Alwyn Uytingco advises girlfriend Jennica Garcia to stay positive while waiting for offers

Alwyn Uytingco says girlfriend Jennica Garcia is thinking of her next career move while she still has no offer to renew her contract with GMA Network.


Ayon sa Kapatid star na si Alwyn Uytingco, pinag-iisipan ngayon ng kanyang girlfriend na si Jennica Garcia kung ano ang magiging susunod na career move nito.

Nag-expire na kasi ang kontrata ng 24-year-old actress sa GMA Network at wala pa itong natatanggap na contract renewal hanggang ngayon.

Ani Alwyn, kung naapektuhan noong una si Jennica dahil wala pang offer ang dating home network, mas nalinawan na ngayon ang aktres at ginagawang abala ang sarili sa ibang bagay, gaya ng online business nitong cat-food products at baked products.

Read: Jennica Garcia gets advice from mom Jean Garcia about being a freelancer

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Alwayn sa set visit ng ongoing teleserye niya sa TV5, ang Beki Boxer.

Kasama niya rito sina Vin Abrenica, Joross Gamboa, Danita Paner, Claire Hartell, Candy Pangilinan, at Christian Vazquez.



OPEN ARMS. Nitong mga nakalipas na ilang araw ay napanood si Jennica sa late-night gag show ng ABS-CBN, ang Banana Nite.

Natanong kay Alwyn kung nangangahulugan ba itong lilipat na sa Dos ang kanyang girlfriend.

Sagot niya, “Guest siya... as of now, technically, freelance siya.”

Pero nilinaw ng aktor na hindi pa lilipat ng Kapamilya Network si Jennica.

Dagdag ni Alwyn, “Nag-iisip pa siya ng bagong magiging strategy sa career.

“Right now, tinatantiya pa niya.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kung ’di ka man ma-renew ng GMA-7 ngayon, maybe not today, not anytime soon, but in the future.

"Kunwari magkaroon ng opportunity sa GMA, huwag nang [magdalawang-isip]. Open arms ka lang palagi.

"’Di natin alam kung ano plano sa ‘yo ni Lord… kung magre-reign ka sa Dos, TV5, o magre-reign ka sa kusina sa pagbi-bake mo.’”


BUSY ALWYN. Sa parte naman ni Alwyn, tatlo ang shows niya ngayon sa TV5—Beki Boxer, Tropa Mo Ko Unli, at ang upcoming TV series ni Jasmine Curtis Smith na Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, sinisikap pa rin niyang magkaroon sila ng oras ni Jennica.

“We make time. Basta ’pag may time, lalabas kami, kakain kami, sabay kaming mag-church.”

Dahil kailangan din sa kanyang role sa Beki Boker, kung saan gumaganap siyang gay boxer, madalas mag-train si Alwyn ng boxing.

Naging bahagi na nga raw ng kanyang routine ang pagti-train kaya naman kahit matapos na ang teleserye ay balak niya itong ituluy-tuloy.

“After nito, magti-train na po ako ng mixed martial arts, ‘yan na po ang plano ko. Magre-wrestling na ako, magki-kickboxing na ako.

“’Tsaka kausap ko na po yung gym na nagtuturo sa akin, gusto nila akong turuan mag-wrestling.

"Sabi ko, okay lang po sa akin ’yon basta turuan nila ako ng Muay Thai."

Tinukso si Alwyn kung maganda na ba ang kanyang katawan ngayon, pero sinabi niyang medyo mahirap, lalo pa’t halos araw-araw ang kanyang taping.

“Mahirap talaga kapag wala kang rest, ’tsaka hindi siya tuluy-tuloy.

“Like ngayon, I’m doing M-W-S [Monday-Wednesday-Saturday] sa Beki Boxer.

"Thursday sa Jasmine, sa Friday sa Tropa Mo Ko Unli.


"So, bakante kong araw, Tuesday. And ’pag Sunday, sarado yung gym, so Tuesday lang ako makakapag-train.”

Binabawi na nga lang daw niya sa diet.

“Bawas sa kanin. Sobrang payat ko nung nagsimula kami. Two months akong nagti-train at naging 145 lbs ako.

“Kaso nung wala nang training, napupuyat ka, uminom ka ng kape, kakain ka ng midnight snack…

“Ngayon, tina-try naming i-balance lahat.

"Pati yung Jasmine o Tropa… maaga akong pauuwiin para makapagbuhat, para makapagpahinga.”

Dahil sa physical training niya sa pinagbibidahang teleserye, marami raw natutunan si Alwyn, gaya ng disiplina at patience.

“And yung respect kina Manny [Pacquiao] at yung mga boxers natin.

“Kailangan natin silang respetuhin. Iba yung training na ginagawa nila.

"Whether manalo sila o matalo, the point is nag-strive sila na mag-compete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And iba yun, e, hirap nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN