Willie Revillame makes surprise guesting on Startalk

Willie Revillame appeared as a surprise guest on Startalk to greet good friend and colleague, TV host and talent manager Lolit Solis.

Willie and Lolit engaged in a repartee, with the latter talking about her favorite wards, career highlights, and pet peeves.


Live na nag-guest si Willie Revillame sa Startalk kaninang hapon, Linggo, May 18, bilang sorpresa sa Startalk host na si Lolit Solis.

Dumating si Willie sa Startalk na may dalang bulaklak para sa talent manager na nagselebra ng kanyang kaarawan.

Pagkatapos batiin si Lolit at ang mga viewers ay nagbiro si Willie na kaya siya kinuhang guest ng Startalk ay, “Launching pala sa kabila ng bagong show! Ginamit n’yo pa ako.”

Kanina rin kasi ang pagbabalik ng The Buzz sa ABS-CBN.

ON GABBY AND OSANG. Sa pagkakataong ito, si Willie ang nagtanong kay Lolit. Ano ba ang sikreto nito bilang isang manager na matagal na sa industriya.

“Hindi ako nag-aalaga ng hindi ko mahal, e. Kailangan mahal ko bago ko alagaan,” sagot ni Lolit.

Dalawa sa mga alagang minahal nang lubos ni Manay Lolit ay wala na sa kanyang poder: sina Gabby Concepcion at Rosanna Roces.

Kaya tinanong si Manay Lolit, kung sakaling babalik sa kanya si Gabby ay tatanggapin ba niya ito?

“Kaibigan, puwede, pero i-manage, huwag na, hindi na,” matipid niyang sagot.

Pero mahal pa rin daw niya si Gabby.

Dugtong ni Lolit, “Ang haba ng pinagsamahan namin."

Si Rosanna?

“Wa! Alam mo, kay Rosanna kasi, matapos ko siyang ipaglaban, matapos ko siyang mahalin, nagawa niya pang mag-traydor sa akin.

“Napatawad ko na siya pero hindi ko makakalimutan yung ginawa niya,” paliwanag niya.

Kung dumating ang oras na nasa pintuan ng bahay niya si Osang at humingi ng tulong?

Ani Lolit, “Bibigyan ko siya ng five thousand, para may pamasahe siya.”

Nagbiro si Willie ng, “Five thousand lang? Kulang ’yan, bigyan mo ng jacket!”

ON MOTHER LILY MONTEVERDE. Sa tagal na niya sa industriya, ang hindi raw makakalimutan ni Manay Lolit ay ang una niyang pagsakay sa eroplano papuntang Hong Kong.

“Kaya hindi ko makalimutan si Mother Lily, siya talaga ang unang nagdala sa akin sa abroad,” pagbabalik-tanaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman ni Willie si Manay Lolit kung sino sa mga alaga nito ang pinakamayaman.

Sabi niya, “Siyempre si Bong Revilla!”

Sino ang pinaka-sakit sa ulo?

“That time? Si Gabby Concepcion.”

Ngayon?

“Si Paolo Contis dahil mahilig mangutang!” natatawa niyang pahayag.

Sino ang inuutangan ni Paolo?

“Iba-iba! Hindi ka pa ba nautangan?” balik-tanong nito kay Willie na tumatawang sinagot naman ni Willie ng, “Secret! “Hindi, hindi pa.”

Sino ang pinakamabait niyang alaga?

“Si Gabby rin.”

Hiningan ni Willie si Manay Lolit ng mensahe para kay Gabby.

Sabi niya, “Tutal siya na ang namamahala ng kanyang career, sana maayos niyang mabuti.”

Biniro ni Willie si Manay Lolit na mahal talaga nito si Gabby at tinanong kung may nangyari ba sa kanila.

“Secret,” ang tawa nang tawa ring sagot ni Manay Lolit.

ON KRIS AQUINO. Dati ring alaga ni Manay Lolit si Kris Aquino na isa sa mga hosts ng bagong relaunched na The Buzz, na katapat ng Startalk.

Tinanong ni Willie si Manay Lolit kung sa tingin ba nito ay makakahanap pa si Kris ng lalaking makakasama sa buhay.

Pakli niya, “Hindi! Naku, ang daldal niya. ’Tapos lahat ng nahihiwalayan niya, kung anu-ano lumalabas.

“May STD si Joey [Marquez], ’di ba? ’Tapos si James Yap, ’di ba, yung nakuhanan siya ng malaking datung, ’di ba? Iyon!”

Pero ayon rin kay Manay Lolit, mabait si Kris.

Pagpuri nito, “Walang mean bone, oo.”

Biniro pa ni Manay Lolit na ligawan ni Willie si Kris since ang tanong ay kung makakahanap pa si Kris ng lalaking makakasama sa buhay.

“Hindi ko naman puwedeng gawin yun dahil iba naman ang taste ni Kris, hindi ako bagay sa kanya. Iba ang taste ni Kris.

“Mas liligawan kita,” ang pagbibiro pa ni Willie kay Manay Lolit.

Nang tanungin ni Willie kung ano ang birthday wish ni Manay Lolit, good health ang isinagot ng talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN