Judy Ann Santos on Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli romance: “Respect the privacy that they want.”

Judy Ann Santos warns in connection with the constant badgering on the status of the Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli relationship: “Huwag masyadong i-pressure. Kung may pressure, may hindi masyadong magandang bunga."


Umiwas si Judy Ann Santos na magsalita tungkol sa larawan nila ng asawang si Ryan Agoncillo na kasama ang nababalitang magkasintahan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“Ayaw kong magsalita,” pakiusap ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na nag-interview sa kanya sa 1st PEP List Awards na ginanap kagabi, May 20, sa Solaire Resort & Casino.

Matatandaan na noong Linggo, May 18, ibinahagi ni Ryan sa kanyang Instagram account (thatsmytatayryan) ang larawan nilang apat.

Agad kumalat sa Internet ang larawang ito dahil na rin sa pagkaka-link ngayon nina Sarah at Matteo.

Ang sabi lamang ni Judy Ann tungkol dito, “Actually, dumaan lang sila because si Ryan and si Matt, nagti-training together.

“So, nagkita lang kami doon, siguro wala pang isang oras.”

Nang tanungin naman siya tungkol kina Sarah at Matteo, na bali-balitang may espesyal na relasyon na ngayon, sabi ni Judy Ann, “In fairness naman doon sa dalawa, wala naman puwedeng tulak-kabigin kasi they respect each other.

“Si Matt respects her parents so much. Ganoon din si Sarah, madaming kasama.

"Si Matt din, madaming kasama.”

Para kay Judy Ann, mainam na igalang na lamang muna ang privacy ng dalawa.

Aniya, “I believe [people] have to respect the privacy that they want because iyon lang naman ang gusto ng dalawang tao.

“If someday, kung anuman ang mangyari sa kanilang dalawa, e, di let them be. They deserve it.”

Dagdag niya, “Huwag masyadong i-pressure.

"Kung may pressure, may hindi masyadong magandang bunga.

“So, sana kung paano yung ibinigay na respeto sa amin before ni Ryan, hintayin natin.

“I’m sure time will come sasabihin din nila kung ano’ng dapat sabihin.”

HAPPY FOR SARAH. Samantala, masaya si Judy Ann sa anumang kaligayahang nararamdaman ngayon ni Sarah, na naging kapatid niya sa pelikulang Hating Kapatid (2010).

Sabi ng Kapamilya star, “Lagi naman akong kinikilig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, kung anuman, kung saan happy si Sarah, doon tayo magiging happy.”

Dagdag niya, “Si Sarah, in fairness, kahit kasama si Matt or hindi, Sarah is a happy person.

"Ayan ang puwede kong i-vouch.

“So, sobrang transparent ng bata, makikita mo sa mata niya kung masaya siya or malungkot.

“I guess there’s no reason to explain if she’s happy or not.”

Sa ngayon, sabi ni Judy Ann, “Basta masaya [si Sarah], nirerespeto siya at ang lahat.

“Matt is a good person. I can see na he’s really a good person.

“Maganda ang pagpapalaki ng magulang sa kanya.

“Kung ano man ang gusto nilang mangyari, hayaan natin.

"At time will come kung anuman ang dapat mangyari ay mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN