Ruffa Gutierrez wants to get married again: “I don’t wanna be an old maid, ‘no! I’m too cute to end up an old maid!”

Bagamat hindi inaalis ni Ruffa Gutierrez ang posibilidad na pasukin din ng kanyang mga anak ang pag-aartista, mas gusto raw niyang makatapos ang mga ito ng pag-aaral. Paliwanag niya, "Ang dream ko talaga sa kanila ay makapagtapos sila ng pag-aaral, to have a diploma. Kung gusto talaga nilang mag-showbiz, tulad ni KC [Concepcion], at least meron na siyang degree, ‘di ba? She has something to fall back on. Hindi naman lahat tayo ay sinusuwerte sa buhay."


Kung ang mga anak ni Ruffa Gutierrez ang masusunod, mas gugustuhin ng mga ito na huwag na lang siyang mag-asawang muli at silang tatlo na lang ang magsama-sama habambuhay.

Sina Lorin, 10, at Venice, 9, ang dalawang anak na babae ni Ruffa mula sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas, isang negosyante mula sa Istanbul, Turkey.

Sa kabila ng pagkaka-link niya sa ilang kilalang personalities noon—katulad nina John Lloyd Cruz at Congressman Lino Cayetano—nananatili pa ring single hanggang ngayon ang actress-TV host.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, noong Mother’s Day, si Lorin wrote me and said, ‘No.’

“Sabi niya, ‘We really wish na tayong tatlo na lang forever, tayo tatlo na lang.

“’I know one day, you’ll fall in love again, and we just hope, you’ll love us, he will love you, he doesn’t break your heart, and he doesn’t smoke.’

“Mature na rin kasi sila, ‘di ba?

“At least, close kami ng mga anak ko, ‘di ba? Lahat nasasabi nila sa akin.”

Nakausap ng PEP si Ruffa sa presscon ng pelikulang Maybe This Time sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong nakaraang linggo.

WISH LIST. Mayroon bang ideal boyfriend na nababanggit sa kanya ang dalawang anak?

Saad ng single mom, “Meron silang mga wish para sa akin.

“Gusto ko naman na yung taong ipapakilala ko sa kanila ay yung ‘di naman ako mapapahiya.

“Hindi naman ako magpapakilala ng isang tao na sa tingin ko ay hindi puwedeng mahalin ng mga anak ko.

“They’re smart naman na... gusto nga nila na kaming tatlo na lang, ‘di ba?

“Happy naman ako na kaming tatlo lang. But in the real world, siyempre kailangan naman natin ng partner.”

Ibig bang sabihin nito ay itinigil na ng mga anak niya ang pagnanais na magkabalikan pa ang kanilang mga magulang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Ruffa, “I’m sure, lahat naman ng mga bata ay pangarap nila na yung parents ay, ‘Sana magkabalikan sila.’ Na magkasama kami ulit.

“Pero naiintindihan naman nila na they are mature enough to realize na if it’s not gonna work, they’ll still love him and wish me still the best.”

Handa ba siyang tumandang mag-isa?

Mabilis na sagot ng actress-beauty queen, “No of course. I’ll never grow old alone.

“I’ll grow old with my happy family and kids.

“You know, somebody who will hold my hands.

“I don’t wanna be an old maid, ‘no! I’m too cute to end up an old maid!”

Paano kung kontrahin na naman ng kanyang inang si Annabelle Rama ang kanyang future boyfriend?

Natatawang sabi ni Ruffa, “Alam mo naman ang mommy ko, react lang ‘yan nang react.

“Si Mommy ko kasi, hindi ‘yan maka-get over sa past.

“Kung sino ang hate niya noon, binabalikan pa rin niya kahit na ten years ago na.

“Sinasabi ko nga sa kanya, ‘Ano ba yun, ‘di ka na maka-get over sa taong yun?’”

SHOWBIZ KIDS. Tungkol naman kina Lorin at Venice, marami ang nagsasabing hindi malayong pasukin din ng mga ito ang showbiz, ‘tulad ng ibang celebrity kids.

Papayagan ba niya ang mga ito kung sakali?

Sabi ni Ruffa, “Yung pag-aartista, hindi maiiwasan yun, kasi nasa blood naman nila.

“It will always be there, like yung photo shoots or may mga offer for endorsement at projects.

“Pero ang dream ko talaga sa kanila ay makapagtapos sila ng pag-aaral, to have a diploma.

“Kung gusto talaga nilang mag-showbiz, tulad ni KC [Concepcion], at least meron na siyang degree, ‘di ba?

“She has something to fall back on. Hindi naman lahat tayo ay sinusuwerte sa buhay.

“Suwerte lang ako na binigyan ako ng chance na buhayin ang mga anak ko kahit na ako ay single mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lahat ay binibigyan ng ganyang opportunity na everyone is blessed, kaya gusto ko ay maging strong din sila.

“For them to be well-equipped to face the world na meron silang pinanghahawakan, na kahit hindi sila mga artista, meron silang na-achieve outside this industry.”

Dito ay nabanggit ni Ruffa ang kanyang mga kinatatakutan habang lumalaki ang mga anak.

Ayon sa 39-year-old actress-TV host, “Ang fears ko talaga ay kung ano ang mangyayari sa kanila when they grow up.

“Yung boys na aaligid-aligid sa kanila, handa ko na ba silang awayin?

“Gusto ko na ring maging Annabelle Rama one day, yung mga ganun.

“Siyempre, girls sila, so dapat ingatan.

“Pero yung fears na living in this world, na kailangan marunong kang mag-balance, na alam mo when to let them go and experience independence.

“Gusto kong maging conservative sila sa kanilang values and, at the same time, gusto ko silang maging advance sa utak sa pag-aaral.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN