Laguna Governor ER Ejercito to answer issues about his ouster in a press conference

Nakatakdang humarap sa media ngayong hapon, May 23, si Laguna Governor ER Ejercito upang sagutin ang isyu tungkol sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na pababain siya mula sa kanyang puwesto na resulta ng overspending case niya sa kampanya noong May 2013 elections.


Sa pamamagitan ng isang press conference ngayong hapon, May 23, sasagutin ni Laguna Governor ER Ejercito ang isyu tungkol sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na pababain siya mula sa kanyang puwesto na resulta ng overspending case niya sa kampanya noong May 2013 elections.

Nakaabang ngayon sa Provincial Capitol ng Laguna, sa bayan ng Sta. Cruz, ang mga reporter at crew ng lahat ng major television networks para sa presscon ni Ejercito.

Samantala, gabi-gabi naman ang vigil ng supporters ni Ejercito sa Cultural Center ng Laguna, sa Provincial Capitol compound, mula nang ilabas ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes ang desisyong paalisin sa puwesto ang incumbent governor ng Laguna.

Nakatira ngayon si Ejercito sa old Capitol building ng Laguna at bantay-sarado ang mga gate. Dalawa lang ang bukas na daan para sa mga pumapasok na tao at sasakyan.

Umaalis lamang si Ejercito sa old Capitol building kapag mahalagang-mahalaga ang mga pupuntahan niya.

Inaasahan na lalong darami ang mga nagtitipon na supporters ni Ejercito sa harap ng Provincial Capitol building kapag hindi lumabas ang Temporary Restraining Order (TRO) na hinihiling niya mula sa Supreme Court.

Nagsalita si Ejercito na ipaglalalaban niya ang karapatan bilang duly-elected governor ng Laguna hanggang sa huling patak ng kanyang dugo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN