Christian Bautista on staging a major concert in Araneta or Arena: “Hindi ko pa yata kaya!”

Ito ang paliwanag ni Christian Bautista kung bakit natatakot pa siyang mag-concert sa isang malaking venue: “Well, if you look at kung sino ang mga nag-a-Araneta lately, and the level that you have to be with—Anne [Curtis], Daniel [Padilla], Vice [Ganda], Sarah [Geronimo]… You have to have that to fill up Araneta Coliseum or Arena nowadays. And they’re all in ABS-CBN 2. So, it’s a challenge right now, at this time."


Hihintayin daw ni Christian Bautista na malibre ang schedules ng mga kaibigan niyang sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, at Erik Santos para mapuntahan sa London ang isa pa nilang kaibigan na si Rachelle Ann Go.

Kasalukuyang nagpe-perform si Rachelle bilang Gigi sa West End revival ng musical production na Miss Saigon.

Ayon kay Christian, “Kung merong Europe tour ang ilan sa amin, doon na lang isasabay.

“’O, Rachelle Ann, ‘eto ang Europe tour, ‘eto ang free day. Puwede ba kaming manood that day?’ So, that’s the plan maybe at the end of the year.

“It’s exciting kasi magsasama kami sa London para panoorin si Rachelle Ann and then bonding na rin yun.

“Saka bakasyon naman kami nina Erik. So, sila yung magtatrabaho [Sarah], kami yung magbabakasyon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa 35th Box Office Entertainment Awards na ginanap noong May 18 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

Ang Kapuso singer ang pinarangalan bilang Male Recording Artist of the Year.



A MAJOR CONCERT. Kung ang pagku-conceptualize naman ng kanyang sariling show o concert ang pag-uusapan, wala pa raw ito sa isip ni Christian.

Saad niya, “Let’s start with my strength first.

“Siguro music video muna, or produce actual songs muna, and then we can probably go to that later.

“Maybe in the next album, maybe at the end of the year.

“Maybe ako yung magku-co-direct ng music video or something.

“Sina Sir Gary [Valenciano] and Sir Martin [Nievera], they do their own concerts, their own videos.

“Ganun ang path ng mga artists, eventually—to create from his heart.

“I’m excited for that.”

Balak naman ni Christian na gawin ang susunod niyang concert sa February 2015.

Nang banggitin namin ang Araneta Coliseum bilang possible venue ng kanyang concert, natatawa siyang sumagot ng: “Hindi ko pa yata kaya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Christian Bautista na siya at isang international recording artist, hindi pa ba kaya?

Saad niya, “Well, if you look at kung sino ang mga nag-a-Araneta lately, and the level that you have to be with—Anne [Curtis], Daniel [Padilla], Vice [Ganda], Sarah [Geronimo]…

“You have to have that to fill up Araneta Coliseum or Arena nowadays. And they’re all in ABS-CBN 2.

“So, it’s a challenge right now, at this time.

“So, I cannot wait for the next Arena, I cannot wait for the next Araneta.

“It’s easy to mount a concert… it’s easy. Pero can you fill it? So, that’s the question.”

Dagdag niya, “Hindi ako magyayabang na, ‘Yeah, Christian Bautista na ako. I can fill up Araneta.’ Hindi ako ganun.

“I play it very, very carefully.”

Ano ba ang dapat gawin ng isang performer para makapag-concert sa Araneta Coliseum o sa Arena?

Sabi ni Christian, “In this season? I think you need a serye, a hit movie, you need to have a hit talk show or you’re one of the greats—you’re Regine [Velasquez], you’re a Martin, you’re a Gary…

"Yun ang nakikita kong trend, e.

“It’s not easy, pero I don’t mind.

“My strength is Meralco [Theater]? PICC?

“My last concert? I did a five-day in Meralco. It was very good.

“Parang theater-style. Hindi ako yung malaki na tapos buhos.

“Ako, mas gusto ko yung putul-putol, yung may repeat.”



SINGERS VS. NON-SINGERS. Ano ang reaksiyon ni Christian sa opinyon ng iba na mas pinapanood at tinatangkilik sa big concert venues ang non-singers?

Sagot ng singer-actor, “It’s good. Ako, I’m all for it.

“It’s not… ang ganda ng isang quote na nakita ko kay Beethoven: ‘It’s not about the wrong notes. It’s about your passion.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What’s their passion? Their passion is to entertain and people are entertained.

“Napupuno nila, e, so who we are to criticize them?

“If people are entertained and go out feeling happy—whether they sing the right note or not—then by all means, do it, do more.

“’Coz that’s what entertainers are. Hindi yung huwag na tayong magsiraan, tulungan na lang.”

Masyado na bang mahigpit ang kumpetisyon sa pagitan ng singers at non-singers?

Sabi ni Christian, “It’s not a competition between singers and non-singers.

“Kasi ‘pag sinabi mong competition ng singers and non-singers, magiging popularity contest ‘yan. Meaning, sino ang pinakasikat?

“So, it’s not a popularity contest.

“So, I’m thinking na it should be, like, it’s your time now, while the iron is hot, by all means, I will support you.

“Because God has favored you this time and the people are reacting, I will support it.

“Hindi ko ida-drag. Hindi kita ika-crab mentality. Isu-support kita.

“And they’re all my friends and I’m happy for them.”



SUNDAY ALL STARS. Nang mabanggit ng PEP kay Christian ang tungkol sa pagre-reformat ng kinabibilangan niyang musical-variety show sa GMA, ang Sunday All Stars (SAS), ibinalita nitong nag-rate ang kanilang programa.

“You know, we rated on the second week. As in, we beat ASAP one Sunday.

“It really sparked everyone [in SAS]. So, talagang lahat ngayon ay on fire ngayon.

“It’s a mix ng Party Pilipinas and yung lumang SAS. And they put it together—it’s brand new.

“Meron pa ring labanan, pero back to kantahan kung kantahan. Kung sayawan, sayawan.”

Nililinaw ni Christian na hindi totally natanggal yung mga naging bahagi ng dating Sunday All Stars.

“Parang merong ibang semi-regular… it’s not at the artist, e. We just follow the management, what’s best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, are we still friends? Do we wish them to go?

“Yes, all of us want to be in that show. We’re waiting for that day na ‘pag lumaki na uli yung show, then everyone can come in again.”

Kung si Christian ang tatanungin, mas gusto niya ngayon ang flow ng Sunday All Stars.

Paliwanag niya, “Kasi merong kumpetisyon. Merong kakanta ka lang. The singers sing, the dancers dance.

“At meron pa ring kumpetisyon. So, halo, the best of both worlds.

“Saka very tight, very solid.”

ACTING CAREER. Tungkol naman sa kanyang acting career, nababalitaan pa lang daw ni Christian na mayroong ibibigay sa kanya ang GMA na isang teleserye ngayong June.

Pero hindi pa siya sigurado dito hangga’t wala pang official offer sa kanya ang istasyon.

Wala rin daw movie project na naka-lineup sa kanya.

Ang natapos lang daw ni Christian ay ang musical-drama production na Ghost.

Tatlong buwan daw niya itong ginawa at natapos ito dalawang linggo na ang nakararaan.

Sabi pa niya, “I was very in to that, three-month intensive.

“I love it so much, na-remind ako of my roots ‘coz I started in the theater.

“So, let’s see what’s the next project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN