12 senators, 67 congressmen included in the official "Napolist"

Isinumite na kahapon, May 15, ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima sa Senate Blue Ribbon Committe ang pirmadong listahan ni Janet Lim-Napoles ng mga mambabatas at personalidad na sangkot diumano sa malawakang pork-barrel fund scam. Kabilang na rito ang mga naunang pinangalanan na sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Bong Revilla, at Senator Jinggoy Estrada.


Labindalawang senador at 67 kongresista ang nasa opisyal na listahan ni Janet Lim-Napoles—o mas kilala sa tawag na "Napolist"—kaugnay sa P10-billion pork barrel scam.

Kahapon, May 15, isinumite na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima sa Senate Blue Ribbon Committee ang pirmadong listahan ni Napoles—ang sinasabing mastermind ng pork barrel scam.

Dito ay nakatala ang pangalan ng lahat ng mga senador, kongresista, cabinet members, mga ahente, at ilang mga empleyado ng gobyerno na dawit sa malawakang kurapsiyon kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.

Sampu sa mga senador na nasa listahan ay kasalukuyang nasa puwesto.

Sila ay sina Ramon "Bong" Revilla, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Loren Legarda, Vicente "Tito" Sotto, Francis "Chiz" Escudero, Alan Peter Cayetano, Aqulino "Koko" Pimentel III, Gregorio "Gringo" Honasan, at Joseph Victor "JV" Ejercito.

Ang dalawa pang nasa listahan ay si dating Senator Manuel "Manny" Villar at ang yumaong si Senator Robert Barbers.

Nauna nang nadiin at sinampahan ng kaso kaugnay sa isyu ng pork barrel sina Revilla, Enrile, at Estrada.

Kumpara sa listahang inilabas ng dating senador at ngayo’y rehabilitation czar na si Panfilo "Ping" Lacson, wala sa nilagdaang listahan ni Napoles si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Matatandaang mariing binatikos ni Senator Santiago ang naunang anunsiyo ni Lacson tungkol sa listahan daw ng mga senador na dawit sa pork barrel scam, mula naman sa listahang ibinigay ng asawa ni Janet na si Jaime Napoles.

Read: Panfilo Lacson bares "Napolist"; Senator Miriam Defensor-Santiago lambasts Lacson for including her in pork barrel scam


3 CABINET SECRETARIES, 67 CONGRESSMEN. Pinirmahan daw ni Napoles ang kanyang "Napolist" noong madaling-araw ng April 22, 2014, isang araw bago siya sumailalim sa operasyon sa Ospital ng Makati.

Kasama rin sa talaan ang tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sila ay sina Department of Budget and Management Secretary Florencio "Butch" Abad, Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, at Technical Education and Skills Development Authority chief Joel Villanueva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sixty-seven members naman ng House of Representatives ang nasa listahan ni Napoles.

Kabilang sa mga ito sina Jesus Judin Romualdo, Banzai Nieva, Maite Defensor, Mikey Arroyo, Isidro Ungab, Reynaldo Umali, Salacnib Baterina, Conrad Estrella, Raymond Estrella, Victor Ortega…

Neil Benedict Montejo, Arthur Pinggoy, Samuel Dangwa, Florencio Flores, Erwin Chiongbian, Erico Fabian, Florencio Miraflores, Napoleon Beration, Ricky Sandoval, Max Rodriguez…

Rufus Rodriguez, Rizalina Seachon Lanete, JV Ejercito (na ngayon ay senador na), Edgar Valdez, Scott Davies Lanete, Rafael Nantes, Sunny Rose Madamba, Ruffy Biazon, Gerard Gullas, Carlos Padilla…

Rodolfo Plaza, Arnulfo Fuentebella, Raul del Mar, Rommel Amatong, Marc Douglas Cagas, Digaden Dilangalen, Iggy Arroyo, Rodolfo Valencia, Eduardo Zialcita, Nannette Castelo Daza…

Constantino Jaraula, Clavel Martines, Manuel Ortega, Peter Falcon, Isidro Real, Corazon Malanyaon, Narciso Monfort, Uliran Joaquin, Juaquin Chipeco, Abdullah Dimaporo…

Ernesto Pablo, Marcelino Libanan, Rolex Sulplico, Benasing Macambon Jr., Jesnar Falcon, Nasser Pangandaman, Hussien Pangandaman, Boy Umali, Bagatsing, Malapitan…

Ecleo, Olano, Jesli Lapuz, Oca Rodriguez, Alvarado, Tulagan, Nograles.

Bukod sa mga nabanggit, may mga nakasulat-kamay pa raw si Napoles na mga mambabatas at ahente na isinama nito sa listahan.

Kasama rito ang pangalang "Cong. Angara - APO." Hindi malinaw kung ang tinutukoy nito ay si Senator Sonny Angara, na naging congressman ng Aurora mula 2004 hanggang 2013 at nanalong senador noong 2014.

Ang iba pa ay sina Renato Unico, Julia Zialcita, Ricky Sandoval, Gullas, at Emano.

Ang mga pork agents naman ay kinilala bilang sina Celia Cuasay, Matt, Buth, at isang pangalang nakasulat na “Cong Gonzales.”

May siyam namang pinangalanang pork agents si Napoles, kabilang na ang aktor na si Mat Ranillo III at ang dating social secretary ni former President at ngayo’y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na si Ruby Tuason.



OFFICIAL AFFIDAVIT OF NAPOLES. Mariin nang pinabulaanan ng halos lahat ng nakasama sa listahan ang akusasyon.

Sa statement na ipinadala niya sa GMA News Online, pinabulaanan ni Senator Sonny Angara na naglaan siya ng pondo sa mga kaduda-dudang non-government organizations (NGOs) ni Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "In my three terms as congressman, I have never allocated any of my PDAF [priority development assistance fund] to any NGO [non-government organization]. Records will bare me out.”

Samantala, sinabi naman ni Secretary de Lima na isusumite nila ang opisyal na affidavit ni Napoles sa susunod na linggo.

Ayon pa kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator TJ Guingona, "Secretary de Lima requested for [a] one-week extension for the submission of two documents: the affidavits and the narratives. The lawyers of Janet Lim-Napoles are still completing the affidavits.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN