Maricel Soriano not physically attracted to Dingdong Dantes: “Gugustuhin ko ba ang isang taong mas maganda sa akin sa gabi?”

Maricel Soriano on working with GMA: "I’m proud and I’m very, very happy. ‘Yan ang tagline ko dito. I’m happy. Hindi ako nagkamali."


Kinalimutan na ni Maricel Soriano kung ano man ang pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang personal life at career noon.

Sa edad na 49, natutunan daw niyang may mga problemang makakaapekto lang sa kanyang disposisyon kung babalik-balikan pa niya ito.

“Bakit ko kailangan isipin yung mga bagay na, ‘And then? Meaning?’ Wala naman.

“Kapag binitbit mo, mabigat. Iwanan natin. Dito tayo [sa positive].

“Kapag binitbit ko ‘yan, ano’ng mangyayari? Magma-magic ba? Lilipad ba ako?

“Hindi. O, e, bakit kailangan dalhin? Iwanan, tama ba? Huwag na.

“Mainit ang ulo ko ‘pag gumaganyan. Ayoko na umiinit ang ulo ko. Nakakadagdag ng edad,” pahayag ni Maricel.

Nakapanayam ng entertainment reporters, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang aktres sa solo presscon na inihanda para sa kanya ng GMA nitong Huwebes, May 15.



HAPPY WITH GMA NETWORK. Ibinahagi ng Diamond Star na masaya siya sa desisyon niyang pumirma ng program contract sa GMA Network.

Pagbibidahan niya ang teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Ayon pa sa beteranang aktres, naniniwala siyang ito ang tamang proyekto para sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Aniya, “I’m proud and I’m very, very happy.

"‘Yan ang tagline ko dito. I’m happy. Hindi ako nagkamali."

Sa katunayan, ganadong nagkuwento si Maricel tungkol sa taping nila nitong nakaraang tatlong linggo.

Patunay raw ito na hindi siya problemado at talagang nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho.

“Wala akong problema. Halata naman.

“Alam mo ‘yan, ‘pag may problema, hindi masyadong nagsasalita si Mary [palayaw ni Maricel].

“May inhibitions. Wala masyadong dialogue. Nagtitipid.

“Hindi ako nagtitipid ngayon… Walang ganyan. Lately, todo [ang positivity]!”

Matatandaang nakatakda sanang magbalik-telebisyon si Maricel sa isang primetime teleserye ng ABS-CBN noong 2013.

Ngunit bigla itong naudlot dahil nagkaproblema sa pagitan nina Maricel at Gerald Anderson sa first taping day ng soap.

Read: ABS-CBN confirms Maricel Soriano is out of Gerald Anderson teleserye

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO MALICE WITH DINGDONG. Sa pagpapatuloy ng panayam kay Maricel, inihayag niyang maganda ang samahan nila ng cast ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Pinuri rin ni Maricel ang leading man niyang si Dingdong dahil professional at magaan daw itong katrabaho.

“Napakabait na bata ni Dingdong. Wala akong masasabi sa kanya.

"Mahusay, nandudun siya, kitang-kita ko sa mukha na focused siya sa eksena."

Nang tanungin si Maricel kung nakakaramdam ba siya ng physical attraction kay Dingdong, diretsahang sinabi ng aktres na hindi niya type ang Kapuso heartthrob dahil sumobra ang pagiging magandang lalaki nito.

“Prangkahan tayo. Gugustuhin ko ba ang isang taong mas maganda sa akin sa gabi?” pabirong saad ng Diamond Star.

Bilang artista, sinisiguro raw niyang hindi mahaluan ng malisya ang love scenes nila ni Dingdong, at ang laging pinaghuhugutan niya ng emosyon ay ang kanyang character na si Milette.

Paliwanag niya, “Ayokong tingnan ang mga panga at mga kanto. Hindi ko gusto ‘yan.

“Pero pagdating sa ano, alam namin ang ginagawa namin, umaarte kami dito. Ginagampanan namin ang bawat character.

“Kasi kapag nasa eksena, ibang tao ka na. Kaya kami bayad. Wala kaming kilig factor.

“Kasi kapag hinahagod ka, [ang lagi mong tatandaan], ‘Hanggang diyan ka lang, ‘wag kang gagalaw. Bawal.

"Ayaw ni Milette. Kasi hindi ka si Marya. Si Milette ka.’"

Ayon pa kay Maricel, malayo sa tunay na buhay ang personalidad niya kumpara sa role niya bilang Milette, kaya palaging in-character ang atake niya sa mga eksena nila ni Dingdong.

“Baklang-bakla ako, ’ne! Alam ni Goma [Richard Gomez, former leading man] ‘yan.

“Iba. Nakakaloka. Tatawa ka talaga nang tatawa [sa akin].

“Kailangan ko talaga i-inject si Milette, kasi kung hindi, hindi bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN