Martin Escudero reveals dream project with Marian Rivera

Bukod sa pagiging artista, isa ring aspiring scriptwriter ang Kapatid actor na si Martin Escudero. Sa katunayan ay may mga naisulat na siyang scripts, isa na rito ang isang romantic-comedy kung saan si Marian Rivera sana ang gusto niyang gumanap sa lead role.


Three-year contract ang muling pinirmahan ni Martin Escudero sa TV5.

Kailan lang nagtapos ang kanyang TV series na Obsession at sa ngayon ay naghihintay pa si Martin ng susunod niyang TV assignment sa kanyang home network.

“May naririnig na ako na may nilulutong bagong project, pero hindi pa ako kasi puwedeng magbigay ng detalye, e,” saad ni Martin nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong May 20.

Isa si Martin sa naging presenter sa ginanap na kauna-unahang The PEP List Awards.



LIGHTER ROLE. Ano ang magiging tema ng next project niya?

Sagot niya, “Kasi ako, gusto nila sa drama, e.

“Pero sa tingin ko, yung susunod, mas lighter. Hindi iyong as in heavy na ’tulad ng ginawa ko before.

“Alam ko naman na may plano ang TV5, e, so ako, mag-aantay lang.

“Siyempre, lagi akong nagdadasal na laging may project.”

Ayon pa sa aktor, kung may choice siya ay gusto niyang makatrabaho ang lahat ng TV5 princesses.


ALICE DIXSON. Si Alice Dixson, nakatrabaho na niya?

Tugon niya, “Oo, twice na, pero isa rin siya sa pinapangarap kong makasama sa future projects ko sa TV5.”

Okay lang ba sa kanya kung parang sex-comedy ang maging tema ng project niya with Alice, na parang teacher niya ito?

“Oo, puwede, maganda iyan,” matipid na wika niya.

Nakita ba niya ang FHM cover pictorial ni Alice?

Pag-amin ni Martin, “Oo, grabe talaga si Ms. Alice!

“Hindi mo talaga iisipin na 40 years old na siya, e, hindi papasok iyon sa isip mo, e.

“Iba kasi ang ganda niya, flawless pa rin.

“Isa siya sa gusto kong makatrabaho talaga. Unang-unang crush ko si Ms. Alice, e.

“So, hopefully ay makatrabaho ko siya very soon.”

Naging pantasya niya ba si Alice noon?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Hindi ko lang naging pantasya noon si Ms. Alice, mula noon hanggang ngayon, puwedeng sabihin na pantasya talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, isa siya sa mga first love ko.”



MARIAN RIVERA. Pagdating naman sa pelikula, sinabi ni Martin na si Marian Rivera ang ultimate dream niyang maging leading lady.

“Nakasama ko na siya sa movie, sa Shake Rattle & Roll [‘Nieves’ episode], pero matagal na, at hindi kami connected doon sa characters namin dun, e.

“Gusto ko kasi sana ay yung magkasama talaga sa movie, na nagbabatuhan sa eksena.

“’Tsaka siyempre, ate ko si Marian at matagal ko na siyang hindi nakakatrabaho, e.”

Dating magkasama sina Martin at Marian sa pamamahala ng talent manager na si Popoy Caritativo.

Bakit gusto niyang makasama si Marian sa movie?

Sagot ng young actor, “Unang-una, sobrang galing kasi talaga ni Marian sa comedy.

“Specifically ay comedy, ha, sobrang galing ni Marian sa comedy, e.

“Actually, mayroon akong ginawang script, na kung papalarin ng Diyos ay magawang pelikula, si Marian ang gusto kong makasama.

“Isang comedy ito, parang rom-com [romance-comedy] ang dating.

“Si Marian ang napili kong lead na babae sa script na ito, kasi sa galing talaga niya.

“’Tapos sa ganda niya, sa physical appearance niya ay perfect doon sa script.

“Bagay siya doon na medyo malambing na matalim ang ganda, na parang teacher na may pagka-terror.”



ASPIRING SCRIPTWRITER. First time niya bang magsulat ng script?

Tugon ni Martin, “Hindi po, mayroon akong isinulat noon na isang horror for Shake, Rattle… sana, pero hindi natuloy.

“So, heto na yung masasabi kong first full-length script na isinulat ko.”

Ano ang plano mo sa iyong script?

“Sa totoo lang, open naman ako kahit na kaninong movie company, kung sino ang tatanggap ay doon ko ibibigay.”

Pero si Marian ay nakakontrata siya sa Regal Films, hindi ba?

“Kasi sa totoo lang, sa pelikula ay puro Regal din naman ako noon.

"So, open naman ako sa lahat,” nakangiting pahayag ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling matupad na makasama niya si Marian sa movie, ano ang mararamdaman ni Martin?

“Naku, dream come true po iyan kapag natupad na makasama ko si Marian sa movie!

“Fulfillment iyan ng pangarap ko talaga.

“Kapag nangyari iyan, definitely ay masasabi kong isa ito sa highlight ng showbiz career ko kapag nakapareha ko si Marian sa movie!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN