Dingdong Dantes nixes politics; says he cannot be distracted from his goal to empower youth

Dingdong Dantes is both excited and nervous about doing a teleserye with award-winning actresses Maricel Soriano and Coney Reyes: "Kumakabog yung dibdib mo. Pero siyempre it’s part of the excitement. ’Tapos yung pagkagulat na parang, ’Wow, nakasama ko sila!’"


Isa nang commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC) si Dingdong Dantes pagkatapos nitong manumpa noong Sabado, May 17.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit tinanggap ng aktor ang nasabing posisyon sa dami na ng kanyang ginagawa bukod sa showbiz career niya.

Nagpaliwanag naman si Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyebro ng media nang mag-guest siya sa Startalk kahapon, Linggo, May 18.

Aniya, “Kasi magmula nung 2003, active naman ako sa agency na ‘to as an individual, as a volunteer.

“In fact, yung pagbuo ko ng Yes Pinoy Foundation is inspired sa lahat ng mga natutunan ko sa National Youth Commission.

“So siyempre, bilang lampas 30 na ’ko at malapit na akong mawala sa bracket ng youth, binigyan ako ulit ng opportunity.

“They asked me and sought me again for my service, if I want to serve.

"And ayoko namang palampasin din ang pagkakataon to give it back.

“Lalung-lalo na dun sa institusyon na tumulong at humubog sa akin para maging kung sino ako ngayon.

“Kasi malaking bagay ‘yon sa mga choices na ginagawa ko sa career ko, sa pag-arte, pati yung sa pagkawanggawa ko.

“Lahat ‘yon, inspired by youth empowerment.”

Bilang commissioner-at-large ng NYC, ano ang sasakupin ng kanyang responsibilidad at ano ang sisimulan na niya?

Sabi ni Dingdong, “Well, officially, it started today [Sunday].

"By Tuesday [May 20], ang schedule for our first official meeting and briefing ay ilahad sa amin kung ano yung mga existing programs.

“More or less, we’ll have an overview of what to expect for this year.

"Pero ultimately, ang task namin is to think of projects and policies for the further development of our youth.

“So, lahat ‘to talaga, para sa kapakanan ng kabataan.”

TIME MANAGEMENT. Nagti-taping ngayon si Dingdong ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang upcoming primetime series ng GMA Network kung saan kasama niya sina Maricel Soriano at Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon pa siyang pelikula, ang Kubot: The Aswang Chronicles. Bukod dito, marami pa siyang ibang inaasikaso gaya ng kanyang Yes Pinoy Foundation.

Paano niya gagampanan ang bago niyang responsibilidad bilang commissioner-at-large ng NYC?

Tugon niya, “Parang nakikita ko naman siya na hindi nalalayo sa mga ginagawa ko.

"Like, whenever I go out of town, meron akong ginagawa na ibang activities aside from promoting my shows.

“And hindi rin naman araw-araw nagsu-shooting ako.

"So, sinisiguro ko naman na with proper time management e malalaan ko nang tama yung energy ko at yung sarili ko sa mga duties at responsibilities ko.

“And, actually, mahilig ako sa gano’n.

"Gusto ko parating preoccupied ako as compared to naka-relax lang.

“Kasi minsan lang tayo magkakaroon ng ganitong drive at energy to do things, so might as well make the most of it.”

NO POLITICS. Paghahanda ba ito o simula ng kanyang pagpasok sa pulitika?

Tugon ni Dingdong, “Hindi, like what I said, ayokong maging unfair dun sa mga ginagawa ko.

“Like yung pagiging artista ko and right now yung paninilbihan ko sa mga kabataan.

“Kasi ‘pag inilagay ko ‘yan sa aking kamalayan o kung anuman, nag-iiba ang intensiyon.

“Para sa akin, buong-buo ang puso ko at ang determination ko to really help, magkawanggawa, to really give it back.

“Ako kasi, kapag nag-focus sa isang bagay, iyon ang ginagawa ko.

"And ayokong ma-distract sa kahit ano, so I’m focused in doing this.

“Kaya sa ngayon, yung pagpasok sa pulitika, wala pa sa kamalayan ko.”

Pero open siya para rito in the future?

“It’s hard o answer that, e.

"Pero siyempre, like what I said, I just wanna focus on the task that’s given to me.

“One at a time!” sabay ngiti ni Dingdong.

PROUD GIRLFRIEND. Ang kasintahan niyang si Marian Rivera ay very vocal sa pagsasabing proud siya kay Dingdong sa pagiging magandang ehemplo para sa kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman!” tawang reaksiyon ng aktor.

“Ano naman… lahat tayo siyempre dumaan sa stage na ‘yan.

"And what’s important ay kung ano yung future na nakalaan para sa susunod na generation.

“And siguro, modesty aside, with my my 33 years in this world, kahit papa’no meron akong maibabahagi sa mga kabataan na mga natutunan ko.

“Also yung mga natutunan ko sa mga mentors ko, at being in other youth organizations, and being a part of the NYC per se in the past.

“In a way, I can impart some things for the further development of the next generation.”


CO-STARS. Magsisimula nang umere ang Ang Dalawang Mrs. Real sa June. Ano ang kanyang masasabi sa kanyang role bilang isang lalaki na nagpakasal sa dalawang babae?

"Uhm, huwag tularan!" natatawa niyang tugon.

“Alam niyo, sa TV lang ‘yon, ito’y istorya... istorya lang ito.

“Kaya siguro may dahilan kung bakit ipinapakita ang istoryang ito, hindi siguro para ipakita ang mga posibilidad na puwedeng mangyari.

“Pero more importantly, para matuto siguro ang audience na in case may mangyaring ganito sa kanila e alam nila kahit papano yung sitwasyon.”

Puring-puri siya ng kanyang co-stars sa Ang Dalawang Mrs. Real na sina Lovi Poe, Maricel Soriano, at Coney Reyes.

Sabi naman ng Kapuso Primetime King, “Kasi siyempe, nakaka-pressure! Salamat! Salamat.

“Alam niyo, every time I see yung mga actors and actresses na talagang hinahangaan ko, dahil sa kung anong narating nila and dahil sa craft nila, ’tapos lalung-lalo na makaharap ko at makatrabaho, parang, alam mo ‘yon, kumakabog ‘yong dibdib mo.

“Pero siyempre, it’s part of the excitement.

"’Tapos yung pagkagulat na parang, ’Wow, nakasama ko sila!’

“At sobrang dami kong natututunan sa kanila.

"Grateful po ako na binigyan ako ng chance ng GMA to work with these great people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN