happy, maganda yung feedback, nakakatawa talaga yung movie.

“I knew it’s gonna work kasi super funny yung script, it’s very light.

“With everything that happened, I think everyone needs laughter, so I think it’s gonna work.”

Bukas daw ang Kapuso actress-TV host na gumawa uli ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Sino pang Kapamilya actors ang gusto niyang makatrabaho kung mabibigyan siya ng pagkakataon?

“Siyempre, Luis Manzano, John Lloyd [Cruz]… ang dami, e. I’m open to anything and anyone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay?

“Yeah, I really don’t care. It’s pre-historical, tapos na yun,” sabi niya.

Ngayong nabuksan na ang pinto na makipagtrabaho siya sa Star Cinema, bukas din kaya si Solenn na mangibang-bakod mula GMA patungong ABS-CBN?

Tugon niya, “I’m with GMA for three more years, we signed a contract.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN