Sarah Geronimo on being in love: "Ingat na ingat."

Although Sarah Geronimo admits being cautious about falling in love, she alwyas reminds herself: "Ang important lang doon, habang nasa isang relasyon ka, or kahit hindi sa romantic relationship, dapat alam mo kung paano alagaan yung sarili mo."


Iwas pa rin si Sarah Geronimo sa mga tanong tungkol sa kanyang lovelife, partikular na ang tungkol sa relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Sa ginanap na press conference ng pelikulang Maybe This Time kagabi, May 15, ilang beses tinanong si Sarah kung in love siya ngayon.

Sa unang beses, nakangiting sagot niya: "Maybe, not this time. Sa ibang pagkakataon na lang po natin pag-usapan."

Nang muli siyang tanungin tungkol dito, ang sabi naman ni Sarah: "Dapat lagi tayong in love—in love tayong mabuhay, in love tayong ma-in love ulit, in love tayong maging masaya. Yun po."

Sa hiwalay na panayam naman sa 25-year-old singer-actress, pahapyaw siyang natanong tungkol sa pagiging malapit nila ngayon ni Matteo.

Bago sumagot, muling nakiusap si Sarah, "Huwag na nating pag-usapan si Matt."

Dagdag niya, "Yung mga nangyari naman ay hindi pinilit at hindi naplano.

"Again, kung bakit pinagdadaanan namin ito ay may purpose ang Diyos, ’di ba, may dahilan."

CAREFUL ABOUT LOVE. Aminado si Sarah na ingat na ingat talaga siya pagdating sa pag-ibig.

Aniya, "Ingat na ingat, opo naman. Pero hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo kung halimbawa may isang tao na magpakita sa iyo na maganda naman ang intensiyon.

"Ang important lang doon, habang nasa isang relasyon ka, or kahit hindi sa romantic relationship, dapat alam mo kung paano alagaan yung sarili mo.

"Dapat buo ka kahit wala yung tao na yung sa buhay mo. Importante na mabuo ka talaga muna."

Gayunman, sabi ni Sarah, "Masaya naman ako. Happiness is a choice.

"May mga bagay na pinagdadaanan tayo.

"Hindi ko matukoy kung happiest kasi marami pa tayong gustong mangyari sa buhay natin.

"Ako, as a person, ang dami-dami ko pang gustong i-improve sa sarili ko."

INDEPENDENCE. Samantala, pagdating naman sa pelikula nila ni Coco Martin, masasabi ni Sarah na halos napagdaanan na niya ang mga pinagdaanan ng role niyang si Steph o Tep-Tep.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Importante talaga for you to be able to grow, you have to go through things that will make you mature as a person—yung lalawakan yung pananaw mo sa buhay, yung pagiging naive mo."

Dagdag pa niya, "Kailangan talagang pagdaanan ng kahit sinong tao, kahit sinong dalaga or lalaki [yung mga experiences]."

Kung mayroon mang maipapayo si Sarah, aniya, "Learn from yourself. Kailangan mong makita at matutunan yun for yourself."

Nabanggit din ni Sarah na nananatiling gabay niya ang kanyang mga magulang.

"Ang lagi nilang sinasabi sa akin na ’andiyan sila always to guide me.

"Kung ano yung nakikita nila, kung maganda or hindi maganda, basta sasabihin nila. Talagang nagiging honest sila.

"Alam din nila na tumatanda na din tayo at andiyan sila to support me kung ano man yung mga maging desisyon ko sa buhay."

Sa huli, tinanong ng entertainment press si Sarah kung sa edad niya ngayon ay hinahayaan na siyang madesisyon para sa sarili.

Sagot niya, "Unti unti, dahan-dahan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN