Enzo Pineda moving on after breakup with Louise delos Reyes: "I just have to move on and look for something better."

Kung sakaling magka-girlfriend ulit si Enzo Pineda, ito raw ang mga katangiang nais niyang makita: “I really love a woman who is intelligent and who has good values. And siyempre, dapat kilalanin din ang family, a good family background... And, of course, someone who is really sweet, caring, and someone I can learn from.”


Makalipas ang ilang linggo pagkatapos pumutok ang isyu tungkol sa breakup nila ni Louise delos Reyes, tila nakapag-move on na ang Kapuso young actor na si Enzo Pineda.

Isa si Enzo sa mga dumalo at nag-present ng award sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong Martes, May 20.

Nang pansinin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang masaya niyang aura ngayon, sinabi ni Enzo na masaya siya talaga ngayon.

Saan nanggagaling ang saya niyang ito ngayon?

Sagot ni Enzo, “Siyempre, after everything, I just realized that you should do the things that make me happy or what’s important, especially when it comes to my work, my dreams, my goals, and it made me…

“I mean, all the experiences I have for the past years made me a better, stronger person, to the point na I get that extra-confidence when it comes to handling life itself.”

Naging positibo ba ang epekto sa kanya ng breakup nila ni Louise?

“Well, siguro for me, things happen for a reason, and you really have to look at it in a positive way.

“I think, yes, it did, because it made me better and stronger person.

“Mas natuto ako when it comes to life and handling life itself.

“I mean, it’s not just about yung mga good times that you remember, but also the things that make you a stronger person.”



BEING PROFESSIONAL. Magkasama pa rin sina Enzo at Louise sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars. Kumusta na sila ngayon?

Sabi ni Enzo, “Okay kami, siguro I’m just being professional in terms of work. Work lang talaga...

“For me, I don’t want to think about it at may mga bagay na mas dapat akong intindihin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakasama pa rin ba sila?

“Yes, nagkakasama kami kapag Sunday All Stars.

“I’m just really focused pagdating sa trabaho at saka ang pinunta ko naman doon ay work.”

Diretsahan na naming tinanong si Enzo kung hindi ba siya nasaktan.

Ang lumabas kasi sa balita ay may relasyon pa sila ni Louise nang mabalita na nakipag-date ang young actress sa leading man nito sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica.

Read: Enzo Pineda confirms split with Louise delos Reyes: “Yes, break na po kami. Desisyon niya.”

Pag-amin ng 23-year-old actor, “Siguro tao lang tayo, of course, nasasaktan tayo.

“For me, inikot ko na lang yun in a positive things that will make me learn more about life and to handle life itself, yun lang yun.”

Kumusta naman sila ngayon ni Aljur?

“Okay lang naman… workmate!” natatawang sabi ni Enzo.

Hindi raw sila nagkakausap o nagkikita kahit sa Sunday All Stars, kung saan regular performer din si Aljur, dahil magkaiba naman daw sila ng segment sa show at magkaiba rin sila ng dressing room.

Ano ang masasabi niya sa mga nangyari?

Sagot ni Enzo, “Para sa akin, I didn’t take it lightly.

“Pero na-realize ko lang na hindi ko na kayang pag-initan masyado yun.

“Wala na, e. Ano pa ba ang ie-expect ko?

“I just have to move on and look for something better, ‘di ba?”



NO REGRETS. Umiwas naman si Enzo nang tanungin kung sa pakiramdam niya ay may “lokohang” nangyari sa pagitan nila ni Louise.

Aniya, “Siguro po, sila na lang ang tanungin niyo.

“I don’t wanna be talkative about it.

“For me, tapos na yun, e. I just wanna look forward to something new.”

Dagdag ni Enzo, “Para sa akin, it tested my patience and my strength and my values.

“Kung may mga ganoong nangyayari sa buhay mo, tini-test naman talaga, lalo na ni God and everyone around you, kung gaano ka talaga kalakas bilang tao at kung bibigay ka ba sa mga nangyayari sa ‘yo, parang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos tatlong taon din umabot ang relasyon nila ni Louise. May regrets ba si Enzo?

“I have no regrets, definitely,” mabilis niyang sagot.

“We had good times, good memories, and I’ve learned a lot of things.

“I’ve learned a lot, lalo na sa personality ko, when it comes to handling different situations.

“I mean, that’s the beautiful part of it.

“You get to discover something new all the time and, I mean, some things are not meant to be talaga, kaya ganun yun.”

Sa larangan ng pakikipagrelasyon, wala raw pagkakataon na pinagsabay niya ang dalawang babae.

“Ako kasi, when it comes to having a relationship, kung may girlfriend ako, may girlfriend talaga ako.

“Kung single ako, yun lang yun.

“I never cheated on somebody. I’m very faithful.

“Minsan, nakakatawa nga, kasi sobrang loyal kong tao, pero iba ang nakikitang perception sa akin, which is kinda funny.”

Nakangiting sabi pa niya, “Pero kilala ko naman ang sarili ko and I don’t want to do things that I will regret someday at parang ikakasama ng loob ko.”



WISHING LOUISE THE BEST. Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Louise, posible pa kayang magkabalikan sila o tapos na talaga?

Sabi ni Enzo, “I don’t know… let’s see. I really don’t know what to expect now.

“I mean, wala yun sa isip ko ngayon, but I guess I just wish her all the best.

“And when it comes to everything, you know, mas maging okay pa siya.”

Ibinigay ba ni Enzo ang lahat ng kaya niyang ibigay kay Louise?

“Definitely,” sagot niya.

“Ako, when I love someone, yun nga yun, usually ibinibigay ko ang lahat.

“Siguro ngayon, I’m gonna focus on myself.”

Pero may nami-miss ba siya kay Louise?

“Of course, a lot of things, especially the memories. I mean, it’s all about the memories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, parang tsine-cherish ko na lang yun, and that something happened, and I have to look for something new.”

Kung may maganda raw naidulot ang breakup nila ni Louise, ayon kay Enzo, nakilala niya kung sino talaga ang mga totoong kaibigan niya.

“There are people na hindi ko ini-expect na sila pala ang nagki-care para sa akin. And it made me value the people who really love me talaga.

“And I feel sad about it na may mga taong hindi ko napapansin before, pero sila pala ang nandiyan para sa akin.”

Bukod sa mga kaibigan, ipinakita rin ng mga magulang ni Enzo ang buong suporta ng mga ito sa kanya.

May pagkakataon pa ngang nagsalita ang ama ni Enzo na si Eric Pineda upang ipagtanggol siya.

Read: Enzo Pineda’s dad confirms third party in Enzo-Louise delos Reyes breakup

Sabi naman ni Enzo, “Happy ako at hindi ko talaga ini-expect.

“Kasi, when it comes to having problems, I don’t ask for help.

“Usually, ako mismo ang gumagawa, pero hindi ko talaga in-expect.

“Hindi ko talaga na-expect na sila rin pala yung tutulong para sa akin.

“At hindi ko rin naman mapipigilan because they are doing their part bilang isang magulang na pinuprotektahan ang kanilang anak.”

Patuloy niya, “Siguro, I’m thankful for it because it made me who I am right now.

“It made me more mature and more dignified na tao because of it.

“Parang yun na lang ang iniisip ko.

“Feeling ko ngayon, I’m wiser, stronger, and I know how to handle life itself now.”



GOOD COMPANY. Hindi naman itinanggi ni Enzo na kung may pagkakataon, lumalabas-labas siya kasama ang mga kaibigan at mga bagong nakikilala.

Aniya, “I’m surrounding myself with people who are good company.

“I can have beautiful, intelligent conversation with, yung ako naman ang matututo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I like it because I get to learn a lot of things, especially from different people.

“Hindi lang sa showbiz but also yung wala sa showbiz.”

Kung sakali at magka-girlfriend siyang muli, anong katangian ang hahanapin niya?

Sagot ni Enzo, “Siguro it doesn’t matter kung showbiz o non-showbiz, pero I really love a woman who is intelligent and who has good values.

“And siyempre, dapat kilalanin din ang family, a good family background.

“Siguro, isa rin yun sa importante sa akin.

“Family are important to me kaya plus point sa akin ang isang babaeng mahal na mahal ang pamilya niya.

“And, of course, someone who is really sweet, caring, and someone I can learn from.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN