Kris Bernal on status of relationship with Carl Guevara: "We’re still in the process of working things out, pero hindi nagkabalikan."

Sa kabila ng pag-amin ni Carl Guevara na break na sila ni Kris Bernal, iginiit ng Kapuso actress na ganun pa rin ang samahan nila. Saad ni Kris, “Ever since naman, ang napag-usapan namin, libre lang, free lang kami. We do anything we want and walang mga bawal. So, yun. Wala naman… ganun pa rin naman kami hanggang ngayon."


Para kay Kris Bernal, nananatili pa rin silang magkaibigan ni Carl Guevara sa kabila ng pahayag ng aktor na break na sila.

Sabi ng Kapuso young actress, “Actually, parang nagkalabuan lang talaga, napag-awayan, hindi lang nagkaintindihan.

“Pero naayos naman. Kasi kailangan lang talaga ng unawaan ng bawat isa sa amin, e.

“Pero naayos naman, okey naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa dressing room niya sa Sunday All Stars noong Linggo, May 18.



CURRENT SET-UP. Sa lumabas na artikulo dito sa PEP tungkol kay Carl at sa breakup nila ni Kris, sinabi ng aktor na wala nang masyadong pressure sa kanilang dalawa at puwede na silang makipag-date sa iba.

Read: Carl Guevara admits breakup with Kris Bernal: “Oo, hindi kami ngayon.”

Tinanong ng PEP si Kris kung ganito na ba talaga ang set-up nila ngayon ni Carl.

Tugon niya, “Ever since naman, ang napag-usapan namin, libre lang, free lang kami.

“We do anything we want and walang mga bawal. So, yun.

“Wala naman… ganun pa rin naman kami hanggang ngayon.

“So, hanggang ngayon, ganun yung status namin.”

Walang inamin sina Kris at Carl sa tunay na estado ng relasyon nila, pero madalas nilang sabihing “special” sila sa isa’t isa, kaya medyo magulo kung isalarawan ng aktres ang samahan nila ngayon.

Pahayag pa ni Kris, “Ganun talaga. Minsan okay, minsan hindi.

“Pero most of the time naman, okay kami.

“Yun nga lang, merong hindi pagkakaintindihan, pero naayos naman.

“Kasi si Carl naman, very understanding person and, at the same time, very patient din ako.

“Saka forgiving kasi akong tao, e.

“Nasaktan ako or may nagawa man ang isang tao, ang sabi lang sa akin ni Lord, puro forgiveness lang ang ibalik ko.

“So, ganun talaga ang personality ko na every time na nagkakaproblema, naaayos naman agad.”



FIXING THE PROBLEM. Paano ba nila inayos yung problema sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Kris, “Bago umalis ng Japan, maayos na.

“Bale pumunta siya sa Japan kasi kinakausap-usap niya ako.

“So, yun, okey naman. Maayos naman na.”

Paulit-ulit na sinasabi ni Kris na walang pinagbago sa kanilang samahan ngayon ni Carl, na “free-flowing” lang silang dalawa, libre sa kahit na anong gusto nilang gawin.

“Kahit anong gusto naming gawin, walang bawal kahit sa trabaho. So, tanggap lang, ganun.”

Nililigawan ba siya ulit ni Carl?

Ani Kris, “Unti-unti, nililigawan niya ako.

“Ibinabalik niya yung loob ko kung paano ko siya ini-entertain dati.”

Paano ilalarawan ni Kris ang nararamdaman niya ngayon para sa binata?

“Dumistansiya ako ng konti, pero hindi naman porke three weeks o four weeks na hindi kami okey, e, wala ka nang maramdaman.

“Hindi naman ganun.

“Siyempre, may feelings pa rin ako.

“Dumistansiya lang ako para alam namin yung limits ng bawat isa at saka yung focus sa bawat isa.”



STILL THE SAME. Kahit sinabi na ni Carl sa interview na kinalasan siya ni Kris, patuloy pa rin itong itinatanggi ng aktres.

“We’re still in the process of working things out, pero hindi nagkabalikan.

“Or walang ganun… ganun naman talaga yung ano namin.”

Nag-alangan ba siyang tanggapin muli si Carl?

Sagot ni Kris, “Nasa tamang edad naman ako para mag-isip ng tamang desisyon para sa sarili ko.

“Yung mga desisyon ko ngayon, kumbaga, ayokong magtanim ng galit kahit kanino. Ayoko talaga.

“Kaya nga sabi ko, ako yung taong patawad lang nang patawad.

“Kasi gusto ko, ang ibinabalik ko, kindness lang. Yun lang.”

Dagdag niya, “Hindi naman kami nagkabalikan, pero at least, magkaibigan pa rin kami.”

Nasaktan ba siya sa naging kaganapan ng relasyon nila ni Carl?

Pag-amin ng dalaga, “At first, pero ‘pag lahat kasi ipinagdasal mo at parang lahat ng hopes mo na kay Lord na lang, mawawala lahat ng sakit, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Though meron pa rin, pero si Lord, parang has plans for you and, yun nga, everything happens for a reason.”

Na-disappoint ba siya kay Carl?

“Hindi naman na-disappoint, kasi wala rin naman akong right na magalit nang todo sa kanya.

“Wala naman akong karapatang magalit sa ganitong bagay dahil ganun naman talaga yung relationship namin,” pagwawakas ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN