Raymart Santiago camp refutes Claudine Barretto’s "fake marriage" allegation

Atty. Ruth Castelo, Raymart Santiago’s lawyer, refutes Claudine Barretto’s "fake marriage" allegation: “It was registered maybe a month after but it’s still registered, 2004, so the marriage remained valid. It’s registered with NSO [National Statistics Office], they submitted the copy to the court. 2006 was the ceremonial wedding. Kaya nga may confusion kami because they submitted the copy to the court—the marriage cert


Sa panayam kay Claudine Barretto sa Buzz ng Bayan noong nakaraang Linggo, isa sa naging rebelasyon ng aktres ay ang pagiging peke raw ng kasal nila ng asawang si Raymart Santiago.

Read: Claudine Barretto claims civil wedding to Raymart Santiago in 2004 was fake; discloses recent murder attempts against her

Ayon kay Claudine, namuhay siya sa kasalanan na inakala niyang legal at may basbas ng simbahan ang kasal nila.

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, tiniyak nitong legal ang kasal na naganap sa dalawa taliwas sa naging pahayag ni Claudine.

Saad nito, “It was registered maybe a month after, but it’s still registered, 2004.

"So the marriage remained valid.

"It’s registered with NSO [National Statistics Office], they submitted the copy to the court.

“2006 was the ceremonial wedding. Kaya nga may confusion kami because they submitted the copy to the court—the marriage certificate.

“So, what’s the basis now in saying that the marriage is fake? That’s something we don’t understand.”

BATTERED WIFE SYNDROME. Sa isang panayam din kay Claudine ay nabanggit nitong na-diagnose siya na may "battered wife syndrome," kung saan isa sa kasong isinampa ng aktres ay ang pisikal na pananakit daw sa kanya ni Raymart.

Sagot naman ni Atty. Castelo tungkol dito, “First question there is, who diagnosed? Who made the finding that she has a battered wife syndrome?

“Second, is it an independent decision, like did she see a psychiatrist, doctor or any medical officer na public? It should be public.

“Was that finding submitted to the court independently and officially?”

VICKI BELO. Hiningan din namin ng reaksiyon si Atty. Castelo tungkol sa haka-hakang si Raymart daw ay may ibang babae habang nagsasama pa sila ni Claudine.

Depensa ng abugado ni Raymart, “After all that has been happening to Raymart, I think he is entitled to his happiness, his personal happiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at the moment, he’s focus is on getting the kids—being with them again, having them again in his house.

“Siguro he goes out to entertain himself and have fun with his friends and family, okay lang naman yun. Nothing wrong.

“But no personal attachment with whosoever ’coz his attention will be diverted, ayaw niya yun.”

Isa nga sa lumalabas na pangalang nasangkot sa isyu ay si Dra. Vicki Belo.

"No, that’s not true," pagtanggi ni Atty. Castelo.

"They’re very good friends, pero you know Raymart, you know Dra. Belo, ’di naman, ’di ba?

"Ninang nila yun sa kasal, at yun ang doctor ni Claudine dati, ’di ba?"

Wala bang nilabag sa gag order ang aktres sa ginawa nitong pagpapa-interview sa Buzz Ng Bayan?

Saad ni Atty. Castelo, “It’s a lot about the family, ’di ba?

"I did watch it, hindi naman. She didn’t talk naman about the cases.”

CUSTODY. Sa ngayon ay na kay Claudine ang kustodiya ng mga anak nila ni Raymart na sina Sabina at Santino.

Ayon kay Atty. Castelo, mahigit isang oras pa lang nakakasama ni Raymart ang mga anak nito pagkatapos niyang umalis sa kanilang bahay ni Claudine sa Loyola Grand Villas noong 2013.

Aniya, “Siguro total, if we will sum it up, siguro an hour and a half from the time the cases started.

"There may have been many occasions pero ’di natutuloy. Maraming dahilan, maraming excuses, ’di natutuloy.”

Inimbita raw ni Claudine si Raymart para sa isang event ni Sabina na gaganapin daw sa Araneta Coliseum.

Ito ay may kinalaman sa pagsali ni Sabina sa grupong G-Force Kids na magkakaroon ng show sa nabanggit na venue.

Sabi ni Atty. Castelo, “He [Raymart] wants to go talaga, gusto niyang pumunta.

"Di natin pa masigurado kung anong motive, intention [ni Claudine].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just a wonder for them, for him and the family na ang dami nga kasing past occasions that... ’tapos this one, it’s a public occasion.

"But siyempre, the family can’t help but wonder kung bakit sa Araneta iniimbita.

“Sana sincere, sana totoo, sana all good intention, and that’s what the family hopes for also.”

FINANCIAL SUPPORT. Hiningan din namin ng reaksiyon ang abugado sa balitang wala raw ibinibigay na financial support si Raymart sa mga anak nito.

Pag-amin ni Atty. Castelo, “None at the moment.

"Raymart stopped after the cases were filed, pero he made offers. Kasi yung support is part of the case.

“It’s up to the court to decide when, how much, ganyan, and it’s all up to Claudine also to ask.

"But he made several offers din ’pag nagkakasakit ang mga bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN