Ryza Cenon flattered that Ryzza Mae Dizon was named after her

Ryza Cenon says GMA Network will always be home to her. "Doon ako nabuo, e... siya ang nanay ko kasi siya ang nagpanganak kay Ryza Cenon kaya talagang mag-i-stay ako.”


Ang huling teleserye na ginawa ni Ryza cenon sa Kapuso network ay ang Adarna.

Sa ngayon, wala pa raw siyang balita kung ano ang susunod niyang gagawin.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Normal naman yung ganito na after mong gumawa ng isang soap, magpapahinga.

"Ganoon naman talaga yun.

“May time na kailangan mong mag-workshop o mag-adjust para sa panibagong show.

"So, ganoon po ang nangyayari sa akin ngayon.

"After Adarna, pahinga muna."

Nakausap namin si Ryza noong Linggo, May 18, sa Greens Vegetable Restaurant sa Quezon City.



THANKFUL. Sampung taon na sa showbiz si Ryza simula nang manalo siya sa second season ng reality show ng GMA na StarStruck.

Kung may nararamdaman man daw siya ay pasasalamat sa lahat ng mayroon siya ngayon.

Aniya, “Yung ten years po na yun, marami na rin naman akong nagawa, marami na rin akong natutunan from GMA.

“Nakaipon din naman po, nasa life insurance ko lahat.

"Parang yung ano kasi ngayon, mas tatagal yun lalo na kapag tumanda ako, mas kakailanganin ko talaga yun."

Sa loob ng sampung taon niya bilang Kapuso, ang GMA pa rin daw ang gusto niyang maging tahanan.

Sabi ni Ryza, “Doon ako nabuo, e.

“Kumbaga, siya ang nanay ko kasi siya ang nagpanganak kay Ryza Cenon kaya talagang mag-i-stay ako.”

RYZA-RYZZA. Ano naman ang pakiramdam niya dahil kapag sinabing "Ryza," ang naiisip agad ng tao ay ang child superstar at pinakabatang host na si Ryzza Mae Dizon.

Ano ang nararamdaman niya kapag sinasabing mas sikat ito sa kanya ngayon?

Nakangiting sabi ng aktres, “Okay lang, as in okay lang.

"Ang cute nga ni Ryzza at saka siyempre, magkaiba naman kami.

"Kumbaga, ako, matanda na ko.

"Siya, sobrang cute, sobrang bibo niya. At kahit ako, gusto ko siya.

“At nakakatuwa na ako pala yung pinaggayahan ng pangalan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nilapitan ako ng nanay niya sa Eat Bulaga! at sinabi na, ’Palagi kitang pinapanood sa StarStruck.’

“Sabi pa ng nanay ni Ryzza, ’Ikaw ang gustung-gusto ko kaya pinangalan ko si Ryzza sa ‘yo.’

"So, nakakatuwa lang at nakaka-proud na heto na siya.”

Alam ni Ryzza na sa kanya kinuha ang pangalan niya?

Sagot ni Ryza, “Yata, kasi may time na nandoon din si Ms. Kris Aquino, ’tapos sabi ni Ms. Kris, ikaw pala si Ryza. Ikaw pala pinagkuhanan ng name ni Ryzza.’

“Nakaka-proud lang kaya parang yung success nga niya, success ko na rin.”



WAITING. Kumusta naman ang lovelife niya?

“Wala pa, ayoko muna. Ang dami ko pang iniisip,” nakangiting sagot ni Ryza.

Kung ganun, ano ang status ng puso niya ngayon?

“Waiting,” natatawa niyang sabi.

“Mas maganda kasi na huwag mo na lang hanapin, maghintay ka na lang kung sino ang darating.

“At saka, masaya naman ako ngayon.

"Mas maganda na nagpo-focus ka sa sarili mo para mas mahalin ko ang sarili ko before ko mahalin ang iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN