Zoren Legaspi continues to cooperate with the BIR; Carmina Villarroel confirms The Buzz reformat

Zoren Legaspi on raising his twins with wife Carmina Villarroel: “Huwag matakot magtanong sa mga anak niyo, because that will keep you close. But not to the point that’s it’s like you’re investigating. Kasi magkaiba yun, e. So, kami ni Carmina, may mga moments na parang friend lang kami."


Muling iginiit ni Zoren Legaspi na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang ayusin ang tax evasion case na isinampa laban sa kanya.

Matatandaang sinampahan ng P4.45-M tax evasion case ng BIR si Zoren dahil sa hindi tama diumano nitong pagdeklara ng mga kinita niya sa kanyang income tax returns noong 2010 at 2012.

Read: BIR files P4.45-M tax evasion case against Zoren Legaspi

Pahayag ni Zoren, “Nagko-comply naman kami, very accommodating sila [BIR].

"It’s not na puwede ako mag-complain, e. Pero sa ngayon, wala naman akong big move katulad ng nag-hire ako ng abugado.

“What I have is my accountant and my secretary.

"Nagko-comply naman kami ’pag may natatanggap kaming mga sulat. Nagre-report naman kami sa kanila, e.

"We have a good intention naman. Hindi naman kami resistant, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Zoren at ang kanyang misis na si Carmina Villarroel sa launching nila—at ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy—bilang bagong endorsers ng Jolly Spaghetti kahapon, May 15, sa Fairmont Hotel.

CARMINA OUT. Sa kabilang banda, kinuha naman ng press ang reaksiyon ni Carmina tungkol sa napabalitang magkakaroon ng reformat ang showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, ang Buzz Ng Bayan.

Ayon sa mga lumabas na report, muling ibabalik ang titulong The Buzz at mawawala na sa programa sina Carmina at Janice de Belen.

Ang papalit sa kanila ay ang dating hosts ng The Buzz na sina Kris Aquino at Toni Gonzaga.

Read: Kris Aquino and Toni Gonzaga to join Boy Abunda in reformatted The Buzz?

Sabi ni Carmina tungkol dito, “I think magre-reformat ulit sila.

"So they’re gonna change… parang… well, I don’t know. I really don’t know."

Kinumpirma rin ng actress-TV host na hindi na siya kasali sa bagong lineup ng hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s still the same, it’s still The Buzz.

"So, kung anuman yung suporta niyo, nung una pa lang hanggang ngayon, sana tuloy pa rin," sabi ni Carmina.

NEW ENDORSERS. Sa presscon kanina ay nagbigay rin ng pahayag sina Zoren at Carmina tungkol sa pagpapalaki nila sa kanilang kambal na anak.

Saad ni Zoren, “Huwag matakot magtanong sa mga anak niyo, because that will keep you close.

"But not to the point that’s it’s like you’re investigating. Kasi magkaiba yun, e.

“So, kami ni Carmina, may mga moments na parang friend lang kami.

"Kasi minsan nagtatapat si Cassy sa mga problema niya, si Maverick naman sa ibang mga problema niya, na nagiging kaibigan kami, hindi magulang.

“So, you have to learn how to be a friend sa iyong mga anak, para magkaroon ng completeness yung pamilya.

"So, hindi lang kayo nanay, tatay, anak, kundi magkakaibigan din sa loob ng pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN