Dingdong Dantes still firm about his decision not to enter politics

Despite playing the role of a man married to two women, Dingdong Dantes makes sure that the story of Ang Dalawang Mrs. Real will be acceptable to Filipino viewers. “Sisiguraduhin ko rin naman na yung end result nito ay favorable to everyone," he says.


Wala pa rin daw planong pumasok sa pulitika ni Dingdong Dantes sa kabila ng pagkakahirang sa kanya bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC).

“Hindi naman. I love my job as an actor,” nakangiting sabi ni Dingdong nang biruin siya ng entertainment press sa kanyang posisyon sa gobyerno.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Dingdong sa ginanap na pocket press conference para sa upcoming primetime series ng GMA, Ang Dalawang Mrs. Real, noong Martes, May 13.

Dito ay sinabi ni Dingdong na hindi pa rin pumapasok sa isip niya na subukan ang mundo ng pulitika.

Ayon sa aktor, ang pagkakatalaga niya bilang commissioner-at-large ng NYC ay paraan upang maibahagi ang kanyang mga natututunan.

Aniya, “Part na talaga ako ng organization. First, they got me as a volunteer.

“Then, habang tumatagal, naging parang ambassador nila ako.

“Then, I became friends with their past commissioners, naging barkada ko talaga.

"They’re even the ones na nakasama ko to put up Yes Pinoy [Foundation]."

Dagdag pa niya, “I think it’s just doing the same thing, mas official lang ngayon kasi with my experience sa lahat ng napagdaanan ko.

“Also, 33 na ako, I think it’s the right time for me to share what I’ve learned in policy-making this time.”



NO PROBLEM WITH NEW ROLE. Dahil sa pagiging kilala bilang Youth advocate, tinanong ng media kung hindi ba ito maaapektuhan ng bago niyang role sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa teleseryeng ito, gagampanan ni Dingdong ang karakter ni Anthony Real na mapapaibig at magpapakasal sa dalawang babae.

Sa palagay ng Kapuso Primetime King, hindi ito makakaapekto sa imahe niya dahil, aniya, “It’s just a story.”

Nakatulong din daw sa desisyon niyang tanggapin ang role ang pagtitiwala niya sa GMA Network.

Aniya, “Siguro isa rin kaya ako nagkakumpiyansa to get the role is because I believe in the institution, with GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman na, at the end of the day, they will present a story na for the majority of the Filipino viewers.

“Alam naman natin how conservative the Filipino viewers are, kung ano yung mga importanteng pinanghahawakan nating values.”

Sisiguraduhin din daw ni Dingdong na matatanggap ng mga manonood ang anumang magiging takbo ng istorya.

“We’re just presenting this plot, pero ang aabangan mo lang naman is the resolution later on.

“So, yung struggle ng characters, yung struggle ng sitwasyon, yun ang importante.

“Sisiguraduhin ko rin naman na yung end result nito ay favorable to everyone,” pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN