Sam Milby reveals Sandara Park personally invited him to watch 2NE1 concert

Ngayong araw, May 23, ay ipinagdiriwang ni Sam Milby ang kanyang 30th birthday. Kung sakali raw, sana ay makahanap na siya ngayong taon ng babaeng makakasama niya habambuhay. Aniya, “Magti-thirty na ako, kung sino ang next na magiging next girlfriend ko, yun na ‘yon, siya na ang babaeng pakakasalan ko. I’m a little picky but, sana this year, I’ll be praying to meet that one.”


Naging viral na ang video kung saan nag-lap dance ang mga miyembro ng Korean pop group na 2NE1—sina CL, Park Bom, Minzy, at Sandara Park—sa concert nilang AON (All Or Nothing) sa Mall of Asia Arena noong May 17.

Special guests sa naturang production number ang Kapamilya actors na sina Sam Milby, Joross Gamboa, at Jason Abalos, at ang G-Force dancer na si Ram.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Sam noong nakaraang Linggo sa ASAP, ikinuwento ng aktor ang karanasan niya sa naturang concert.

Sabi ng Dyesebel actor, “Wala, I was just invited to come and watch their concert.

“Wala akong masyadong alam sa K-pop, so I was pleasantly surprised na sobrang dami ng mga tao, sobra ang energy, grabe! Ang galing nila!

“Nung nandun ako, si Jason Abalos, Joross Gamboa… kaming apat umakyat sa stage, mabilis lang, mga one minute lang.

“Isa-isa nag-lap dance, simpleng lap dance lang, sa akin si Sandara.

“May video, puwedeng panoorin ninyo.

“Nakakatuwa, it was fun naman. Wala kaming ginawa, nakaupo lang.

“And I have to admit, wala akong alam sa K-pop… wow! Wala silang bands, ang mga fans, sobrang taas ng energy.”

INVITED BY SANDARA. Si Sandara raw mismo ang nag-imbita kay Sam sa concert.

Kuwento ng aktor, “Hindi kami close… si Sandara, actually, she invited me.

“Si Pratty [John Prats], super-close niya. Kami, we’ve never given a project together.

“Actually, nagulat ako na in-invite niya ako. She direct message me in Twitter.

“And Teacher Georcelle is also ka-close niya, so ayun.

“I had time naman… ang plano ko, daan lang.”

Hindi kaya may crush sa kanya si Sandara kung kaya’t inimbita siya nito?

Sagot ni Sam, “I wouldn’t know, but I find her extremely nice.

“Lahat ng tao nagsasabi na hindi siya nagbago ever since. Napakabait and I think clean-living siya, that’s one.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaari kayang simula na ito ng pagiging malapit nila ni Sandara?

“I’d love to be... siyempre she’s beautiful, she’s nice. She has a great personality.

“I don’t know her that well, pero nagagandahan ako sa kanya.”

Dagdag niya, “We don’t text, that’s through Twitter…

“We didn’t have chance to talk or anything.

“Sa stage lang kami nagkita, yun lang, wala pang one minute.”



BIRTHDAY BOY. Ngayong araw, May 23, ang 30th birthday ni Sam.

Inamin ng Kapamilya actor-singer na gusto niyang magkaroon ng isang seryosong relasyon na maaaring mauwi na sa pagpapakasal.

“I’m happy, I’m very content,” sambit niya.

“Sana this year din, kasi uso ngayon ang daming nag-e-engage, kasal.

“Ako sana, ako this year, it’s my year to find…

“Magti-thirty na ako, kung sino ang next na magiging next girlfriend ko, yun na ‘yon, siya na ang babaeng pakakasalan ko.

“I’m a little picky but, sana this year, I’ll be praying to meet that one.”

Hindi ba siya naiinggit sa ibang mga kaedad niya na lumagay na sa tahimik?

Sabi ni Sam, “Hindi naman inggit, it makes me excited.

“I would admit na sometimes... siyempre lahat ng kaibigan ko engaged na or may asawa na, ako laging third wheel.

“But I don’t want to pressure myself.

“I’m only 30, alam ko na darating din naman ang babaeng nakalaan para sa akin.”

Patuloy niya, “A lot of times it doesn’t work out.

“As a guy… it’s the guy who makes the effort but, at the same time, it’s more of prayer.

“I believe when the time is right, the right person will come into my life, it will just happen.”



ANNE CURTIS. Nanood din si Sam sa nakaraang concert ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum, at nagkaroon din daw siya ng special appearance dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, hindi ako guest, pero parang spontaneous guest… I don’t know, biglaan.

“Si Billy kasi inispoof niya ako, ginaya niya ako. Nandun ako sa audience, so ayun.”

Totoo ba ang balitang hindi raw gaanong tinao ang nakaraang concert ni Anne?

Sagot ni Sam, “Marami naman, maraming tao.

“Hindi ko naalala yung first, e. Nag-guest ako sa first, pero ang tagal na nun... two years?

“Ako, like, mga 80 percent, madaming tao talaga.”

Naiintindahan naman daw ni Sam kung marami pa ring fans ang boto sa kanya para kay Anne, sa kabila na may iba nang boyfriend ang aktres sa katauhan ni Erwan Heussaff.

Aniya, “For me, that’s expected naman.

“Kasi yung mga fans, nasaksihan din nila ang love story namin from Maging Sino Ka Man.

“Yung love story nila [Anne and Erwan], it’s private, they don’t know much about her relationship with Erwan.

“So, I understand if they are more supportive on me ‘coz they know me ever since Maging Sino Ka Man, and it was like eight years ago.

“Ever since naman, they are supportive sa aming dalawa.

“Of course, yes, I respect their relationship.

“I believe magpu-four years na sila soon, yung relationship nila.”



BANGS GARCIA. Samantala, sa isang interview sa Kapamilya actress na si Bangs Garcia ay inamin nitong muntik na silang maging ni Sam.

Pero dahil sa pagpasok ni Sam sa Pinoy Big Brother ay naudlot ang special relationship na ito.

Hindi naman itinanggi ni Sam ang tungkol sa naging pahayag ni Bangs.

Saad niya, “Totoo naman, bago ako pumasok sa PBB house, nagde-date kami.

“Yung endorsement ko dati, there was a contest na sumali siya.

“Pagkatapos dun, nag-date kami, ‘tapos ayun, pumasok ako sa PBB house.

“We didn’t become officially together and that was nine years ago.

“Naging sobrang busy rin siya sa contest, so one week bago ako pumasok sa PBB house, we’re not talking that much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We stopped talking before PBB.

“Kung naging kami, iba naman. Bata pa kami nun…

“Parang friends na lang ang tingin namin sa isa’t isa.

“Reminiscing about yung dati, nakakatawa lang, enjoy lang yung reminiscing, pero hindi naman kinikilig.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN