Pokwang embarks on search for daughter’s Japanese dad: “Iba pa rin na malaman mo kung saan ka nagmula para buo ka.”

Pokwang on her determination to search for daughter’s Japanese dad: “’Pag gusto, may paraan. ’Pag ayaw, may dahilan. E, para sa anak ko ito, hindi puwedeng hindi i-effort.”


Bukod sa kanyang pagiging isa sa mga natatanging komedyana sa industriya, kilala rin si Pokwang bilang isang butihing ina.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang, sa 35th Box Office Entertainment Awards noong May 18 sa Solaire Resort & Casino, masaya nitong ikinuwento ang matagumpay niyang pagdaos ng debut party para sa kanyang panganay na anak na si Rie Mae.

Saad niya, “Oo nga, madugo. Pero masaya.

"Alam mo naman, ’di ba, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo iindahin kung magkano ang nagastos mo, as long as na masaya.

“Deserved naman ng anak ko dahil top three sa school, nag-aaral naman nang mabuti.”

Ito ay patunay lamang na magaan na talaga ang buhay ni Pokwang ngayon dahil nabigyan niya ng magarbomg debut party ang kanyang dalagang anak.

Sabi niya, “Salamat... kasi, ’di ba, kumbaga, ni sa panaginip hindi ko inisip na mararanasan naming mag-ina yun.

“Kung anuman ang darating sa hinaharap masaya man o maganda tayo ay magdasal lang.”

Ang debut party ba ang regalo niya kay Rie Mae sa birthday nito?

Tanggi ni Pokwang, “Actually, hindi. Ang gift ko sa anak ko ay ang bonggang-bonggang edukasyon.”

May balitang nakaka-dalawang milyong piso na raw si Pokwang sa tuition pa lang ng anak dahil kumukuha ito ng Culinary course sa isang mamahaling eskuwelahan sa The Fort.

“Basta,” nangingiti niyang sabi.

“Hindi naman ako nanghihinayang kasi masipag naman siyang mag-aral at pursigido.

"Buti na lang, buti na lang.”



SEARCH FOR DAUGHTER’S JAPANESE DAD. Matapos ang debut ni Rie Mae, inamin ni Pokwang na ang paghahanap sa Japanese father ng anak ang kanya namang aasikasuhin para magkita na nang personal ang dalawa.

Saad niya, “Kasi may mga hearsay-hearsay na ang Japan ay magluluwag sa visa.

“Sabi ko, ’Kung sakali mang dumating yun at magkatotoo man yun, sana kung may time at gusto mo, para maging buo yung pagkatao mo, puntahan natin ang tatay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-effort tayong hanapin siya, hindi para habulin, kundi para magkita kayo at makilala mo na siya.’”

Paano naman ito gagawin ni Pokwang samantalang patung-patong ang showbiz commitments niya?

Mabilis na tugon ni Pokwang, “’Pag gusto, may paraan. ’Pag ayaw, may dahilan.

"E, para sa anak ko ito, hindi puwedeng hindi i-effort."

Ayon kay Pokwang, hindi raw hiningi ng anak sa kanya.

“Ako lang ang may gusto. Siya kasi, okey lang na makilala niya at hindi.”

Bakit naman siya nagdesisyong pagharapin ang anak at ang tatay nito samantalang hindi naman pala ito hinihingi ng anak niya?

Paliwanag ni Pokwang, “Naku, malay mo naman sinasabi lang niya yun, pero deep inside, ’di ba?

“Gusto ko lang iano, para matapos na yung ganyan-ganyan.”

Hindi ba natatakot si Pokwang na baka sa halip na maging maaliwalas ang pagtatagpo ay magbunga pa ito ng lungkot o ’di kanais-nais na eksena sa anak niya at sa ama nito?

Saad niya, “Siyempre kailangan ko munang makausap yung ama.

"’Pag nakausap ko yung ama... e, ayaw ko rin naman na baka masaktan yung anak ko.

“Pero in the end, siya pa rin ang magde-decide.”

Binanggit na ba ni Pokwang kay Rie Mae ang ideyang pagharapin sila ng tatay nito?

“E, yun nga lang, dumi-deadma nga. Pero hindi naman siya galit sa tatay niya.

“Kasi yun naman ang turo ko sa kanya, ’Never kang magtatanim ng galit lalo na sa tatay mo,’” giit niya.

Ibig palang sabihin ay si Pokwang lang talaga ang mapilit?

“Parang gano’n nga, kasi sa kanya, parang, ’Sige, kung ano, e, di...’ ganun lang siya.

“Pero kung ako ang tatanungin, gusto kong magkakilala sila.

"Iba pa rin na malaman mo kung saan ka nagmula para buo ka."

Isang kaibigang Japanese daw ni Pokwang ang hiningan niya ng tulong para hanapin ang ama ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang impormasyong nalaman niya, may asawang Koreana at anak na raw ang dating Japanese boyfriend ng Kapamilya comedienne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN