Miguel Tanfelix has mixed emotions about lead role in Niño: "Masaya, excited, kinakabahan."

Miguel Tanfelix lists his showbiz crushes: Bianca Umali, Marian Rivera, Barbie Forteza and Bea Binene.


Dumating na ang pinakamalaking hamon sa showbiz career ng Kapuso teen star na si Miguel Tanfelix.

Siya ang bida sa bagong primetime series ng GMA Network, ang Niño, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, May 26.

Pahayag ng 15-year-old actor, “Para sa akin, ito na po ang pinaka-biggest break ko.

"Ito po, lead role [ko] ito at napakaganda ng show, marami ring bigating artista.

"Kaya para sa akin, napakagandang break ito na ibinigay sa akin ng GMA.”

Hindi raw inakala ni Miguel na makukuha niya ang lead role sa Niño, at nagulat nga raw siya nang malamang siya ang napili.

“Nagulat po ako siyempre, wow, parang ito na yun, lead role nga po.

"’Tapos, kinabahan po ako, first lead role.

“Kasunod po nun, nararamdaman ko na po ang pressure habang papalapit nang papalapit ang show.

"Basta, mixed emotions—masaya, excited, kinakabahan.

"Hindi ko po maintindihan ang nararamdaman ko, halo-halo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Miguel sa grand launch ng Niño kahapon, May 20, sa Studio 7 ng GMA Network.

CONFIDENCE. Buo ba ang kumpiyansa niyang ito na ang tamang oras na i-launch siya ng network sa isang lead role?

Tugon ni Miguel, “Ang sa akin po, sobrang pasasalamat ko po talaga.

"Grabe rin po kasi, ang tagal ko rin po itong hinintay.

"Matagal din po akong nabakante, mga pa-guest-guest din po.

“Ito na po yung lead role na hinihintay ng lahat kaya iga-grab ko na po ito at pagbubutihin ko.”

Si Miguel ay produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck Kids, kung saan naging runner-up siya. Ka-batch niya rito sina Bea Binene, Paul Salas, Sandy Talag, at Ella Guevarra.

Nag-audition daw si Miguel para sa lead role sa Niño katulad ng iba pang Kapuso stars, gaya ni Ruru Madrid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw puwede si Ruru sa role dahil Iglesia Ni Cristo ito. May kinalaman kasi sa Catholic faith ang istorya ng teleserye.

Wala naman daw isyu kay Miguel kahit na pang-ilang choice pa siya.

“Siguro po, tinitingnan ko po ‘to as blessing.

"Hindi ko po siya tinitingnan kung sino ang first choice, second choice.

“Basta sa akin po, ibinigay po sa akin ng Diyos bilang blessing, chance po.

"Para sa akin, yun po ang tinitingnan ko.”



ANOTHER BUDOY? May kakulangan sa pag-iisip ang karakter ni Miguel sa Niño. Pitong taon pa lang ang pag-iisip niya, ngunit ang edad niya ay nasa labinlimang taon na.

Pinaghandaan naman daw ni Miguel ang karakter niya rito.

Aniya, “Nag-observe po ako sa SPED [special education], pinapanood ko po ang I Am Sam ni Sean Penn, yun po.”

Pinanood ba ni Miguel ang Budoy, dating teleserye ni Gerald Anderson sa ABS-CBN kung saan gumanap ang Kapamilya actor sa role ng isang mentally-challenged.

“Dati napanood ko po siya,” nakangiting sabi niya.

Baka makumpara sila dahil parang may pagkakahawig ang karakter nila?

Sagot ng teen star, “Para sa akin po, mas nagiging excited po ako kung ma-compare man ako o hindi.

"Kung ma-compare man, parang mas magiging challenging pa po na pagbutihin pa po.

“Kung hindi man, okay lang din po sa akin.”

CRUSHES & IDOLS. Hindi naman daw masasabing loveteam silang dalawa ng kapwa niya GMA Artist Center talent na si Bianca Umali sa Niño.

“Wala pa naman pong love angle, parang best friend po at siguro po, crush ko po siya rito.”

Maraming beses na rin daw silang nagsama sa shows ni Bianca kaya kumportable raw siya rito.

Wala ba siyang crush kay Bianca sa totoong buhay?

Nakangiting sagot ni Miguel, “Hinahangaan ko po si Bianca, mabait, maganda po.

"At saka, masaya po ako kapag kasama ko siya, palagi po kaming tumatawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino pa ang showbiz crushes niya?

“Sinabi ko na nga po, si Bianca Umali.

"Hinahangaan ko rin po si Ms. Marian Rivera dahil sa pagiging maganda, mabait, napaka-propesyunal.”

Bukod dito, humahanga rin daw siya kina Barbie Forteza at Bea Binene.

“Kapag nakakasama ko po sila, sobrang mababait po silang talaga,” sabi niya.

Sino naman ang mga gusto niyang tularang artista?

“Kung sa tutularan po, sina Dingdong Dantes, Tom Rodriguez.

"At pagdating po sa pag-arte, gusto ko pong tularan si Sir Pen Medina.”

RENZ & JULIAN. Bago ang Niño, ang huling teleseryeng ginawa ni Miguel ay ang Basang Sisiw, pero sa mga huling episodes na siya pumasok.

Sa Mga Basang Sisiw naman, si Renz Valerio ang isa sa mga bida. Pero ngayon dito sa Niño ay susuporta na lang ito sa kanya.

Hindi ba nagkaroon ng isyu ito sa kanilang dalawa?

Sagot ni Miguel, “Hindi po, hindi naman po.

"At saka si Renz Valerio, parang siya po ang itinuturing kong best friend dito sa showbiz.

“Simula po noong mga bata kami, sobrang close na po kami.”

Si Julian Trono ay tila naungusan na rin ni Miguel, dahil ’tulad ni Renz, isa rin ito sa may supporting role sa Niño.

Sabi naman ni Miguel, “Si Julian po, isa rin po siya sa mga kaibigan ko.

"Kaya sa akin, hindi ko na po tinitingnan na ganun kasi baka makasira lang po sa amin.”

MATINEE-IDOL MATERIAL. Sa pamamagitan ng pagbibida ni Miguel sa primetime series, nararamdaman ba niyang posibleng ito na ang simula na makilala siya nang husto?

Nakangiting sagot niya, “Sana po, sana nga po ito na ang simula.

“Ito na rin po ang hinihintay ng lahat, yung lead role, kaya sana po talaga.

"Sana nga po ay ito na talaga.”

Pero aminado si Miguel na ninenerbiyos siya.

“Ninenerbiyos po ako lalo na at ‘eto na, papalapit na ang pag-showing ng Niño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, iniisip ko kung ano ba ang magiging feedback ng viewers.

“Nakahanda naman po ako sa mga criticism. Para sa akin, okay po yun para alam ko kung ano ang pagkukulang ko.

"At saka malalaman mo po kung ano ang ginawa mong mali at maitatama mo po yun.”

Gusto niya bang makilala bilang matinee idol?

Sagot ni Miguel, “Matinee idol? Okay po yun, maganda rin po yun.

“Pero sa akin po, kung ano po ang ibibigay ng GMA, tatanggapin ko po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN