Vice Ganda moves on after breakup with boyfriend: "Meron akong natitipuhan pero wala akong dyowa."

Vice Ganda wishes his ex-boyfriend the best: "Gusto ko siyang magka-girlfriend, gusto ko siyang magka-asawa... Mabait kasi talaga yun kaya gusto kong ma-normalize siya."


Ngayong break na sila ng kanyang boyfriend na basketbolista ay tila naka-move on na si Vice Ganda.

Heto nga’t mayroon na raw siyang bagong natitipuhan.

Sabi ni Vice sa The Buzz 15 kahapon, Linggo, May 18, “Masaya, masaya lang. Ang saya ng life.”

Pero mas curious tungkol sa katatapos na relasyon ni Vice ang tatlong hosts ng show na sina Kris Aquino, Boy Abunda, at Toni Gonzaga.

Ang unang tanong ni Kris kay Vice ay kung kailangan bang iproklama nito na "it’s over" sa tweets niya.

“And why not?” balik-tanong naman niya.

THE BEGINNING. Paano sila nagkahulugan ng loob sa isa’t isa?

“Nag-meet kami, common friends... sige na nga, nanood ako ng game.”

Singit naman ni Kris na natatawa, “We have so much in common, that’s why we love each other!”

Ang dating asawa ni Kris na si James Yap ay sikat na player sa PBA.

Pagpapatuloy ni Vice, “Nanood ako ng game. Magaling naman talaga. Pero kaibi-kaibigan lang.

“’Tapos nagpunta sila ng Showtime, nanood sila. Nag-chikahan.

"Ayun, naging magkaibigan, chikahan, natuwa siya sa akin. Nagandahan siya sa akin.

“And then, hindi na napigilan ang lahat. Marupok siya, mapusok ako!” tawa pa niya.

THE ENDING. Bakit natapos, mutual ang paghihiwalay nila?

“Oo, mutual,” sagot ni Vice.

“Kasi, I believe, the only way to keep him is to let him go.”

Bakit niya nasabi yun?

“Nakuwento ko na sa ‘yo, nag-peak na kami.

"Ang ganda, ang ganda ng pagkakaibigan namin, ang ganda ng samahan namin na feeling ko, yun na yun.”

Mahirap ba dahil kilala na siya ngayon at mahirap na silang makitang magkasama sa labas?

"Hindi naman talaga kami lumalabas ever since... sa Pilipinas," sabi ni Vice.

Tawa naman nang tawa si Kris kaya sabi ni Vice, “Tuwang-tuwa ka, nagpapakuwento ka sa akin kasi nakikita mo ang sarili mo sa akin!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LETTING GO. Dumating na raw si Vice at ang boyfriend niya sa puntong kaya na nilang magkahiwalay at manatiling mabuting magkaibigan.

Aniya, “Kaya na namin pareho dahil para na kaming matalik na magkaibigam, matalik kaming magkaibigan.

"’Tapos, gusto ko siya... para sa kanya rin, ma-explore niya ang life niya.

“Para marami siyang magawa. Mabuti siyang tao, e.

“Lahat ng naging exes ko, naging kaibigan ko.”

Tanong naman ni Kris, bakit nakaya yun ni Vice.

Vice: “E, kasi, ang layo ng ugali ko sa ‘yo!”

Kris: “My god! Ako yata ang magwu-walkout. Hoy, alalahanin mo, gusto mong makasama si Bimby sa MMFF [Metro Manila Film Festival], ha! Baka hindi na kayo magkasama.”

Vice: “Kaya kaya ko, kasi nakaka-move on ako, kaya kaya ko silang maging friends.”

Kris: “So, ang ibig sabihin lang po, hindi ako marunong mag-move on, tama ka naman diyan.”

Vice: “Hindi lang kayo magiging friends kapag may galit, may poot, may natitira sa ‘yong itim.”

Kris: “Hindi naman ako galit.”

Sinagot naman ito ni Vice na hindi naman daw si Kris ang tinutukoy niya.

Kris: “E, bakit sabi mo, ang layo ng ugali mo sa akin?”

Vice: “E, totoo naman!”

CLEAN BREAK. Sa isang tweet niya, sinabi ni Vice na ayaw niya ng alon, gusto niyang umahon.

Ano ang alon na ayaw niya?

“Ayoko na ng alon, gusto ko ng umahon kasi masalimuot nga, e, ‘di ba?”

Nag-post din si Vice ng mga katagang: “i Tried but im Tired. time to Rest.”

“Typo-error, hindi puwede?” nakangiting sabi ng comedian tungkol dito.

Nag-usap ba sila ng ex-boyfriend niya magtu-tweet siya ng mga ganoon?

“Kailangan ba na ipaalam ko pa?” balik-tanong niya.

Paliwanag pa ni Vice, “Kasi, ang hirap maka-move on kung masyado na kaming na-associate sa isa’t isa.

“Kunwari, ‘di ba, siya, gusto ko siyang magka-girlfriend, gusto ko siyang magka-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng tsitsikahin niya, lahat ng kakaibiganin niya, sasabihin sa kanya, ’Naku, e, meron ka namang ganyan. Kayo pa rin ni Vice.’

“O, kung ako, may matitipuhan ako, meron akong kakaibiganin, ganun din ang sasabihin sa akin.

“Kaya we want the world to know na wala na, we are friends.”

Pagbibigay-diin pa niya, “I swear, wala na talaga.

“Actually, mas maganda ito para sa kanya.

"Mabait kasi talaga yun kaya gusto kong ma-normalize siya.

“Hindi naman sa pag-aano, mahirap sa sitwasyon kung, halimbawa, dyowa mo si Vice Ganda, si Angel Locsin, si Anne Curtis, yung ganoong level."

SENDING OFF. Ano ang gusto niyang sabihin sa ex-boyfriend niya?

Saad ni Vice, “I wish him luck. Gusto ko siyang maging masaya habang-buhay.

"Gusto kong ma-achieve niya... ang dami niya kasing plano.

“Ang dami niyang plano, ang dami niyang gustong puntahan.

"Ang dami niyang gustong kilalanin na mas magagawa niya yun dahil malayang-malaya na siya. Malaya na kaming pareho.

“Gusto ko lang na habang-buhay ko siyang panonoorin na umaangat at habang-buhay akong papalakpak tuwing umaangat siya.

“Mabuting tao kasi talaga yun.”

May bago na ba siyang boyfriend?

“Wala akong dyowa... Meron akong natitipuhan pero wala akong dyowa.”

Pagbubuko naman ni Kris kung ang bagong natitipuhan ba ni Vice ay ang kinita nito nang maghiwalay sila sa birthday party ni Cory Vidanes at pinuntahan ng komedyante sa Timog.

“Yes, siya yun,” pag-amin ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN