Kris Aquino finally receives certificate of no marriage from NSO

Ayon sa isang geomancer, kung gustong magpakasal muli ni Kris Aquino, dapat daw mangyayari ito pagkatapos ng kanyang kaarawan sa February 2015 para ito na ang kanyang makakasama habambuhay.


Sa wakas ay nakuha na ni Kris Aquino ang kanyang certificate of no marriage o CENOMAR, isang dokumento na nanggagaling sa National Statistics Office (NSO).

Ang CENOMAR ay isang sertipikasyon na nagpapatunay na ang isang tao ay single at maaari nang magpakasal.

Kuwento ni Kris sa episode ng Kris TV kaninang umaga, May 15, “When you go to NSO, you will get this CENOMAR, certificate of no marriage.

"For it to be valid, itsi-check mo.

“Akala ng maraming tao, once nagpa-annul ka, annulled ka na, but it has to go through talaga...

"Pupunta ka doon sa registrar kung saan ka ikinasal, kung saan ka nagpa-annul, may mga tatatak diyan.

"At kailangan, the judge will also sign, lalo na if you had property settlement.

“’Tapos, after all that, natatakan ’yan at napirmahan nang lahat, doon mo pa lang ipapadala sa NSO.”

Mahigit dalawang taon at kalahati nang annulled ang kasal ni Kris sa basketbolistang si James Yap.

Dagdag ng tinaguriang Queen of All Media, "So, imagine, I was annulled two and a half years halos, pero nabuo lahat ng papeles, nito lang.

"So, ngayon ko lang nakuha, ito siya—certificate of no marriage.

"So, ’yan na ’yan talaga.”

Payo naman ni Kris sa lahat ng mga may kahalintulad na sitwasyon sa kanya, "For all those people, they should be aware of that.

"Kasi, if you don’t have this from the NSO, technically, puwede kang…

"If ever the time comes na you want to be married, ’tapos hindi mo ito inasikaso, it can delay all your plans for up to six months.

"So, ang message ko lang sa inyo is be very sure before you get married.

"So, yun ’yon, kasi mahirap."

Tinanong naman siya ng guest co-host na si Erich Gonzales kung gusto ba niyang magpakasal muli.

Natatawang sagot ni Kris, "Hindi na siguro!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GEOMANCER. Nagkuwento rin si Kris tungkol sa pinuntahan niyang geomancer.

Sinabi raw sa kanya nito na kung gusto niyang magpakasal, dapat daw mangyari ito pagkatapos ng kanyang 44th birthday sa February 14, 2015.

“If I do decide na magpapakasal, after my birthday nitong 2015, hanggang mamatay na daw ako, basta kailangan after... kung sino man siya.

"Sabi ko, ’Ayaw ko nang mahiwalay ulit.’

"Sinabi niya, ’Ito yung pang-forever.’”

Dapat din daw na ang kanyang makarelasyon at binabalak na pakasalan pagkatapos ng kanyang kaarawan sa 2015 ay ipinanganak nang mas malayo kung saan ipinanganak si Kris.

Dapat daw ay galing sa malayong probinsiya o sa ibang bansa.

Ang huling naging karelasyon ni Kris ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista, pero naunsiyami rin ang kanilang pagkakamabutihan sa hindi pa malamang dahilan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN