Julian Trono accepts ouster from Sunday All Stars; reveals fate of Mark Herras on the show

Julian Trono on reformatted Sunday All Stars: "Okay naman po. Safe, ‘di ba? Hindi, maganda rin naman. Yun lang, kumbaga, nakaka-miss din yung masaya yung production na madami."


Wala na ang teen actor na si Julian Trono sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars simula noong matapos ang Holy Week.

Ikinuwento ni Julian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya nalaman ang pagkawala niya sa show.

“As in nagkaroon na ng mga rehearsals, ‘tapos wala nang call at all.

“Miniting kami after nung Sunday, after ng last Sunday nun bago mag-HolyWeek.

“”Tapos parang sinabi nila magkakaroon ng changes, ire-reformat na, wala nang mga stuff na mga ganito, and stuff like that.

“So, kami, we’re expecting na kami pa rin. Kumbaga, magkakaroon lang ng reformat.

“But yun nga, e, with the complexities around, siguro nagkaroon ng changes... iyon.”

Ano ang “complexities” na tinutukoy niya?

Sabi ni Julian, “Baka madami kaming masyado or too crowded, hindi na rin ako nagtanong, kumbaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa presscon ng Niño noong Martes, May 20, sa Studio 7 ng GMA Network Center Annex Building.

NO HARD FEELINGS. Hindi raw sumama ang loob ni Julian kahit natanggal siya sa Sunday musical-variety show ng GMA.

“No! Actually hindi, kahit konti, no.”

Nalungkot siya?

“Nung ano pa, from Party Pilipinas to SAS… siyempre nalungkot ako.

“From Party Pilipinas to SAS… yung first season kasi ng SAS, wala ako.

“So, iyon, dun ako… hindi ako nagtampo, kundi medyo nalungkot.

“Kasi before, medyo bata-bata pa ako nun, more on friendship and all those stuff.

“E, ngayon kasi, more on practical.

“At least meron akong pahinga ng Sunday, so okay na lang din.

“’Tapos iyon, nalaman ko yung kay Herras!” natawang sabi ni Julian.

“Viniber ko siya kaagad, sabi ko, ‘Tay, ano, nabasa ko yung…”

Anak-anakan kung ituring ni Mark si Julian.

“Kasi nag-Viber siya, ‘O, anak, yung mga plano natin ng ano, gawin na natin every Sunday.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

‘O bakit?’ sabi ko, ‘May SAS, a?’

“Sabi, ‘Hindi, wala na ako sa SAS.’

“’Ha?! Ano nangyari?’

“Sabi niya, basahin ko daw yung blog, ‘tapos iyon, binasa ko yung blog.”



MARK’S SENTIMENT. Ang tinutukoy ni Julian na "blog" ay ang interview kay Mark na lumabas dito sa PEP, kung saan naglabas ng hinaing si Mark tungkol sa nangyaring reformat at tanggalan sa Sunday All Stars.

Read: Mark Herras complains about newbie actor James Reid’s attitude: “Ang ayoko sa lahat ng mga baguhan, yung hindi marunong bumati!”

Bakit nasabi ni Mark na wala na siya sa Sunday All Stars?

“Basta coming from nowhere, nag-text lang siya, kasi marami kaming mga plano, mga labas sana, kaya lang busy pa rin siya ngayon.

“So, iyon ang sinabi niya, ‘Puwede na nating gawin!’

“’Tapos sabi ko, ‘Tay, bakit mo ginawa yun?’

“Sabi niya na parang, ‘Yun nga, anak…’ parang maano lang din, parang nagtampo din siya.

“Medyo sumama yung [loob] niya dahil nga, dahil dun sa SAS, mas naging tight kaming lahat, e, ‘tapos biglang all of a sudden…

“Kung ano lang din yung sinabi niya dun sa blog.

“Sabi ko, e, di sana kineep mo na lang sa iyo para hindi na nagkaroon ng kung anu-ano pa.

“E, sabi niya, matagal na daw yun so… kaya sabi ko, ‘Malaki ka na, Tay, e, hayaan mo na ‘yan.’

Na kumbaga ay ginusto ni Mark na ilabas iyon?

“Ewan ko, basta parang matagal na niyang saloobin, na bakit ganun, natanggal.

“Kasi ang konti na lang nila, e. Even yung mga dancers, maraming nawala din. So, yun.”

So, wala na si Mark sa Sunday All Stars?

Tugon ni Julian, “Hindi ko po alam.

“Hindi na ako nagtanong. At least nagsabi siya sa akin, ‘O, gawin na natin yung mga…’

“Dun na, hindi na ako nagtanong at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro tinake ko na lang siya na, okay, baka pahinga lang muna siya or… hindi ko na po alam.”

Napapanood pa ba niya ang Sunday All Stars mula nang mawala siya sa show?

“Medyo busy every Sunday kasi church, pero iyon, ‘pag may time naman.

“Nakanood ako last time, okay naman.”

Ano ang komento niya sa reformatted show?

“Okay naman po. Safe, ‘di ba?” tawa niya.

“Hindi, maganda rin naman.

“Yun lang, kumbaga, nakaka-miss din yung masaya yung production na madami.

“So… oh, well.”

FROM LEAD TO SUPPORTING ROLE. Wala naman daw kaso kay Julian kung suporta lang siya ngayon ni Miguel Tanfelix sa upcoming primetime series ng GMA Network na Niño.

Ito ay sa kabila ng naging leading man na siya sa dating Kapuso primetime series na AnnaKareNina

Sabi ni Julian, “Sobrang okay po, kasi ano ‘yan, e, it’s an opportunity to expand my craft.

“And, at least, mapapraktis ko yung craft ko dito naman sa part na ito.

“’Tsaka kasi dun sa AnnaKareNina, more on kilig-kilig, loveteam-loveteam.

“So, for a change naman, mas inspiring, mas gusto ko din itong kind of plot.

“So, maiba naman, okay lang, okay lang.”

Hindi ba siya nainggit kay Miguel?

Tugon ni Julian, “Hindi po, hindi po. Hindi naman.

“Actually, kinongrats ko nga din siya.

“Kumbaga, opportunity niya yun, blessing niya yun.

“And hindi naman ako… for me ito, ha, alam mo yun, maiinggit or what.

“Kumbaga, meron akong own door to get out, ‘di ba, to shine.”

Mapapanood ang Niño simula sa Lunes, May 26, pagkatapos ng 24 Oras.



HAPPY HEART. Kumusta naman ang lovelife ni Julian?

Sagot ng 16-year-old actor, “Okay naman, masaya, masaya… Masaya po ako sa lahat.”

Sino ba ang girlfriend niya?

“A, basta masaya po ako.”

Pero may girlfriend siya?

“Meron po,” pag-amin niya.

Non-showbiz?

“Hindi ko po alam… Hindi po, basta… basta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ayaw niyang sabihin kung artista rin ang girlfriend niya?

Paiwas na sagot ni Julian, “I think so… friend lang, friend, ganun.”

Sino ang closest friend niya ngayon na babae?

“Naku, marami po akong close friends around.”

Nasa Niño ba ang babae na hindi niya maamin-amin?

“A, wala po.”

Nasa Sunday All Stars?

“Basta po…” at tumawa si Julian.

“Inspired lang ako to do my job more.

“Kumbaga, mas mag-expand dahil, you know, sa support of my family and some close friends.”

Ilang months na siyang inspired?

Tugon niya, “Years already.

“Pero wala lang, it’s just… I’m still young.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN