Kim Chiu clears up rumor that she and Xian Lim are now officially together

Kim Chiu on rumors that Xian Lim recently confirmed that they’re now in a relationship: "Yeah [nakita raw kami ni Xian sa Subic]. Kaso, parang yung ibang KimXi fans, sobra silang happy. Uy, walang nangyaring ganyan! ’Wag naman lokohin ng tao yung ibang taong sumusuporta sa amin," says Kim in an interview at the recently-concluded The PEP List Awards.


Humakot ng awards si Kim Chiu sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino kagabi, May 20.

Kabilang sa mga tinanggap na awards ng Kapamilya actress ay ang TV Star of the Year at Newsmaker of the Year para sa PEPsters’ Choice category.

Nasungkit din nila ng ka-loveteam niyang si Xian Lim ang Celebrity Pair of The Year sa Punongbayan & Araullo-Audited category, at Teleserye of the Year naman ang kanilang primetime series na Ina Kapatid Anak sa PEPsters’ Choice category.

“Sobrang saya and sobrang thankful sa lahat ng bumubuo ng PEP and kay Tita Jo-Ann [Maglipon, PEP editor-in-chief], and sa lahat ng fans na walang sawang sumusuporta at bumoboto online and via text messages,” masayang bungad ni Kim.

Bagamat makailang beses na ring kinilala si Kim pagdating sa husay niya sa pag-arte at tindi ng suporta ng kanyang fans, iba raw talaga sa pakiramdam ang mabigyan ng parangal.

Aniya, “Nakakagulat! Ang dami!

"Siyempre sa isang artista, kapag nare-recognize lahat ng efforts mo, it gives you confidence and inspiration to do more and do better, kasi alam mong nag-e-exist ka pala para sa ibang tao.”

RELATIONSHIP STATUS WITH XIAN. Samantala, pinabulaanan ng Kapamilya actress ang kumakalat na balita sa social media na diumano’y kumpirmadong magkasintahan na sila ni Xian Lim.

Ayon kasi sa isang Instagram follower ni Kim, personal niyang nakaharap ang celebrity couple sa Subic kamakailan.

Dito ay direktang inamin umano ni Xian sa naturang fan na hindi na siya puwedeng manligaw ng ibang babae dahil mayroon na silang pagkakaintindihan ni Kim.

Kontra-pahayag ni Kim tungkol dito, “Wala. Parang ang dami nang feeds sa timeline sa Twitter ko. Ano ’to?

“Nagdidiwang pa yung ibang KimXi [Kim-Xian fans]. Kawawa naman sila.

“Naniniwala sila sa false story, sa isang tao lang na nagkuwento-kuwento ng kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami na nilang nilokong ibang tao.”

OVERZEALOUS KIMXI FAN. Pareho raw nagtataka sina Kim at Xian kung saan nanggaling ang usap-usapan na “sila na,” base sa kuwento ng isang excited fan na diumano’y nakaengkuwentro nila sa Subic.

“’Tapos may feelings-feelings pa [yung Instagram follower] na, ‘Oh my god Kimmy!’

“’Tapos detalyado [yung kuwento tungkol sa father niya na] doctor daw na merong ano… Parang, saan galing yun?”

Bunsod nito, nag-post si Kim sa Twitter ng mensahe para sa kanyang followers na hindi totoo ang ikinakalat na balita ng isa niyang Instagram follower.

Ganunpaman, naniniwala si Kim na wala namang masamang intensiyon ang naturang Kim-Xi fan.

Sabi niya, “Siguro isa siyang supporter or isang fan na sobrang natuwa sa kuwento.

“May ganon kasi yung iba. Gumagawa sila ng kuwento ng Kim-Xi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN