Sheryl Cruz hopes to work with Romnick Sarmenta anew

Sheryl Cruz shares some tips for new songwriters: “Kailangan lang ng tiyaga at dedikasyon sa trabaho. Kailangan mong mahalin yung trabahong pinasok mo para makapag-perform ka ng maganda."


"No time for love" ang motto ngayon ng actress-singer na si Sheryl Cruz.

Busy raw kasi siya sa promotion ng kanyang album na Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin under Striking Stars Concepts Inc.

Sabi ni Sheryl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang lovelife, zero pa rin until now.

"Actually, puro trabaho ako ngayon.

"I do a lot of friends, sila ang lovelife ko."

May mga nagpaparamdam ba sa kanya?

Sagot niya, “Meron, pero I don’t really take it seriously. Mas gusto ko kasing mag-focus sa trabaho ngayon."

Taga-showbiz ba ang mga ito?

Sagot ni Sheryl, “In and out showbiz.

“Ang hirap lang kasi today, lalo na’t katulad ng sinabi ko na magiging busy ako sa new album ko.

"I will be travelling a lot kaya mahirap magpakaseryoso pagdating sa mga manliligaw.

“I want to give may time kasi sa album ko, sayang naman kasi if hindi ako magpo-focus dito.

"I do group dates together with my friends, hindi yung solo lang kami."

Hiwalay na si Sheryl sa dati niyang asawa na si Norman Bustos, kung saan mayroon siyang isang anak na babae.



ROMNICK SARMENTA. Samantala, hindi pa rin daw sila nagkakausap ng dati niyang ka-loveteam na si Romnick Sarmenta para sana sa kanilang reunion project.

Isa sa pinakasikat na tambalan noong late ’80s hanggang early ’90s ang kina Sheryl at Romnick sa bakuran ng Seiko Films.

Ayon kay Sheryl, “Sa kasamaang-palad, hindi, pero maraming mga taong gusto kaming pagsamahing muli.

"Kaya lang, hindi talaga magtugma yung schedules namin.

“May mga insidenteng ’pag may kukuha sa amin, if puwede ako, hindi siya puwede.

"Or kung puwede siya, ako naman yung may ibang trabaho. Kaya hindi talaga magtagpo yung schedules namin.

“Kaya nga para sa mga fans namin, tina-try ko yung best ko, kaya lang hindi talaga magtagpo ang mga oras namin. Huwag silang mawalan ng pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who knows, bigla kaming maging libre if may kukuha sa amin para pagsamahin sa isang show."

Nasorpresa at natuwa raw si Sheryl na noong ma-feature siya para sa Tunay Na Buhay ng GMA ay nagpa-interview si Romnick.

CO-TRIPLETS. Kung may reunion mang naganap, ito ay ang pagsasama-samang muli nina Sheryl, Manilyn Reynes, at Tina Paner sa Sunday All Stars.

Kilala noong ’80s ang kanilang grupo bilang Triplets

Sabi ni Sheryl, “Nagpapasalamat kami sa GMA-7 kasi binigyan nila kami ng pagkakataong magkasama muli nina Mane at Tina.

“Kahit papa’no, pinapaunlakan nila ang kanilang mga manonood na nagre-request na magkasama-sama kaming muli at makitang nagpe-perform.

“Bale two consecutive Sundays na kaming guests sa Sunday All Stars, kaya naman thank you thank you very much talaga sa GMA-7."

LONG WAIT. Tatlong taon daw naghintay si Sheryl para sa kanyang bagong album.

“Pero sa time na yun, hindi naman ako huminto sa pagsusulat ng kanta.

“And ngayon nga, I’m coming out with an album titled Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin.

"All of the compositions here are OPM. Dalawang compositions dito ay ginawa ko ang lyrics—one in English and the other is Tagalog.

“Yung kantang ’Mananatili’, gawa ko yun. Yung isa naman, yung ’The Last To Know’, kinanta naman namin ni Sunshine [Cruz, her cousin].

“Yung ’Somewhere In My Past’ na revival song na pinasikat ni Ate Julie Vega, ginawa naming RnB/pop ni Mon del Rosario... siya ang aking producer sa aking album.

“Yung iba pang song, ’Habang May Buhay’, it’s a composition para sa mga taong ikakasal.

“At meron pa akong tatlong kanta dito na pina-translate ko sa Japanese, kay Junichi Motojima.

“And it will be out in the market in the first week of June sabay ng paglabas ng MTV ko.

"Kaya naman excited na excited na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SONGWRITER. May anim na taon nang gumagawa ng mga kanta si Sheryl. May inspiration ba siya sa pag-compose ng kanta?

Sabi ng 40-year-old actress-singer, “Actually, 2008 pa lang nagsusulat na ako.

"Siguro what inspires me is ’pag may pinagdadaanan ka.

“Alam mo yung masakit na pinagdadaanan, marami kang puwedeng gawin para maka-recover.

"Kaya ang puwede mong gawin ay magsulat at pagpi-play ng piano.

“Like yung ’Joy’ na isinulat ko para sa anak ko [Ashley].

"At yung ngayon naman, yung ’Mananatili.’ Siguro alam niyo na kung para kanino yun.

“Siguro the more experience you have, the better you’ll be in writing songs.

"I have a total of eighteen songs na sarili kong compositions sa FILSCAP [Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, Inc.].

“I thought it will never be heard, pero finally, ito na, nakasama na sa 10-track album ko yung songs ko.

"I have other songs pa na puwede ding isama sa mga susunod ko pang album."

TIPS. Nagbigay rin ng advice si Sheryl para sa mga baguhang singer-performers.

Aniya, “Dapat i-build up muna yung self-confidence.

"Kasi habang nagsisimula kayo, minsan nandiyan ’yan, minsan nawawala.

"Pero the more you practice the better. Kailangan lang ng tiyaga at dedikasyon sa trabaho.

"Kailangan mong mahalin yung trabahong pinasok mo para makapag-perform ka nang maganda.

“Kailangan din na professional ka sa lahat ng bagay, especially sa oras. Hindi ka dapat nagpapaantay ng katrabaho.

“And, of course, you have to be nice to everyone, kailangan mahusay kang makisama.

"Sa lahat mapa-co-artists mo ’yan o mga tao sa production."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN