Mark Bautista erases negative thoughts about his showbiz career

Kapuso singer Mark Bautista reveals how he overcomes the tough competition in the industry: “Kung gusto mo yung ginagawa mo, love, at passionate ka sa ginagawa mo, and naniniwala ka sa talent mo, I think hindi ka kakabahan. Kasi, kahit paano, kahit ano’ng mangyari, may puwesto ka sa industriyang ito.”


Sa halip na pagtuunan ng pansin ang pagkukumpara sa sarili at sa mga bagong singers sa music industry, mas ginugugol ni Mark Bautista ang kanyang oras upang maging mas mahusay na performer.

Saad niya, “Hindi ko iniisip kung ano ang nangyayari sa ibang tao.

“Alam ko na may mga bago, marami.

"Pero mas concentrated ako sa sarili ko, kung paano ko ma-improve, kung paano ma-excite yung mga taong manonood sa akin na iba naman ang makikita nila, iba naman ang mapapanood nila.

“Kailangan ko lang siguro mag-innovate at gawin pang exciting itong business na pinasok ko. Mag-improve pa nang mag-improve.

"Hindi rin ako forever dito, hindi mo rin masasabi.

“Alam ko ang daming aspiring singers talaga.

"Nabigyan ako ng puwesto dito sa showbiz. Sabi ko, sayang naman kung i-put to waste ko ang ibinigay sa aking opportunity…

“Ganun lang, huwag kang tumingin kung ano ang nangyayari sa iba.

"Kasi, puwede kang magkaroon ng insecurities, puwede kang magkaroon ng envy ’pag lagi mong kinu-compare ang sarili mo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa kanyang pictorial noong Miyerkules, May 14.

Ang pictorial ay para sa kanyang upcoming concert na pinamagatang The Best of Me, na gaganapin sa Crowne Plaza sa June 21.

THINK POSITIVE. Nakaramdam ba siya ng insecurity at inggit mula sa ibang singers?

Sagot niya, “Okay, aaminin ko, sabi ko, ‘Tatagal pa kaya ako dito or something?’

"Pero alam mo ‘yon, kung gusto mo yung ginagawa mo, love at passionate ka sa ginagawa mo, and naniniwala ka sa talent mo, I think hindi ka kakabahan.

"Kasi, kahit paano, kahit ano’ng mangyari, may puwesto ka sa industriyang ito.

"Naniniwala ka sa sariling kakayahan mo. Think positive.

"Sobrang positive lang ako talaga.”

NO REGRETS. Dating taga-ABS-CBN, lumipat sa bakuran ng GMA Network si Mark noong 2010.

Mag pagsisisi ba siya sa paglipat ng istasyon, lalo pa’t mas malawak ang exposure niya noon sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng singer-actor, “Ang daming nagtatanong sa akin ng ganyan, pero ’pag ipinapasok ko ‘yan sa isip ko, mas maguguluhan ka, mas marami kang iisipin, mas madadagdagan ang problema mo. ’Di ka makaka-move forward.

"So, ’di ko siya iniisip, kasi ginawa ko na yung move, panindigan ko na… move on.

“Ang importante kung paano mo palalaguin yung career mo, kung paano mo palakarin yung career mo.

“Huwag mo nang isipin yung choices at regrets mo kasi walang mangyayari.”

Ngayong pinasok na niya ang pagpoprodyus, ano ang fulfillment ng pagiging isang producer?

“Actually, sa hirap ng panahon na magprodyus ng show, hindi rin biro na magbuo ng show.

“Sabi ko talaga, kailangan ko ng quality ng show na yung manonood, hindi rin sila ma-shortchange or something…

"Sabi ko, aayusin ko talaga.

"Iba ang fulfilment pagkatapos ng concert dahil enjoy silang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN