Ai-Ai delas Alas readies platform for political run in 2016; mulls senatorial or mayoral candidacy

Ai-Ai delas Alas has plans. If she makes it in local government, she will transform Calatagan into another Boracay. If she finds herself in Congress, she will push for better laws for battered women and children.


Papasukin na ni Ai-Ai delas Alas ang pulitika sa 2016.

Kailan nga lang ay nagparehistro na siya sa bayan nila sa Calatagan, Batangas, dahil marami raw siyang gustong magawa roon.

Saad niya, “Marami akong gustong mangyari sa Pilipinas na alam mo yung napu-frustrate ako, pero wala rin naman akong magawa.

"Baka kapag nasa office ako, may magawa ako, pero hindi pa rin naman ako sure.”

Sa ngayon, hindi pa naman daw alam ni Ai-Ai kung anong posisyon ang tatakbuhin niya.

Sabi niya, “Iniisip ko pa. Congress, mayor... either sa dalawa, hindi ko pa alam.”

Dahil wala na ang pork barrel, sariling pera ba niya ang gagamitin sakaling tumakbo siya at ma-elect sa Kongreso?

Sabi ni Ai-Ai, “Okay lang, meron namang mga bagay-bagay.

"That’s why nag-aaral ako.

"In case na walang pork barrel, saan kami kukuha ng pondo for the city?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai noong May 13, sa launching niya bilang endorser ng Femilift ng Belo Medical Group.

GOVERNOR VI. Kung nakakaya niya ang mga intriga sa kanya sa showbiz, mas grabe pa raw ang mga intriga sa pulitika. Nakahanda na rin ba siya sa bagay na yun?

Sabi ni Ai-Ai, “Aware naman ako and nandiyan naman si Ate Vi para tulungan ako o mag-advice.”

Ang tinutukoy nito ay si Batangas Governor Vilma Santos, na ayon kay Ai-Ai ay iniidolo niya.

Three years ago pa raw niyang gustong pasukin ang pulitika at noon pa raw ay humingi na siya ng advice kay Governor Vi.

Kuwento ng Comedy Concert Queen, “Matagal na yun, three years ago pa.

"Kaya lang, noong kinausap ko si Ate Vi, nag-usap kami heart-to-heart.

"Sabi niya, if ’di pa ko ready by heart, huwag muna.

"So ngayon, ready na ako by heart, so game na.”

Patuloy niya, “At saka, wala na siguro silang masisira, kahit siraan na nila ako nang siraan, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman natin na open book ako sa buhay ko, sa lovelife ko, sa buhay-pamilya ko.”

Saad pa ni Ai-Ai, “Idol ko si Ate Vi, ‘di ba? So, everything na ginagawa ni Ate Vi, ako rin.

"Gusto niya ng pulitika, ako rin. Basta anything na ginagawa ni Ate Vi, idol ko siya, e.

"Wala nga lang akong asawang senador, baka later on, malay mo!”



PLATFORM. Kung palarin siyang ma-elect sa Congress o local government, anong programa ang mas tututukan niya kapag nakaupo na siya?

Tugon ni Ai-Ai, “Kung sa bayan namin [Calatagan], siguro magpo-focus ako kung paano ko palakihin ang bayan namin, kung paano ma-improve ang bayan.

"Kung sa Congress naman, gusto kong gumawa ng batas tungkol sa kababaihan, tungkol sa maraming bagay about women and children.

“Kasi, ‘di ba, yun ang naging problema ko?

"Battered wife, children, gusto kong tulungan ang mga ‘yan.”

Dahil marami ring beach ang Calatagan, gusto raw ni Ai-Ai na magawa itong pangalawang Boracay o pangalawang Palawan.

“Basta, gusto kong mag-improve ang Calatagan.”



PRESIDENTIAL BET. Hindi pa rin daw alam ni Ai-Ai kung anong political party siya sasama.

Kung sakali at alukin siya ng Liberal Party ni President Noynoy Aquino?

“Okay lang, anywhere, kung saan ako ipadpad,” sabi niya.

Kumusta ang relasyon niya ngayon kay PNoy, kapatid ng "friendship" ni Ai-Ai na si Kris Aquino?

“Anong relationship? May relasyon ba kami?” natatawa niyang sabi.

“Huwag na nating isali rito si PNoy,” pakiusap naman niya.

“Basta anywhere, kung sino ang interesado sa akin.”

Nagkaroon na ng impresiyon na si Vice President Jejomar Binay ang “bet” ni Ai-Ai para sa pagka-Presidente sa 2016, pagkatapos nitong dumalaw sa burol ng ina ni Ai-Ai.

“Oo naman, ‘di ba, sinabi ko dati, Binay is my President, 2016,” tahasan niyang pahayag.

Sa puntong yun, sinubukan ng PEP na itanong at kumustahin kay Ai-Ai ang kapatid ni PNoy na si Kris Aquino, na balitang katampuhan niya ngayon.


“Ayoko, ayokong sagutin ang mga ganyan,” mabilis niyang pag-iwas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHILDREN. Malapit si Ai-Ai sa kanyang tatlong anak. Naihanda na ba niya ang kalooban ng mga ito sa papasukin niyang ibang mundo?

“Alam naman nila, e,” sambit niya.

“Kakausapin ko rin sila heart-to-heart.

"Kasi, si Sancho, noong sinabi ko, parang nagulat siya.

"Sabi niya kasi, ’Ma, bakit nasa Calatagan ka?’

"’Nagrehistro ako.’

"Sabi niya, ’Bakit?’

"‘Di ba, magra-run ako?’

"’A, talaga, tuloy ba yun?’

“Ang mga anak ko naman, sabi nila, ’Anything that will make you happy.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN