Maegan Aguilar denounces dad Freddie Aguilar: “Nagsisisi ako na tatay ko siya.”

Maegan Aguilar explains why she regrets having Freddie Aguilar as her father: “I regret it, kasi hindi siya ’yung typical na ama na gagawin ang lahat para maging successful ang mga anak. He’s not that type of father.”


Hindi na nagpapigil ang singer na si Maegan Aguilar sa pagpapa-interview sa mga miyembro ng media hinggil sa sigalot nila ng amang si Freddie Aguilar—o kilala rin bilang Ka Freddie.

Unang lumabas ang isyung ito sa isang daily broadsheet noong Lunes, May 19, kung saan idinetalye ni Maegan na pinalayas siya—kasama ang kanyang partner at mga anak—sa bahay ng ama matapos ang kanilang pagtatalo na may kinalaman sa bulok na gulay at utang na nagkakahalaga ng P1,500.

Isa pang dahilan ng sobrang panggagalaiti ni Maegan sa ama ay dahil hindi raw inisip ni Ka Freddie na may tatlo siyang anak, kabilang na ang isang six-month-old baby.

Sa text message na ipinadala ni Ka Freddie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, May 19, sinabi ng music icon na hindi siya magsasalita tungkol sa isyu para na rin sa kapakanan ni Maegan dahil mahal niya ito.

Read: Freddie Aguilar keeps mum about daughter Maegan’s allegations: "My daughter, her partner, and all the other people living in my house know the truth."


FURIOUS MAEGAN. “Parang hindi na siya icon, parang hindi na siya Freddie Aguilar. Para na siyang squatter.

“Nagsisisi talaga ako na ipinagtanggol ko sila. Nagsisisi ako na tatay ko siya,” ito ang matapang na pahayag ni Maegan sa panayam na ipinalabas sa AksyonTV ng TV5 ngayong Miyerkules ng umaga, May 21.

Idiniin ni Maegan nagdesisyon siyang magsalita sa media para sa kapakanan ng kanyang maliliit na anak.

“Yung mga batang pinaalis niya sa bahay niya, sa poder niya dahil sa bulok na gulay at sa P1,500 ka-cheapan.

“I will risk it because of what he did to my children, kahit na tatay ko siya, kasi lolo ka na, bakit inuuna mo yung pagka-DOM [dirty old man] mo diyan sa asawa mo?”

Ang tinutukoy ni Maegan ay ang 16-anyos na asawa ni Ka Freddie na pinakasalan ng singer sa isang Muslim rite noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Maegan sa panayam na hindi sila pabigat sa poder ni Ka Freddie dahil ang partner niya ay may trabaho sa isang UK company at isang freelance graphic artist.


SINCE KA FREDDIE’S MARRIAGE. Vocal naman si Maegan na sinisisi niya ang asawa ni Ka Freddie sa pagbabago ng kanyang ama.

“It’s been fine since then, until this basura came along, so I really blame her for everything.

“But also I blame my dad for not seeing through her.”

Samantala, sa interview naman ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News kay Maegan noong Lunes, May 19, sinabi ng singer na nagsisisi siya na naging anak siya ng veteran singer.

“I regret it, kasi hindi siya yung typical na ama na gagawin ang lahat para maging successful ang mga anak.

"He’s not that type of father.

“Ang sa kanya, pahirapan niya kami, ’tapos tingnan natin kung sino ang makabangon, kung sinong magsu-survive.

"E, ako yung survive nang survive, so ako lagi yung tinatamaan ng mga ano niya,” sabi ni Maegan.

Ikinuwento rin ni Maegan ang masasakit na salitang binitawan ng ama sa kanya sa kanilang pag-aaway.

“E, ang huling sabi sa ’kin, ’Akala mo proud ako sa ’yo? Hindi. Ikaw ang pinakamasamang anak ko sa lahat.’

"Iyon ang sinabi niya. ’Lumayas ka dito!’"

Galit na galit daw at namumula ang kanyang ama habang sinasabi ang mga salitang iyon.

“Yun ang mga huling sinabi sa ’kin. So, yun ang mga mabibitbit ko.

"Hindi ko na maalala kung anong mga nangyaring maganda. Nakalimutan ko na."

Sana nga raw ay naging anak na lang siya ng kanyang Tita Marlene Aguilar, kapatid ni Ka Freddie.

“Kasi at least si Tita Lyn [palayaw ni Marlene] totoo, e.

"Si Tatay, kunwari dakilang ama. Hindi, e. Hindi, e. Kasi tingnan mo nangyari sa amin.

“’Di ba, kunwari, ’pag ’di ka um-agree sa kanya, out ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ito, bahay ni Kuya? Mas malala pa sa bahay ni Kuya.

"Bahay ni Ka Freddie, mas malala.”

Inilahad ni Maegan kung ano ang sitwasyon sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City.

“Fairview, kanya-kanya kayong pagkain kasi nila-lock na nila yung pagkain sa itaas, ganun.

“Oo, totoo, nakaranas na yung anak na makakain ng toyo with rice.

"Kasi siyempre, minsan ako, pagod ako, may mga tugtog ako. Nagtatrabaho din po ako, hindi po ako nakikitira lang, ’di ba?

"Kasi yung iba, sinasabi nakikitira ako, e, bahay ko yun, bahay ng tatay ko yun, e.

"Hindi ako nakikitira doon. May karapatan ako doon.

"’Tapos na sinasabi, yung asawa ko daw, ano ba daw yung asawa ko? May trabaho din siya.

"Siyempre hindi kayo aware dahil hindi namin kayo kilala,” ani Maegan.

Sabi ng 35-anyos na anak ni Ka Freddie, tumutulong siya sa pagpapatakbo ng bar ni Ka Freddie.

Bukod sa pag-aayos ng mga kailangan sa bar, tumutugtog din daw si Maegan sa bar ng dalawang beses sa isang linggo.

“I get barely P4,000 a month. That’s my salary with him. And I don’t complain kasi tatay ko siya.’"

Pagpapatuloy pa niya, “’Tsaka kaya ko naman kasi may mga ginagawa rin naman ako, ’di ba, may mga shows din naman ako na sarili ko.

"Pero iyon yung ’di ko maa-attain, ’di ba? Parang di ko ma-reach na bakit parang sa sarili naming negosyo, para kaming mga pulubi?

"’Tapos pagka minsan, sabi sa akin nung bartender namin doon sa Ka Freddie’s, ’A, wala tayong kita ngayon, lugi.’

"Wala pang ibibigay sa ’kin na pera. Ganoon na lang buhay ko sa tatay ko.

"’Tapos, yun nga, sitwasyon nga sa bahay, nila-lock ang mga pagkain. Wala kaming mga pagkain.

"Pinalitan yung mga ref sa bahay. Ganito na lang kaliliit.

"’Tapos yung malaking ref, inakyat niya sa kuwarto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag pumasok ka, nandoon lahat ng canned goods. Nandoon lahat ng supply.

"Hangga’t ’di sila bumababa, walang makakatikim na kung ano man ang nasaan sa taas."


“PSYCHOTIC BEHAVIOR.” Sundot na tanong kay Maegan: Baka isa lang itong “tough love” ng ama sa kanya?

Sagot ni Maegan, “It’s not even love. It’s some kind of psychotic behavior, I think. Kasi it’s demented.

“How can you send your grandkids... out on the streets? With your daughter? ’Di ako son, babae ako.

“Hindi kami nagpumilit tumira diyan kay Tatay. Siya yung nagpauwi sa amin.

"Kaya yung mga nagsasabi diyan na nakikitira ako, wala akong bahay...

"Meron. Meron akong bahay. Pinauwi lang ako ng tatay ko.

"Yung request lang niya yung sinunod namin.”

Nang matanong naman kung may mensahe ito para sa ama, tugon ni Maegan: “Wala... Wala. Goodbye. Good riddance. That’s it. I have nothing nice to say. Sorry.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN