Christian Bautista: Single and happy but ready for love

Christian Bautista has no complaints about the reformatted Sunday All Stars: “That’s life, e, that’s industry. You got to adjust and adjust... it’s a mixture of competition and then it’s a mix also of Party P. Meron yung kantahan pa rin, actually it’s a mix of both worlds.”


Si Christian Bautista ang itinanghal na Male Recording Artist of the Year sa 45th Box Office Entertainment Awards na ginanap noong Linggo, May 18, sa Solaire Resort & Casino.

Malaki ang pasasalamat ni Christian sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. dahil kahit noong nagsisimula pa lamang siya, madalas na siyang nabibigyan ng rekognisyon dito.

Sabi nga ni Christian, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very thankful to Guillermo, all the fans and all the sponsors who supported me, and of course, the management.

"I’m just very happy, kasi itong mga awards, it validates that you’re doing a great job. It pushes you to do better."



READY FOR LOVE. Ang lovelife, kumusta na?

Nakangiting sabi ni Christian, “Single and happy and content and ready. Ready for anything.”

Nasa stage ba siya na naghahanap ngayon?

Sagot niya, “Ready, mas ganun.

“Pero ngayon, wala, wala pa talaga.”

Ang huling nakarelasyon ni Christian ay ang actress-radio host na si Carla Dunareanu.

REFORMATTED SAS. Regular na napapanood si Christian sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Mula sa Party Pilipinas ay naiba ang konsepto ng show at naging Sunday All Stars ang titulo nito.

Pero ngayon, pinaikli na ang oras ng show at nagbawas din ng regular performers.

Kumusta naman siya?

Sagot ng singer-actor, “Of course, it’s still management decision and we respect it.

"They come naman also, a lot of our fellow artists are there in the show kanina.”

Dahil sa pagre-reformat nila, hindi ba nag-work ang mga ginawa nilang kumpetisyon at grupo-grupo noon?

Sabi ni Christian, “That’s life, e, that’s industry.

"You got to adjust and adjust.

"If that’s the management decision to adjust, then all we have to do is to follow and support."

Pero kung si Christian ang tatanungin, mas okay sa kanya ang bagong format ng Sunday All Stars ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do, kasi it’s a mixture of competition and then it’s a mix also of Party P.

"Meron yung kantahan pa rin, actually, it’s a mix of both worlds.”

UPCOMING TELESERYE. Ang huling teleseryeng ginawa ni Christian sa GMA ay ang With A Smile. Posible raw na gumawa siya ng bago ngayong taon.

Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Christian sa Kapuso at nakaka-isang taon pa lang daw siya.

Sabi ni Christian, “Yung soap, hopefully sa last quarter.

"With A Smile last year, so maybe another one this year.”

Bakit natagalan ang paggawa niya ng soap muli?

Paliwanag niya, “I did two theater productions, Cinderella and then Ghost.

"That’s my first love naman, theater, at hindi mawawala sa akin yun."

Pabalik-balik din si Christian sa Indonesia. Sa isang buwan nga ay magre-record daw siya ng album niya roon.

Aniya, “I’m recording an album there and I’m recording an album here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN