Carla Abellana in bloom but not in love; says Tom Rodriguez has nothing to do with it

Carla Abellana on being linked to Tom Rodriguez: "Hindi, my gosh, ang daming reason, hindi lamang ’sandosenang dahilan."


Marami ang nakapansing "blooming" ang ganda ni Carla Abellana nang dumalo siya sa 1st PEP List Awards na ginanap kagabi, Martes, May 20, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.

Hindi halatang may pinagdaanan itong problemang personal kaugnay ng paghihiwalay nila ng longtime boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.

Bungad na pahayag ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang kumustahin namin, "Busy sa movies.

"For the past couple of months puro movies ang ginawa ko, pero balik-TV na, kasi meron nga akong sitcom na bago sa GMA-7.

"Heto nga ako, nag-gain ako ng weight kasi pagkatapos ng So It’s You shooting, medyo nag-relax ako.

"I have to be back in shape kasi ’pag masaya ka, kain ka nang kain.

"’Di tulad kapag depressed ka, wala kang ganang kumain.

"Thanks naman kung sa tingin niyo ay blooming ang ganda ko ngayon."



RECOVERY. Ibig bang sabihin nito ay tuluyan na siyang naka-recover sa breakup nila ni Geoff?

Aniya, sa tonong nagbibiro, "Meron pa ring sugat, pero maraming Band-Aid. May Band-Aid na nakadikit [sa puso ko].

"Hindi naman mahirap... kasi I get by naman each day.

"Looking forward kung ano yung gagawin ko for the day, yung trabaho.

"Inaalam ko kung who I would be working with, at nandiyan naman ang friends and family ko.

"Kumbaga, nagigising ako every day na excited ako na magtrabaho at planado pa rin."



ALL CRIED OUT. Pero aminado ang aktres na minsan ay naiisip pa rin niya ang masasayang araw nila ni Geoff.

Saad ni Carla, "Oo naman.

"Naiisip ko pa rin siya, iniisip ko kung kumusta na kaya siya at ang family niya.

"Hindi maiiwasan yun, although ayoko namang mag-text out of nowhere na, ’Oy, kumusta ka na?’

"Kasi, I have to give him also his time."

Naiiyak pa ba siya kung naaalaala niya ang mga naganap sa kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot ni Carla.

"Kasi naiyak ko na yun before, so hindi na rin.

"Maayos naman kaming naghiwalay, okey naman kami sa isa’t isa.

"So, kung may kailangan kami, madali na lang na mag-reach out.

"Ang importante, maayos kayo na naghiwalay."

Nami-miss pa rin ba niya ang dating boyfriend?

Parang nahihiyang sagot ni Carla, "Hindi na.

"Honestly, hindi ko naiisip na masyado, kasi sobrang busy ako sa trabaho... at siya rin siguro."



NO RECONCILIATION. Paano kung isang araw ay suyuin uli siya ni Geoff? Ano ang magiging reaksiyon niya?

"Alam naman niya yun," mariing sabi ni Carla.

"Kumbaga, he knows he has to give me also my space, my time.

"’Di makakatulong ’yan sa aming dalawa, sa aming pagmu-move on kung gagawin niya yun, ’di ba?

"Napag-usapan na namin ’yan."

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa kanilang paghihiwalay.

Gusto ng kanilang mga tagahanga na magkabalikan sila dahil bagay na bagay raw sila bilang mgkasintahan.

Nangingiting reaksiyon dito ng Kapuso star, "Siyempre, iba naman kasing Geoff and Carla ang nakikita nila kapag nasa harap kami ng camera noon.

"Iba naman kapag kaming dalawa lang, off-cam, kung ano ang nangyayari kapag kaming dalawa na lang.

"So, marami ang hindi alam kung ano ang... hindi kami laging happy-happy kumbaga.

"There are so many things na hindi alam ang public about us before.

"Kaya hindi totoo na kulang na lang sa amin noon ay kasal."


Kaya na ba niyang mag-isa ngayon?

Sagot niya, "Kaya naman na, kaya na.

"Basta mas dedicated ako ngayon sa work, mas ninanamnam ko ang pamilya ngayon at barkada.

"Kasi, yun nga, nawalan ka ng isang tao, bumuhos naman yung pagmamahal from other people."

IS IT TOM? Ang pagiging blooming ba niya ngayon ay dahil kay Tom Rodriguez, na siyang escort niya sa 1st PEP List Awards at nali-link sa kanya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi!" diin ni Carla.

"Kasi nga, we’re always seen together.

"Kasi halos isang taon na kaming magkatrabaho at kulitan lang kami nang kulitan.

"Ang kulit-kulit niya and we’re really good friends.

"At saka nasagot ko ’yan, na sabi ko, ’I see a possibility, pero ayaw namin.’

"Alam mo yun?"

Wala namang masama dahil pareho naman silang single ngayon, ’di ba?

"Ako, oo, ewan ko sa kanya," sabay nguso ni Carla kay Tom, na katabi lang niya habang nagaganap ang panayam.

"Hindi, my gosh, ang daming reason, hindi lamang ’sandosenang dahilan.

"Pero, no, he has nothing to do kung anuman yung pinagdaanan ko.

"Wala, wala talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN