Marian Rivera dreams of dance showdown with Vilma Santos, Maricel Soriano, and Alma Moreno in her new show

Marian Rivera reflects on her work: "Sa bawat aspeto na ginagawa mo, ang mahalaga diyan ay masaya ka sa gagawin mo at excited ka. Kapag yung dalawang ‘yon ang naging kumbinasyon mo, maganda ang kalalabasan.”


Magtatapos pa lang ang primetime series na pinagbibidahan ni Marian Rivera sa GMA, ang Carmela, ay may bago na siyang project—isang dance show naman.

“Kailan ito magsisimula? Depende sa akin!” sabay tawa ng Kapuso Primetime Queen.

“Humingi ako ng pahinga kahit man lang one week, magri-rest muna ako.

“After nun, magti-taping na ako.

“Pinag-uusapan nga namin na kailangang makapag-rehearsal na ako at makapag-shoot this month.”

Sino ang napipisil niyang maging unang guest sa dance show niyang ito?

Sabi ni Marian, “Siyempre yung talagang tumatak sa mata ng mga tao dahil sa husay sa pagsasayaw.

"Pero hindi ko pa yata puwedeng sabihin."

Sino ba ang dream niyang makasama sa sayawang bonggang-bongga?

“Siyempre si Ate Vi [Vilma Santos] at si Ms. Maricel Soriano and Alma Moreno.

“Nangangarap na rin lamang ako, e, gusto ko silang makasama sa stage talaga at sumayaw kami.

“Yung showndown talaga, sana pumayag sila,” nakangiting sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Marian sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, May 18.



PREPARATIONS. Pinaghahandaan daw ni Marian nang husto ang kanyang gagawing dance show maski magaling siyang sumayaw.

“Siyempre naman. Matinding rehearsals. Buwis-buhay ito!” tawa niya.

Dagdag ni Marian, “Sa bawat ginagawa ko, kahit soap opera ‘yan, dance show pa ‘yan, dapat.

"Naniniwala ako na ang isang artista, sa bawat assignment, ay dapat pagbutihin niya at i-improve pang lalo ang sarili niya."

May lifting at kung anu-ano pang matitinding dance moves ang ipapakita niya sa show?

“Hindi puwedeng mawala!" bulalas niya.

Magsusuot din siya ng tanga?

“Bakit hindi? Kakayanin ko,” biro ni Marian.

Pahayag pa niya, “Lahat ng genre ng sayaw, sana magawa, iyon yung pangarap ko.

“Walang makakapantay sa nagawa ni Ate Vi noon sa Vilma!, ni Alma Moreno sa Loveli-Ness, o ng Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang makakatalo sa mga ‘yan. Tinitingala natin ‘yan.

"Kumbaga, ako, tinitingala ko sila bilang magagaling sumayaw.

“Siyempre, iba rin naman yung atake ko sa pagsasayaw.

"Sila ang mga inspirasyon ko para pagbutihin ko ang pagsasayaw ko.

“Marami akong gagawin sa dance show na ito na hindi ko pa nagagawa.

"Kasi dati, ang nakikita nila sa akin, more on hip-hop, more on sexy dance.

“This time, mas kakaiba, may ballroom... halu-halo siya.

“Iba-iba ang mga dance instructors o choreographers ko sa show.

"Depende sa kung anong konsepto ng sayaw namin ang dancers na magiging kasama ko sa pagsasayaw sa bawat episode.”

Hindi lang basta Dance Diva kundi Dance Goddess talaga ang magiging dating niya?

“Tingnan po natin!” sabay ngiti ni Marian.

“Pero alam mo, ang importante diyan, sabi ko nga, sa bawat aspeto na ginagawa mo, ang mahalaga diyan ay masaya ka sa gagawin mo at excited ka.

“Kapag yung dalawang ‘yon ang naging kumbinasyon mo, maganda ang kalalabasan.”

PROUD OF DINGDONG. Paano naman susuportahan ni Marian ang boyfriend nitong si Dingdong Dantes bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission?

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Si Dong kasi, alam nating artista, pero noon pa man, hindi naman lingid sa kaalaman natin na tumutulong talaga siya higit lalo sa mga kabataan.

“So, nakakatuwa at nakaka-proud lang na, ’eto na talaga, nandito na siya.

“Nasa estilo na siya ng pagtulong na dire-diretso na.

"At naniniwala ako talaga, paulit-ulit kong sasabihin na isa si Dong sa mga magagandang ehemplo na dapat tularan ng mga kabataan."

Maging si Marian ay itinuturing na insipirasyon ng ilan dahil napagtagumpayan nitong makakuha ng college degree bago siya pumasok ng showbiz.

Graduate si Marian ng kursong Psychology sa De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite.

Sabi ng Kapuso actress tungkol dito, “Iyon ang sinasabi ko.

"Hindi rin naman ako papayagang mag-artista nina Mama at Papa kung hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi iyon ang usapan namin—makatapos muna ng pag-aaral,
’tapos kahit ano puwede mo nang gawin.

“Kasi, iba pa rin talaga ang may natapos.”

Marami raw siyang naaalala tungkol sa pagiging estudyante niya.

“Yung memorization… kasi ang hirap mag-memorize!

“Siyempre kapag ang course mo Psych [Psychology], ang dami talagang kailangang i-memorize at mga matatalinhagang medical Aterms.

“So, ayun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN