Carla Abellana reveals she and ex-boyfriend Geoff Eigenmann are not on speaking terms

Carla Abellana on positive vibes even after her breakup with Geoff Eigenmann: “I guess kasi masaya ako... Kasi, it’s because na masaya lang, laging positive. ’Tapos ang daming reasons to smile, marami ang nagpapasaya sa akin.”


Itinuturing ni Carla Abellana na “reward” mula sa Itaas ang pagiging matagumpay sa takilya ng pelikula nila ni Tom Rodriguez na So It’s You.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Definitely rewarded not just for working hard on the movie, but I guess for all the drama na pinagdaanan ko these past couple of months.

“Na bumabawi si Lord… na medyo pinasasaya niya ako.”

Ang tinutukoy ni Carla ay ang breakup nila ng aktor na si Geoff Eigenmann.

Read: Carla Abellana admits breakup with Geoff Eigenmann: “We were too different talaga... mas nagka-clash pa kami kesa nagkakasundo kami.”

Mas madali bang makapag-move on dahil sa positibong kinalabasan ng pelikulang pinagbibidahan niya?

Sagot ng Kapuso actress, “Nakakatulong siya.

“Hindi pa rin madali, pero malaking tulong siya na marami kang napapasayang tao.

“And dahil masaya sila, masaya ka na rin dahil napapasaya mo sila.

“Ang laking tulong talaga.”

Na-realize niya bang mas maganda ang kanyang career kapag walang lovelife?

Ayon kay Carla, “Hindi ko pa ma-realize kasi puro work kasi ako ngayon. Hindi ko ma-enjoy.

“In as much as I want to enjoy being single, sobrang dami kong trabaho.

“Sa trabaho pa lang, parang busog na ako.

“So, sana… tingnan natin kung mae-enjoy ko pa siya being single.”

Nakausap ng PEP si Carla pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, May 11.



CANCELLED JAPAN TRIP. Inamin ni Carla na hindi na sila nagkakausap ng kanyang ex-boyfriend. Hindi na rin siya nakasama sa nauna nilang planong biyahe sa Japan.

“Oo, dapat kasama ako nun, pero nagkataon din, kung kailan aalis supposedly for Japan, showing naman ang So It’s You.

“So, hindi rin naman kumbaga… Kahit anong mangyari, I would end up cancelling my trip to Japan kasi nga showing ang movie.

“’Tapos, prior ng showing ng movie, promo pa ‘yan a week before, the week after.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, malabo talagang makasama ako sa Japan.”

Wala bang kinalaman ang breakup nila ni Geoff sa cancellation ng biyahe nila sa Japan?

Sagot ni Carla, “Not necessarily kung break man or what. Maka-cancel ko siya talaga dahil sa So It’s You.”

Lumalabas bang “blessing in disguise” ang pagpasok ng promo at showing ng pelikula ni Carla at hindi niya pagkakatuloy sa Japan dahil mas magiging mahirap para sa kanila ni Geoff na magkasama sila?

“Oo naman, mahirap din yun,” pagsang-ayon ng aktres.

“Basta, let’s say we end up together, kami man, hindi kami mag-break up, ika-cancel ko pa rin siya, kasi kailangan ko talagang tutukan yung promo ng movie.

“Kasi first rom-com ko ‘yan, e. Ayoko namang pabayaan.”

Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan sila ni Geoff?

Ani Carla, “I wouldn’t know. Hindi ko alam kasi hindi naman na kami nag-uusap, e.

“Ewan ko kung kailan ko siya makakausap or makikita.

“Parang it’s too soon din naman.

“Ang dami pang nangyayari ngayon, career-wise.

“Hindi ko pa ma-foresee ang mga mangyayari in the next couple of months.”

Kapansin-pansin ang paggu-glow ng aura ngayon ni Carla na parang hindi dumaan sa breakup.

Paliwanag niya tungkol dito, “I guess kasi masaya ako.

“Nawi-weirduhan nga sila kasi sa cell phone pa lang, tawa ako nang tawa. Kung anu-anong video ang pinapanood ko.

“Yung barkada ko, kung anu-anong messages ang ipinapadala kaya natatawa ako.

“Kasi, it’s because na masaya lang, laging positive.

“’Tapos ang daming reasons to smile, marami ang nagpapasaya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN