Bianca Umali inspired by career story of Marian Rivera

Bianca Umali is a 14-year-old orphan whose early career in showbiz is already being marred by intrigue. She is not a snob as others claim: “Siguro po, more on mahiyain po ako kasi. Hindi po ako marunong masyadong mag-approach ng tao. At hindi ko rin po kayang mag-start ng conversation.”


Sa edad nitong 14 ay parang dalaga nang tingnan ang Kapuso teen star na si Bianca Umali.

Natural ba talaga sa kanya ang mukhang dalaga o kailangan lang niyang mag-ayos dalaga dahil nasa showbiz siya?

“Hindi naman po, ganito po talaga ko,” paliwanag ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng Niño sa GMA Network Center noong May 20.

Consistent naman si Bianca sa pagsasabi na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang gusto niyang makasama sa mga susunod niyang proyekto sa GMA.

Aniya, “Nakasama ko na po siya before, pero extra lang po ako noon, sa Darna.

"Pero gusto ko po siyang makasama at makabatuhan po ng lines.”

Bakit si Marian ang gusto niyang makasama?

“Ang ganda po kasi ng career story niya, e,” saad niya.

Sa pagiging artista naman ay gusto nitong tumagal sa industriya katulad ng co-star niya sa Niño na si Ms. Gloria Romero.

Aniya, “Well, kung ganun po ang plano sa akin at ganoon po ang future ko, okay po.”



LOVETEAM. Tila sila ni Miguel Tanfelix ang nakikita ng Kapuso network na ipareha o gawing loveteam.

Si Miguel ang gumaganap na lead character sa primetime series na Niño, na magpa-pilot sa Lunes, May 26.

Bilang best friend ni Niño ang role ni Bianca dito.

Nae-excite ba siya sa ideya na makilala silang loveteam ni Miguel?

Tugon ni Bianca, “Okay naman po, open naman po talaga ako na makatrabaho o maka-loveteam kahit sino kasi.

"Experience rin naman po na iba-iba ang makakasama mo.”

Kung siya ang masusunod, sino ang pipiliin niyang maka-loveteam?

“Actually, wala po akong choice!” natawang sabi niya.

“Kahit sino po, okay lang po ako.”

Ang huling teleserye ni Bianca ay ang Mga Basang Sisiw, pero medyo ilang buwan din bago siya nabigyan ng bagong proyekto.

Hindi siya naiinip kapag wala pa siyang regular show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, kasi nabawi ko rin po yung time na yun na pahinga naman po.

"Kasi sa Mga Basang Sisiw, parang nag-every day na rin po kaming nag-taping."



DRAMA. Kadalasan ng teleserye niya ay may tema ng pagbibigay pag-asa, ’tulad nga ngayon sa Niño.

Mas gusto niya ba ang ganitong genre na straight drama talaga?

“Opo,” mabilis na sagot ni Bianca.

Pero gusto rin ba niya ng genre na pa-cute-cute at pang-teens bilang nasa ganitong bracket ang edad niya ngayon?

Sabi niya, “Gusto ko po kasi nag-iiba na rin ang level na ibinibigay sa akin as a young actress.

“Masarap din po ang feeling na may mga bagong experiences.

"Siguro rin po, kung ako ang may choice, mas pipiliin ko pa rin po yung drama kasi may matututunan po ako.”

Aminado naman si Bianca na malaking tulong sa kanya ang pinagdaanan niya sa buhay.

Sa murang edad ay naulila na si Bianca sa mga magulang. Nauna ang ina niyang namayapa at sumunod dito ang kanyang ama.

Aniya, “Malaking tulong sa pag-arte na may napaghuhugutan po ako.

"At the same time, siguro po, nahubog na rin ang acting skills ko in some ways dahil sa mga workshops at sa mga learning ko.”

FUTURE LEADING LADY. Maganda, bata, at may galing sa pag-arte si Bianca kaya isa siya sa talents ng GMA Artist Center na puwedeng mabigyan talaga ng pagkakataon.

Pero may nagsasabing may pagka-suplada raw ito o hindi siya masyadong nambabati.

Pagtatanggol ni Bianca sa sarili, “Actually, hindi ko po alam na ganoon po pala.

“Siguro po, more on mahiyain po ako kasi.

"Hindi po ako marunong masyadong mag-approach ng tao.

"At hindi ko rin po kayang mag-start ng conversation.

“Siguro po, baka dahil nauuna po minsan yung nahihiya ako.”

Willing naman daw si Bianca na mag-adjust sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “I am willing to adjust or change po kung ganoon nga po.”

Bukod sa pag-aartista, marami pa raw siyang gustong gawin.

“Siguro po, for now, gusto ko pa pong mag-learn, not only showbiz-wise po.

"Gusto ko pa pong mag-travel.

"Marami pa po akong gustong gawin maliban sa showbiz.

“Gusto ko pong matapos pa ang schooling ko. So far po, nasa Grade 8 pa lang ako sa home schooling.

"Gusto ko pa pong mag-college at kumuha po ng Communication Arts.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN