Patricia Javier wants to disassociate herself from Cedric Lee issue

Patricia Javier on posing again for FHM: "Parang I feel na nagawa ko na iyon, e. This time, gusto ko naman ay ibang projects naman ang gawin ko. So, this time muna, since I have kids na, I’m really graduate na from that, e."


Nagbabalik-showbiz ang sexy actress na si Patricia Javier.

Si Patricia ay nagbida noon sa sexy films na Ang Kabit Ni Mrs. Montero (1999) at Unfaithful Wife 2 (1999).

Ang huling pelikula niya ay ang Operation: Balikatan na pinagbidahan nina Eddie Garcia at Rey Malonzo noong 2003.

Pansamantalang iniwan ni Patricia ang showbiz nang magpakasal siya sa American chiropractor na si Robert Walcher III noong 2009.

Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki—sina Robert IV, 7, at Ryan James, 2—at masayang namuhay sa San Diego, California.

Bakit siya nagdesisyong bumalik sa showbiz?

Sagot ni Patricia, “Kasi, si Boss Vic del Rosario, siya ang nag-encourage sa akin na magbalik-showbiz. Kaya nag-sign ako sa Viva for a three years contract.

“Sila po ang magha-handle ng career ko talaga.”

Ibig bang sabihin nito ay sa Pilipinas na siya muling maninirahan?

“Yes, magbe-base ako dito. Pero half of the year, kung walang work ay balik sa States.

“Pati yung family ko, they’re coming here naman.”

Ano ang sinabi ng mister ni Patricia sa pagbabalik-showbiz niya?

“Very supportive siya sa akin, kasi sabi niya… he’s also open naman ngayon na bumalik ako dito dahil gusto namin na lumaki ang mga anak namin dito.

“Para matuto na mag-Tagalog, iyong ating values… parang gusto kong ma-experience nila iyon.

"Kasi, anytime naman, we can just go back sa States, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patrcia sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong May 20, Martes.

SHOWBIZ INTRIGUES. Sanay pa rin ba siya sa intriga sa showbiz? Hindi kaya manibago siya sa intriga?

Sabi ni Patricia, “Hindi naman po, kasi ako naman po, kapag may intriga, hindi ko naman masyadong dinadamdam iyon, e.

“Parang it’s part of our job or work na maintriga talaga kami.

“Sabi nga, hindi ba, ‘Habang binabato ka, ibig sabihin ay bumubunga ka pa.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi ni Patricia na gusto niyang ma-interview ulit siya ni Kris Aquino.

“Kasi, sobrang like na like ko siya. Kapag napapanood ko siya sa TV sa US…

“Alam mo iyon, sobrang totoo siya kapag nagsasalita… walang preno!”



CEDRIC LEE. Lately ay napag-usapan ulit si Patricia dahil sa dati niyang nakarelasyon na si Cedric Lee, ang negosyanteng naka-detain ngayon dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.

Ano ang masasabi ni Patricia rito?

“Iyong pagkaka-connect ng pangalan ko kay Cedric? Sa akin po, wala na po akong masasabi diyan, kasi that’s my past na, ayaw ko na pong balikan.”

Ano ang naramdaman ng aktres nang madawit ang pangalan niya pagkatapos pumutok ang isyu ng pambubugbog ng grupo ni Cedric kay Vhong.

Aniya, “Ang naisip ko, parang… wala, siyempre nalungkot.

“Siyempre, kahit naman hindi mo na siya karelasyon, siyempre ay nagkaroon kayo ng past… siyempre parang ano ka pa rin, parang, ‘O, wow, bakit nangyari ’yon?’

“’Tapos kay Vhong naman, I feel bad for him, sa nangyari sa kanya, yung trauma nun.

“Nabigla ako sa nangyaring ’yon.”

Ano naman ang masasabi niya sa pagkatao ni Cedric? May usap-usapan kasi noon na bayolente at nananakit diumano ang negosyante.

Ayon kay Patricia, “Ang masasabi ko, kasi noong time na nakasama ko siya, wala naman akong nakitang ganyan sa kanya.

“Noong naging kami ay okay naman, e.

“Pero siyempre, people change, hindi ba? So, baka ngayon ay nagbago na siya or ano…

“Hindi ko naman po iyon na-experience, hindi naman po sa akin nangyari iyon.

“Dahil siguro, iyong time na iyon ay baka mas good boy pa siya!” tawa pa niya.

Totoo ba ang napabalita na kaya siya nagpunta noon sa Amerika ay dahil sa banta diumano ni Cedric laban sa kanya?

Pahayag ni Patricia, “Noong time po na iyon? Sabi ko nga po, ‘di ba, ayaw ko nang balikan iyon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ayaw ko nang mapasali kung anuman ang mayroon siya ngayon, e.

“Ayaw ko na pong mag-comment ukol sa intrigang iyan.”

Dagdag niya, “Noong nagpunta ako sa States, matagal na kaming hiwalay, e.

“So, it’s a blessing na nakilala ko ang asawa ko, dahil talagang nakahiwalay ako doon sa ganoong sitwasyon.”



COMEBACK MOVIE. Inusisa rin ng PEP kung ano ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik-showbiz.

“Very excited but, at the same time, kinakabahan din dahil siyempre ay hindi ko rin alam kung ano ang magiging response ng mga tao.”

Ang magsisilbing comeback project ni Patricia ay ang indie film na Separados, entry sa Cinemalaya 2014.

Makakasama niya rito sina Ricky Davao, Alfred Vargas, Anjo Yllana, Jason Abalos, Erik Santos, at Victor Neri.

“Ako po iyong best friend doon ni Ricky Davao. Opo, bading siya rito. Sa akin bale siya magtatapat ng kanyang secret,” paglalarawan ni Patricia sa kanyang role.

Comedy ba ito?

“I think it’s everything—comedy, drama… Kasi, six silang separados dito na iba-iba ang kuwento ng buhay nila.

“This is directed by Direk GB [Sampedro].”

Nabanggit din ni Patrcia na gusto niyang sumubok sa kontabida roles dahil naniniwala siyang challenging ito.

Aniya, “Siguro ngayon, gusto ko ang maging kontrabida, iyong mga villain na role.

“Feeling ko kasi, mas challenging iyon.

“And kasi, iyong mukha ko, mukhang ano kasi, parang maamo yata iyong mukha ko.

“Gusto ko namang ipakita kung paano ako maging kontrabida.

“At saka usually, hindi ba, kapag kontrabida ka ay marami ka laging project? Marami ka laging trabaho, hindi ba?”

Game ba siya ulit magpa-sexy at mag-pose sa men’s magazines?

Sabi ni Patricia, “Kung aalukin ulit akong mag-pose, like sa FHM? Ang masasabi ko ay it’s so flattering for me…

“Kaso nga lang, ngayon, parang I feel na nagawa ko na iyon, e.

“This time, gusto ko naman ay ibang projects naman ang gawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, this time muna, since I have kids na, I’m really graduate na from that, e.”

How about sa movies?

“Kung medyo sexy lang, okay lang iyon, huwag lang nude.

“Kung kissing scene, siguro ay okay lang din, huwag lang yung masyado o sobra naman!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN