James Yap willing to chaperone son Bimby to his shooting

James Yap on possibility of a reconciliation between him and ex-wife Kris Aquino: "Wala… naka-move on na lahat. I’m sure naka-move on na si Kris. So, ako, naka-move on na rin. I’m sure, happy na si Kris, happy na rin ako. Everybody happy."


“May magagawa ba ako?”

Ito ang natatawa at halatang nagbibirong reaksiyon ni James Yap tungkol sa paggawa muli ng pelikula ng anak niyang si Bimby Aquino Yap.

Matatandaan na noong 2013 ay ginawa ni Bimby, 7, ang My Little Bossings para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Nakasama niya rito sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at ang kanyang ina na si Kris Aquino.

Ngayon naman, kinumpirma na ni Kris na makakasama si Bimby sa sequel ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda. Ilalahok ito sa MMFF ngayong 2014.

Pero pagbawi naman kaagad ni James sa kanyang naunang pahayag, “But, of course, basta kung ano ang gusto ng anak ko, nandito lang ako para suportahan siya, ‘di ba?”

Dagdag pa niya, "Pero totoo ba yun? Confirmed? Good luck."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si James sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino, sa Parañaque City, noong Martes, May 20.

Si James ang nagwagi bilang PEPsters’ Choice Male Newsmaker of the Year.

Hindi ba kumonsulta sa kanya si Kris tungkol sa paggawa ng bagong pelikula ni Bimby?

Sagot ni James, “Huwag na, okay na yun.

May nasabi si Kris na baka hindi niya mabantayan si Bimby sa shooting ng Praybeyt Benjamin 2 dahil may gagawin din siyang pelikula na pang-MMFF—ang sequel ng horror movie na Feng Shui.

Handa ba si James na magbantay sa kanyang anak kung sakali?

Sagot niya, "Of course, walang problema yun.

“Kasi yung unang movie niya, kahit ni isang beses ay ’di ako nakapunta.

“Ngayon, kung puwede at kung papayag ang nanay niya…”

May plano rin daw ang Regal matriarch na si Lily Monterverde na pagsamahin silang dalawa ni Kris sa isang pelikula. Ano ang reaksiyon ni James dito?

“A, hindi… hindi ko alam. Wala pa sa isip ko ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako aarte, hindi ako marunong umarte."



KRIS’S LOVELIFE. Sa puntong ito ay kinuha ng ibang miyembro ng media ang reaksiyon ni James tungkol sa Instagram posts ng kanyang ex-wife na may kinalaman sa past relationships nito.

“Ha? Talaga? Hindi ko alam,” tila clueless na pahayag ng San Mig Coffee Mixers star player.

Hindi ba niya sinusundan ang Instagram posts ni Kris?

Mabilis niyang tugon, “Hindi. Huwag na, okay na yung...”

Marami raw followers ni Kris sa Instagram ang umaasang sila pa rin ni James ang magkatuluyan sa takdang panahon. Ano ang masasabi niya rito?

“A, ganun? Wala… naka-move on na lahat.

“I’m sure naka-move on na si Kris. So, ako, naka-move on na rin.

“I’m sure, happy na si Kris, happy na rin ako. Everybody happy.”

Ibig bang sabihin nito ay wala na siyang pakialam sa lovelife ng kanyang dating asawa?

Ayon kay James, “No comment ako diyan.

“May kanya-kanya na kaming life, pero masaya ako para sa kanya.”

Ano naman ang sinasabi ng kanyang current girlfriend na si Michela Cazzola tungkol dito?

“Hindi ko naman kailangang i-explain sa kanya.

“Actually, alam naman niya na naka-move on na lahat, so wala naman yun sa kanya.”

Sa tingin ba niya ay malapit na ang araw kung saan magkakakilala nang personal sina Kris at Michela? Gusto rin ba niyang mangyari yun?

Sagot ng 32-year-old basketeer, “Tingnan natin.

“Hindi maaaring ‘di mangyari yun—magkikita at magkikita talaga sila.”

Close na rin ba sina Michela at Bimby?

“Getting there,” matipid na sagot ni James.



NEWSMAKER OF THE YEAR. Samantala, hiningan ng pahayag si James tungkol sa tinanggap niyang award—ang PEPsters’ Choice Male Newsmaker of the Year.

Saad niya, “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ’no.

“Pero siyempre, nagpapasalamat ako sa mga naniwala, and then, nagpapasalamat din ako sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandiyan sila lagi na sumusuporta.”

Ibinabahagi ba niya ang award na ito kay Kris, na kahati niya sa mga malaking balita na gumulantang sa showbiz noong nakaraang taon?

Nakatawang pahayag ni James, “Kaya nga nandito ako ngayon, ‘no? Sige, kung gusto niyo, isi-share ko sa kanya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN