Is Willie Revillame in talks with GMA for a possible comeback?

Willie Revillame evades the question about a possible offer from GMA Network, but read between the lines: "I’m a free agent... Kung ano yung magiging maganda offer at kung ano yung magiging magandang programa na talagang puwede kong gawin, iyon ang gagawin ko. Hindi puwedeng pera lang tayo."


Halatang nami-miss na ni Willie Revillame ang paghu-host sa TV nang mag-surprise guest siya sa birthday celebration ni Lolit Solis sa segment nito sa Startalk noong Linggo, May 18.

Sa halip na ang guest ang interbyuhin ng co-host ng show, baliktad ang nangyari. Si Willie ang nag-interview kay Lolit at nakakaaliw ang kinalabasan ng kanyang pakuwela.

“Siyempre, special day kay Manay Lolit," sabi ni Willie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng kanyang interview.

Dito ay ipinahayag rin ni Willie kung gaano kaespesyal ang pinagsamahan nilang dalawa ni Manay Lolit.

Aniya, “Alam mo naman yung mga taong ‘pag down ka, ipinaglalaban ka. Kapag up ka, nawawala.

“Kasi gusto nila, ‘pag down lang sila nandiyan.

“Totoo ‘yan, ha! Si Manay Lolit, kapag may problema ako, dumarating ‘yan.

“Iyon ang mga taong hindi ko makakalimutan. It touches your heart.

“Pero ‘pag up ka, dapat ikaw na ang umaalala sa mga taong kapag down ka ay nandiyan sila.

"Hindi na sila ang dapat na umaalala sa ‘yo."

Nakakatawa naman ang sumunod na salaysay ni Willie.

Kuwento niya, “Si Manay Lolit, nagsimula ako as TV host sa Regal Family noon.

"Siya ang nagpapasuweldo sa akin ng Sunkist, ng Orocan na tabo, at saka 300 pesos a day.

“Totoo ‘yon, siya kasi ang executive producer ng show.

“Matagal na ‘yon, pero totoo ‘yon.

“Ako, si Richard [Gomez], si Anjo [Yllana], Joey Marquez… marami kaming hosts.

“So, dun nagsimula, iyon ang training ground, kumbaga.”

TRIAL BALLOON? Yung guest appearance niya sa Startalk, senyales na bang babalik siya at magiging aktibo ulit sa telebisyon?

“Medyo nakapagpahinga na ako for eight months. October, e,” pagtukoy niya kung kailan namaalam sa ere last year ang kanyang show na Wowowillie sa TV5.

“Siguro kung babalik man ako, gusto ko yung programa, talagang masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung programa, talagang makakatulong.

“Walang negative, puro positive.

“Walang bad news, always good news.

“Kasi alam mo, kapag masyado nang nakaka-depress kapag nanonood ka ng news...”

CHEERY. Sabi pa ni Willie, “Every time na mag-guest ka o mag-perform ka, dapat laging yung moment na iyon, masaya, e.

“Hindi ka puwedeng boring. Hindi ka puwedeng nakakainis, ‘di ba?

“I think ang role ng mga artists, TV hosts, o artista… kapag lumabas ka na, magdadrama ka na. Dapat mapi-feel ng tao na nagda-drama ka.

“You know, dapat iyon ang role namin.

“Kaya nga minamahal ka ng tao, e, dahil maganda yung ipinapakita mo sa kanila.

“So, yung paghu-host… e, siyempre natural lang ‘yon.

"At saka at home naman ako sa kanila,” pagtukoy niya sa hosts ng Startalk.

“Si Manay Lolit. Si Tito Ricky [Lo]. Si Heart [Evangelista] nakasama ko na sa ABS-CBN.”

Bagay rin siya bilang talk show host. Okey lang ba sakaling may offer sa kanya?

Sagot ni Willie, “Hindi, I think ang pinakagusto ko kasi kung talk show lang, wala kang natutulungan, e.

“I think the best thing ay meron kang game show, ‘di ba?

“Well, ang Eat Bulaga!, yung mga show na ganyan na may papremyo.

“May napapasaya kang mga pamilya, may napapasaya kang mga tao.

“Iyon ang pinakaimportante, na every day may natutulungan at napapasaya ka.

“Yung fulfillment mo, nandiyan, e.

“Pagtulog mo sa gabi at pagpikit mo, mahimbing ang tulog mo.

“Kasi may napasaya kang tao, e.”

BACK TO GMA? Pagkatapos ng walong buwan na hindi siya naging visible ay sa GMA ang kanyang first live appearance.

Hindi maiaalis na may mag-isip na baka may negosasyon ngayong nangyayari sa pagitan niya at ng management ng Kapuso Network.

Saad ni Willie, “Alam mo I’m a free agent, ‘ika nga. Wala naman akong kontrata pa.

“Kung ano yung magiging maganda offer at kung ano yung magiging magandang programa na talagang puwede kong gawin, iyon ang gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap magtrabaho ng pera lang. Hindi puwedeng pera lang tayo.

“I’m sure kayo, gusto niyo masaya kayo sa ginagawa niyo. Kahit wala mang masyadong budget, ‘di ba?

“Pero happy kayo, iyon ang importante.”

CONTROVERSY. Bagama’t hindi aktibo si Willie sa kanyang hosting career ngayon, nanatiling sentro pa rin siya ng kung anu-anong kontrobersiya.

Tinatawanan na lang daw niya ang lahat ng mga intriga sa kanya.

Paglilinaw nga niya sa balitang lulong daw siya sa pagka-casino ngayon at natatalo hanggang P600 million, “Yung pagka-casino, nasasa-tao ‘yon.

“Nag-e-enjoy ka, dapat alam mo ang limitasyon mo, ’di ba?

“Siyempre you have to learn you lesson, ’di ba?

"Mahirap namang mag-casino nang wala kang pera at nangungutang ka.

“Magka-casino ka kapag nag-i-enjoy ka lang naman, pero hindi naman ‘yon panghabambuhay.

“Pinagdadaanan mo sa buhay mo lang ‘yan.

“At saka pera ko naman ang ipinangka-casino ko, pinaghirapan ko ‘yon.

“Ilang taon akong nagpapakahirap sa trabaho kaya walang masama kung sa ngayon, e, i-enjoy ko naman ang pinagpaguran ko.”

Yung balitang naghihirap na siya at ibinibenta na ang kanyang properties?

“Ibinibenta ko na lahat! Katawan ko lang ang libre!” pagbibiro ni Willie.

Dagdag niya, “Marami akong naipundar na properties. Yung iba rito, hindi ko napapakinabangan.

“Nagbabayad ka ng buwis, mini-maintain mo.

“Kaya ibinibenta ko, gaya ng Wil Tower, ibinenta ko kay Senator [Manny Villar].

“Kasi hindi ko maaasikaso at saka hindi ko kaya dahil wala akong alam pagdating sa pagpapatakbo ng mall.

“Ngayon, sinasabi nila, naghihirap na ako, dugyot na ako.

“Alam mo, hindi importante ang sinasabi ng ibang tao.

"Ang importante, kung ano ang estado mo. Kung ayos ka ba o hindi.

“Kung sinasabi nila, mayaman ka, pero naghihirap kami, mas mahirap ‘yon.

“Kahit anong sabihin nilang negative, tinatawanan ko na lang.

"Hindi mo na dapat pinapatulan ‘yon, e, kasi maayos naman ang buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatulog ka sa magandang bahay, nakakapagmaneho ka ng magandang sasakyan, nakakakain ka ng gusto mo.

“So, ibig ko lang sabihin, kumportable pa rin naman ako.”

SILENT DONOR. Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa pagtulong ni Willie sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Hindi kasi napabalita dahil walang presence ng media nang mag-donate siya ng P10 million.

Saad ni Willie, “Napanood naman nating lahat sa TV kung ano ang dinaranas ng mga kababayan nating naging biktima ng bagyong Yolanda.

"At bilang meron naman akong kayang ibigay, hindi ako nagdalawang-isip na mag-donate.

“Yung 10 million na ‘yon, hindi ko dinala sa Kapamilya, Kapatid, o Kapuso Network.

"Diretso kong ibinigay ito sa DSWD para sila na ang bahalang mamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo.”

Bukod dito ay nagpunta rin siya sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda at personal siyang nag-abot muli ng donasyon.

Marami ang nagtatanong kung may balak din ba siyang pumasok sa politika at yung pagtulong daw ba niya ay paghahanda para rito.

Tugon ni Willie, “Hindi. Mahirap sa politika.

“Kahit gumawa ka ng mabuti, masama ka pa rin. Sisiraan ka.

“Heto ngang wala pa ako sa politika, grabe na ang naibabatong mga isyu sa akin.

“Masarap sa pakiramdam na makatulong ka sa iyong kapwa.

"At puwede mo naman iting gawin kahit wala ka sa politika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN