Kathryn Bernardo on bashers of Daniel Padilla-Julia Barretto team-up: "Part yun ng trabaho, you can’t please everyone."

Kathryn Bernardo on Princess of Philippine Movies title: “Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko, kasi sobrang bigat ng category. At my age, sobrang laki ng karangalan na ibinigay nila… Hindi ako makapaniwala nung una, pero ngayon, parang totoo na. Ito na yung malaking award sa aming mga artista."


Hangga’t maaari ay ayaw magbigay ng pahayag ni Kathryn Bernardo tungkol sa paglabas ng isang softdrink commercial kung saan magkasama ang ka-loveteam niyang si Daniel Padilla at ang kapwa nila Star Magic talent na si Julia Barretto.

Bunsod nito ay nakakatanggap ngayon ng pangba-bash sa social media si Julia mula diumano sa ilang masugid na tagahanga ng KathNiel loveteam.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathryn sa 45th Box Office Entertainment Awards, na ginanap sa Solaire Resort & Casino noong May 18, sinubukan naming hingan ng reaksiyon si Kathryn tungkol sa pagsasama nina Daniel at Julia sa isang commercial.

Sabi niya, “Hindi mo naman maiiwasan yun sa mga yun, basta may ma-issue lang sila. Ayokong magsalita dun.”

Tungkol naman sa pambabatikos na natatanggap ngayon ni Julia, ani Kathryn, “Hindi maiwasan yun, lahat naba-bash.

“Ako naba-bash sa Instagram, sobra… sobra.

“Pero part yun ng trabaho, you can’t please everyone.”

Hindi ba naaapektuhan ang samahan nila ni Daniel sa ganitong mga isyu?

Sagot ng 18-year-old actress, “No, hindi na kami affected.

“Lahat naman ng loveteam parating may ganun, so okay lang po.”



KATHRYN VS JULIA? Bukas kaya si Kathryn na magsama silang tatlo nina Daniel at Julia sa isang proyekto?

Tugon niya, “Okay naman, open naman ako sa kahit sino, especially ‘pag another project with Julia Montes naman, or kahit na sino.

“Bahala na ang management.

“Parati namang ikinu-compare ever since, ano pa… simula pa lang kahit kanino. Pero wala naman kasi competition.”

Aminado naman ang young actress na hindi sila close ni Julia.

“’Pag nagkikita, hi-hello, pero ‘di ko masabi na close kasi medyo nagkakahiyaan pa kami.

“Yung mga tao sa paligid namin, inuunahan kami na pag-awayin bago puwedeng maging magkaibigan.

“So, parang kami, awkward na.”



LOVETEAM WITH DANIEL. Sina Daniel at Kathryn ang pinarangalan bilang Prince and Princess of Philippine Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kathryn sa karangalang natamo, “Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko, kasi sobrang bigat ng category.

“At my age, sobrang laki ng karangalan na ibinigay nila…

“Hindi ako makapaniwala nung una, pero ngayon, parang totoo na. Ito na yung malaking award sa aming mga artista.

“Kinakabahan akong magsalita sa harap nila. Kinakabahan, pero sobrang happy kasi pinaghirapan mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN