Xian Lim does not mind being associated with Kim Chiu "for now"

While the success of his career is being associated with his team-up with Kim Chiu, Xian Lim says what’s important to him is that they make their supporters happy.


Hindi nababahala si Xian Lim kung patuloy na nauugnay ang tagumpay ng kanyang showbiz career sa ka-loveteam niyang si Kim Chiu.

Nagsimulang pumatok ang tambalan nina Xian at Kim sa 2011 primetime teleserye ng ABS-CBN na My Binondo Girl, at nasundan ito sa Ina Kapatid Anak noong 2013.

Parehong naging hit ang dalawang teleseryeng ito.

Tumabo naman sa takilya ang pelikula nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? noong 2013, at sinundan ito ng blockbuster ding Bride For Rent (2014).

Sa kasalukuyan, si Coco Martin ang kapareha ni Kim sa teleseryeng Ikaw Lamang, samantalang nakatakdang gumawa ng teleserye si Xian kung saan ang makakatambal niya ay si Jessy Mendiola.



FOR THE SAKE OF VIEWERS. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Xian sa launch ng kanyang second album na XL2, kaninang tanghali, May 22, sa McDonald’s Quezon Avenue branch.

Dito ay tinanong ang Kapamilya heartthrob kung ano ang masasabi niya sa patuloy na pagdidikit ng kanyang pangalan kay Kim.

Sagot ni Xian, “I’m very, very thankful dahil marami kaming napapasaya na tao, not only nung ginagawa ko pa lang yung Bride For Rent...

“Marami nang taong nagtatanong sa akin, even sa States, ’pag nagtu-tour kami, pati sa Europe, sinasabi ng mommies, ng maliliit na bata, ‘Bakit ganyan, ano bang ginagawa niyo? Bakit kami naaapektuhan ng ganyan?’

"But all we’re saying is nandito lang kami to spread joy, to spread happiness… basta nag-e-enjoy ang viewers.

“For now, siyempre natutuwa ako to be associated with Kim, I don’t mind.”

Dugtong pa ni Xian tungkol sa team-up nila ni Kim, “Nasa mindset ko naman na kahit kailan, we’re not gonna be a loveteam na forever, so okay lang naman.”

MOVIE TEAM-UP. Samantala, ibinunyag ng Kapamilya actor na may planong muli silang pagtambalin ni Kim sa dalawang pelikula; ang isa ay kasama si Ai-Ai delas Alas at ang isa naman ay pelikulang ididirehe ni Joyce Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May basbas na raw mula sa managing director ng Star Cinema na si Malou Santos na sabihin niya ito, pagkatapos pumirma ng two-movie contract ni Xian sa film arm ng ABS-CBN.

Hinahangad naman daw ni Xian na makilala siya bilang isang solong aktor at hindi bilang isang leading man lamang.

“Nakaktuwa naman siyempre yung minsan nakakabasa ka ng script, yung mga nabibigay sa aming script, katulad ng mga workshops, nakakatuwa isipin na magkaroon ka ng isang sariling show na ikaw ang title role.”

NEXT CAPTAIN BARBELL? Tinanong din si Xian kung may katotohanan ang balitang siya raw ang gaganap na Captain Barbell sa bagong version nito sa Kapamilya network.

Inamin naman ni Xian na sa social media ay ikinakampanya siya ng kanyang fans upang gampanan ang Pinoy superhero na nilikha ni Mars Ravelo.

Saad ng PEPsters’ Choice Male FAB winner, “May nakikita rin ako siyempre, mga online voting.

"Siyempre ang mga supporters, they really get excited to the point na gumagawa sila ng voting.

"Nakikita ko rin ang efforts and I’m sure excited sila makita ako on TV.

“Maraming salamat sinusuportahan nila ako do’n.

“Siyempre, ako, why not? Isang dream role ‘yan kahit sa sinong aktor.”

Handang-handa raw si Xian kung siya man ang mapiling gumanap na Captain Barbell.

SECOND ALBUM. Very proud naman si Xian dahil sa kanyang pangalawang album, ang XL2, under Star Records.

Karamihan daw sa mga mga kanta niya rito ay orihinal, maliban sa revival ng “Si Aida, Si Lorna O Si Fe” na orihinal na kinanta ni Marco Sison noong 1980s.

“Gusto ko lang magpasalamat sa Star Records, seeing all the success, nagbubunga na siya.

“It makes me realize that I’m closer to my goal na sana magkaroon ako ng concert.

“Sana one of these days, ma-achieve ko rin yung ganoong level of performance,” sabi ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN