Luis Manzano gives himself two months before deciding whether to run or not in 2016

“I figured out that it’s time for me to serve. Kumbaga, I’m very curious na rin, what the future has in store in terms of me being able to serve or if I should,” said Luis Manzano when asked about his plan to enter politics.


Dalawang buwan pa raw bago magdedesisyon si Luis Manzano kung itutuloy niya ang pagpasok sa pulitika o hindi.

“Ang sabi ko nga, maybe in two months, no guarantee, mapag-uusapan na namin,” sabi ni Luis Manzano nang makausap siya ng miyembro ng entertainment press sa press conference ng The Voice Kids kahapon, May 16.

Patuloy niya, “I will talk to people close to me and I will ask for an advice.

“I figured out that it’s time for me to serve.

“Kumbaga, I’m very curious na rin what the future has in store in terms of me being able to serve or if I should.

“I think we’re all put on this earth to serve, whether we serve God or we serve one another.

“You can’t just live for yourself—maybe something as simple as doing a very nice gesture for someone.

“But some people like to take it to the next level in terms of livelihood or politics.

“For me, I want to serve.

“It’s something na I think I can do, and it’s in politics.

“It’s not only politics, but one of the venues is politics.”



HELP FROM PARENTS. Aminado si Luis na kung sakaling magdesisyon siyang pumasok sa pulitika, kakausapin niya ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos, ang stepfather niyang si Senator Ralph Recto, at ang ama niyang si Edu Manzano, na dating tumakbo bilang bise presidente ng bansa.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga magulang na naging bahagi ng pulitika, sinabi ni Luis na hindi niya ito gagamitin kung sakaling maging pulitiko na rin siya.

Aniya, “Ako, I have no plans of relying on my last name.

"Sabi nila, ‘You have to earn it, you have to study.’ Kagaya lang ng ginawa nila."

Sila pa raw mismo ang nagsasabi sa TV host-actor na mag-aral muna bago pumasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “They never influenced me, they never imposed na, ‘Anak, tumakbo ka. Huwag kang tumakbo.’ Hindi.

"‘Kung ano ang gagawin mo, make sure you’re equipped when you’re there. You have to study, you have to observe when you’re there.’”

Bukod sa kanyang mga magulang, alam na rin ba ito ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin?

“Ako na ang nagtanong kay Kiti [Angel], very lightly, ‘Okay lang ba sa ’yo maging first lady kung sakali?’

"Tumatawa lang siya.

"Sabi ko, ‘That’s something good,’ kasi hindi naman niya ako tinatawanan.”

Sa ngayon, hindi pa rin daw naiisip ni Luis kung ano ang posisyon na tatakbuhin niya.

Si Luis ay nakarehisto bilang botante sa Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN